Chapter 27

338 20 6
                                    

Chapter 27
R A V E N
(Warning: May contain scenes not suitable for young readers.)

I feel so energetic now dahil sa wakas ay nawala na rin ang masama kong pakiramdam. Kahapon ay kung ano-ano na ang pinaggagawa ko para lamang mawala ang ginaw na nararamdaman ko. I would jog around the village, practice my gymnast skills, read books — na hindi naman nakatulong dahil lalo lang sumakit ang ulo ko — and to the extent that I cleaned the whole house which isn't a joke. Napakalaki ng bahay na tinitirhan namin at ilang oras din ang inabot ko sa paglilinis. I swept the floor and mopped it, wiped away the dust from tables, furnitures and windows, arranged the books in the living room, and arranged the books in my bedroom. Umabot pa sa punto na pati pagdidilig ng halaman ay nagawa ko.

I am grateful na ngayon ay wala na. Wala na akong sakit— I mean I wasn't shivering anymore, but the headache still lingers.

"Are you ready for tonight?"

Lumabas mula sa kusina si Ate Shana, may dalang mga hiniwang pipino. Sabi niya ay pampaganda raw ng mukha kahit maganda naman na siya.

"Nakabili na ako ng damit kanina," sagot ko. Humilata ako sa sofa habang nagbabasa. "Ikaw?"

"May damit na ako. Kahapon ko pa nabili," aniya.

Kanina lang ako nakabili ng damit para mamayang gabi. Hindi naman nangangailangan ng gown na susuotin dahil hindi naman formal party ang gaganapin. Ang mangyayari mamaya ay para lang daw magsaya bago mangyari ang mismong laban.

"Sila Ate Kate at Steph?" tanong ko.

Tiningnan ko siya. Abala siya sa paglalagay ng pipino sa buo niyang mukha. "Meron na rin sila. Sabay-sabay kaming nakapamili kahapon."

Tumango ako. "Mabuti naman."

Sa ilang buwan naming pananatili rito ay ngayon ko lang napagtanto na ang mga tao sa plaza lamang ang tangi naming nakakasalamuha na mamamayan ng Artesian. Wala pang pangyayari na nakausap namin ang karamihan sa kanila.

Mabilis na lumipas ang sandali. Namalayan ko na lamang na gabi na at oras na na maghanda para sa event. Isinuot ko na ang damit ko. I tucked in my light pink long sleeves in a checkered black and white skirt. Itinupi ko ang mahabang manggas ng pang-itaas ko hanggang sa aking siko. Inilugay ko na rin ang aking buhok. I paired my clothes with black wedges.

Pagbaba ko ay naabutan ko silang tatlo sa baba. Ate Shana wearing her peach dress na may tali sa harap ng leeg. The sleeves were see through at the upper part pero covered naman na ang sa bandang siko. She looked elegant lalo pa at nakasuot siya ng 3-inch heels na bagay lang sa tangkad niya.

Ate Kate is in a yellow crop top and ripped high waist jeans na pinaresan niya ng rubber shoes.

Si Stephanie rin ay naka-black crop top na may black and white lining sa manggas. Pinares niya 'to sa denim skirt na above the knee at ang white shoes niya. May nakakabit pang belt bag sa kanya.

We are all set. Sumakay na kami sa kalesa na pandalawahan. Gaya ng nakasanayan ay si Ate Shana ang katabi ko. After minutes, it landed on the Area. Naririnig ko na ang ingay na mula sa gym na siyang pagdadausan ng party.

We all went there. Sumalubong sa amin ang mga nagkakasiyahang estudyante. Naghiwa-hiwalay na kaming apat para hanapin ang mga kagrupo namin. Hindi nagtagal ay nakita ko si Blade na naka-blue polo at khaki shorts. He was lying on a chair and comfortably drinking using his right hand na nakapatong sa sandalan ng katabing upuan. Umupo ako roon.

"Hey," bati ko at nilingon ko rin ang mga kamyembro namin na kasama namin sa mesa. "Hello."

They all greeted me back with a smile on their face.

Nascent Internecine: War of TransientsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon