Chapter 31

281 20 0
                                    

Chapter 31
R A V E N
(Warning: May contain scenes not suitable for young readers.)

Nagising ako sa malamig na semento. Nakakalat sa langit ang makikinang na bituin at ang nag-iisang maliwanag na buwan. Bumangon ako para alamin kung nasaan ba ako. Agad akong napaatras ng makita ang kinatatayuan ko.

Nasa rooftop ako ng napakataas na gusali. Paano ako napadpad dito?

Niyakap ko ang sarili ko nang umihip ang malakas na hangin. Malakas at malamig na hangin. Nasaan si Blade? Nasaan sila? Nasaan ang mga tao?

Gumalaw ang gusali na parang lumilindol. Napaluhod ako at kumapit sa gilid.

Naging kulay pula ang langit. Nagkalat ang dugo sa sahig. Nagkaroon ng mga bitak sa sahig. Ngayon, naintindihan ko nang nasa loob ako ng isang ilusyon.

"Ah! Tama na!"

Nagsisimula ng bumagsak ang mga bitak at mas lalong lumakas ang pagyugyog ng kinaroroonan ko. Hanggang sa mabilis na gumuho ang gusali. Dumulas ako pababa sa gumuhong sentro. Ramdam ko ang pagkagasgas ng mga braso ko at ang matatalim na bagay na tumama rito. Nagdudugo na rin ang aking tuhod na nadiin sa mga bubog.

Wasak-wasak na ang mga semento na kanina lang ay bumubuo sa gusali. Tumayo ako at pinagpagan ang sarili. Madumi na ang katawan ko.

Inilibot ko ang paningin sa bagong kinatatayuan ko. Wala na ang gumuhong gusali na kanina lang ay pinagmulan ko.

Madilim ang buong paligid. Napapalibutan ako ng nagtataasang mga puno at hindi na gaanong maliwanag gaya kanina. Hindi na gaanong nakakalusot ang liwanag na dulot ng buwan dahil sa mayayabong na dahon.

Mula sa itaas ng puno ay may nakita akong gumalaw. Palipat-lipat ito ng sanga.

"Sino 'yan?" Lumapit ako rito. "Sinong nand'yan?"

Hinawi ko ang mga nakausling sanga at tumingala. Sinusundan ko ng tingin ang anino ng gumagalaw na hindi ko alam kung tao o hayop. Nakita kong huminto ito sa isang puno kung kaya't naglakad ako pasulong dito.

"Sino ka?"

Napatakip ako sa tenga ng humuni ito nang napakalakas at napakatining. Tila mababasag ang pandinig ko. Pakiramdam ko ay mabibingi ako.

"Tama na! Pakiusap! Ahh!"

Bumagsak ang tuhod ko sa lupa. Sobrang higpit na ng pagkakatakip ko sa mga tenga  ko, ngunit tumatagos pa rin ang nakakarinding ingay. Walang tigil, walang humpay. Feeling ko, ano mang oras ay mamamatay ako.

"Tama na! Huminto ka na, pakiusap! Nabibingi na ako!"

Nadagdagan pa ang napakatining na huni ng tingin ko ay ibon. Mayroong malalakas na pagwawalang marahil ay dulot ng leon, o ng tigre, o ng oso. Naghalo-halo na ang ungol nila sa kagubatang nababalot ng kadiliman. Walang hanggan ang paggawa nila ng kakaiba at nakakatakot na ingay.

Huminto ang ingay at biglang umihip ang malakas na hangin. Pagtingin ko ay ako ang pinapalibutan nito. Paikot-ikot ito sa akin. Nagliliparan ang mga dahon, sanga, bato, at kung ano pa man na laman nitong kagubatan.

"Ihinto niyo na 'to!" Paulit-ulit akong sumigaw hanggang sa namalat ako. Bumagsak ang mga nagliliparang bagay kanina. Unti-unting lumiwanag. Tiningala ko ang kalangitan at namasdan ang mala-kahel na kulay nito. Waring dapit hapon na na dapat ay umaga dahil kanina ay gabi.

I looked behind me and found three wild animals approaching me. All of them are running like a mad wolf. Kitang-kita ang pagkasabik ng mga ito na masakmal ako. Tumutulo ang nakakadiri nilang laway na nagpakita ng kanilang pagkatakam sa akin bilang pagkain.

Nascent Internecine: War of TransientsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon