Chapter 29
R A V E NNagtagal pa kami ng mahigit isang linggo sa bahay na nakita nila Blade. Sa loob ng mga araw ng pananatili namin ay wala namang sumugod na siyang ipinagpapasalamat namin. Who knows if they might attack us while we are sleeping?
Medyo nakasanayan na rin naman namin ang pagtira dito kahit pa hindi ganito ang mga bahay namin. Araw-araw ay gigising kami para maligo, kumain, at matulog. Kung minsan ay wala pang tubig sa poso namin kaya nagagawa pa naming pumunta sa ibang bakanteng bahay upang doon kumuha ng tubig.
Napagdesisyunan ni Blade na hatiin na lang sa dalawa ang grupo para hindi kami siksikan sa iisang bahay. Wala rin namang pinagkaiba dahil magkakatabing bahay lang ang inookupa namin.
Gamit ang kapangyarihan ni Chelsea ay wala kaming pangamba kung magiging ligtas ba kami. Kahit pa delikado ang ginagawa niya ay tuloy pa rin siya. Gaya nga ng sabi niya, "Sometimes, we need to do such things in order to survive. Even if it means sacrificing."
Sacrificing will lead to nothing lalo pa kung ang mga taong dahilan ng sakripisyo ay hindi alam ang halaga nito.
Tumayo ako at lumabas. Naabutan ko silang nagsasanay sa gitna ng daan. Umiihip ang may kainitan na hangin na unti na lang ay pwede na sigurong makasunog ng balat.
Ang dalawa naming kagrupo na may kapangyarihan ng apoy at yelo ang magkalaban. Para ngang naglolokohan lang sila. Paano sila mananalo kung magkabaliktad ang kapangyarihan nila? Patuloy na gagawa ng yelo si Khryss ngunit patuloy lang din na tutunawin ni Burn. I wonder how their fight will end?
Malapit sa kanila ay ang dalawa na parehas na may telekinesis - Raye and Bryan. Karamihan sa ginagamit nilang panangga ay ang mga bato na nakakalat lang sa paligid
Sa gilid ay nakaupo si Erick at parang may nilalaro sa lupa. Nang pagmasdan kong maigi ay anino pala ang nilalaro niya. Sinundan ko ng tingin sila Raye at Bryan at ngayon ay kapwa sila hirap gumalaw. Hinahatak ni Erick ang anino ng dalawa na akala mo ay parang puppet lang na nakokontrol ng tali.
"Raven, gusto mong sumama mag-igib? Wala na namang tubig sa poso natin."
Napalingon ako kay Chelsea na may hawak-hawak na mga balde. Nakangiti siya at nag-aabang ng sagot ko.
"Sige," sabi ko. "Tubig lang ba ang kailangan kuhain?"
Nag-isip siya. Dumating naman si Ericka na may dalang basket sa tagiliran. "Kulang na ang makakain mamayang tanghali. Kukuha lang muna kami."
"Sinong kasama mo?" tanong ko.
Biglang sumulpot si Lash sa gilid niya. Ang aming earth controller. Sa lahat ng kamyembro namin ay siya ang pinakatahimik. Bibihira siyang magsalita at magpakita ng kung anong kaya niya.
"Ako na ang sasama sa kanya."
Sumang-ayon ako. Mabuti nga na may kasama siyang lalaki para may magpoprotekta sa kanya kung kinakailangan.
Paalis na kami nang may tumawag sa amin. "Saan kayo pupunta?"
"Mag-iigib ng tubig," sagot ko kay Raye.
Nagprisinta siyang sumama kaya pumayag na kami tutal ay may kapangyarihan naman siya na makakatulong sa amin. Pati ang ibang balde ay pinadala na rin namin sa kanya para mas marami ang maigiban namin.
Itinapat ni Chelsea ang balde at nag-umpisa na 'kong magtaas baba ng hawakan ng poso.
"Bakit hindi mga lalaki ang isinama niyo?" nagtatakang saad ni Raye.
Nagkibit balikat lang si Chelsea kaya ako na ang sumagot. "Hindi naman na kailangang humingi pa ng tulong sa iba kung kaya naman mag-isa."
"Pero gawaing panlalaki ang pag-iigib," pakikipaglaban niya.
BINABASA MO ANG
Nascent Internecine: War of Transients
FantasiaNascent Internecine is a war, yet no one knows who will really survive. Welcome to Artesian Academy! Wienerzel Fantasy Series #1 Book cover credits to: Pzalm Franzenne Begasin (@franzenneee)