Chapter 14
B L A D EHindi ko alam kung ga'no katagal akong nakatulog sa sofa ng Healing Quarters. Must be because of the tiredness I feel for the few weeks of being sleep deprived.
Ang tunog ng sapatos na palakad-lakad ang nakapagpagising sa akin. Sa harap ko ay si Nurse Clara na may mga matang nag-aalala. Nakatunghay siya sa akin at parang nag-aantay lang na magising ako.
"May nangyari po ba?"
Hinawakan niya ng mahigpit ang mga kamay ko. "Blade, s-si Raven, nawawala!"
Napatayo ako. "Ano pong ibig mong sabihin?"
Naging malalim ang buntong-hininga niya. "Kaninang alas-dose ay pumunta ako sa East Forest para sana manguha ng mga halamang gamot. Dahil sa mahimbing naman ang tulog ni Raven kanina ay naging kampante ako, pero pagdating ko kanina ay bakante na ang kama niya!"
"Kanina pa ba siya nawawala?"
"Mga dalawang oras na rin," sagot niya. "Sinubukan ko siyang hanapin ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakikita!"
"Bakit hindi mo ako ginising agad?"
"Dahil baka maalimpungatan ka kung bigla kitang gigisingin at sabihan ng hindi magandang balita."
"Aish!" Naiinis na napasabunot ako sa buhok ko. "Sa'n ko siya hahanapin nito?"
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Nagmamadali akong lumabas ng Healing Quarters.
"Blade!"
Hindi ko na rin pinansin pa ang pagtawag ni Nurse Clara sa akin. Kailangang mahanap ko na agad si Raven. Wala pa siyang matinong pahinga at mas lalala ang kalagayan niya kung hindi siya maibabalik sa Quarters.
Tinungo ko ang Open Area. Dalawang kalesa lamang ang nakaparada. Ang isa ay para sa akin at ang isa ay para kay Nurse Clara. Kung nakaalis si Raven sakay ng kalesa ay marapat lang na may naiwang marka sa pinagparadahan ng sinakyan niya. Hindi gaanong mahangin sa lugar na 'to kung kaya hindi agad mabubura ang bakas sa buhangin at base sa nakikita ko ay walang ibang sasakyan na nanggaling dito. Marahil ay nasa loob pa rin siya ng eskwelahan!
Sunod kong pinuntahan ang pinakamalalapit na lugar sa kinaroroonan ko. Ang Hidden Gymnasium at ang Up Burn Field maging ang Millennium Auditorium ngunit bigo ako. Nakapatay ang ilaw ng mga 'to.
Matapos sa S. West ay ang North Hill naman ang tinakbo ko. Bawat madadaanan kong facility ay naka-lock maging ang nasa ikalawang palapag ng building na library. Naglakad ako papuntang sentro kung nasaan ang fountain. Tiningnan ko ang mga kwarto na ginagamit naming mga Lewis at gaya ng kanina ay nakapatay ang ilaw ng mga ito. Kahit sa gusali nilang mga Zeran ay walang kahit anong kwarto ang nakabukas ang pinto o ang ilaw.
"Damn! Nasa'n ka ba Raven?"
Biglang pumasok sa isipan ko ang Dine Hall. Tama! Tama! Baka nando'n siya dahil nagutom. Ngunit gano'n na lang ang pagkadismaya ko nang makita kong nakasarado pa ang kainan.
"Saan pa ba kita hahanapin?"
Wala na 'kong ibang maisip na lugar na pwede niyang mapuntahan. Halos lahat ng lugar na nararapat na alam lang ng mga estudyante ay napuntahan ko na ngunit puro walang bakas na nanggaling siya doon.
Tapos na ako sa North Hill, S. West, Midway Battle, at ang tanging lugar na lang na hindi ko napupuntahan ay ang East Forest. Posible kayang nando'n siya?
Kung nando'n man siya, pa'no niya nalaman ang daan papunta roon? Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpunta sa Silangan ng paaralan at ang sinumang lalabag ay mapapatawan ng parusa.
BINABASA MO ANG
Nascent Internecine: War of Transients
FantasyNascent Internecine is a war, yet no one knows who will really survive. Welcome to Artesian Academy! Wienerzel Fantasy Series #1 Book cover credits to: Pzalm Franzenne Begasin (@franzenneee)