Chapter 32
T H I R D P E R S O N
(Warning: May contain scenes not suitable for young readers.)Raven jumped on the slightly ajar gate, but remained silent. Naramdaman niya ang kakaibang enerhiya nang makalagpas siya rito. Napaatras siya pagkakita kay Blade. Duguan ang mga braso at binti, gutay-gutay ang damit, at halatang pagod base sa mga mata.
Grr.
Sinapo ng dalaga ang maingay na sikmura, tinatanong ang sarili kung ilang araw ba siyang nalipasan ng gutom. Ilang araw ba siyang nasa loob ng isang ilusyon?
Napalilibutan ng hindi mapangalanang mga halimaw si Blade. Mayroong pakpak ng paniki at agila, katawan ng leon, tigre, kabayo, at aso, ulo ng oso, lobo at dinosaur, at buntot ng alakdan. Mapupula ang mga mata at may tumutulong laway sa kanilang matutulis at mahahabang pangil at mga ngipin.
"Nasaan ang kalaban ni Blade?" nagtatakang wika ni Raven.
Wala siyang ibang makita kung hindi ang mga nakabantay na hayop na nag-aabang sa tamang oras para umatake.
Nabaling ang tingin niya kay Blade na sumigaw nang napakalakas. Inaatake na nito ang mga kalabang hayop gamit ang sariling mga kamay at mga paa. Kumakalaban gamit ang mga natutunan mula sa ilang buwang pag-eensayo.
"Bakit hindi niya gamitin ang sandata niya?"
Mabilis na humakbang sa malaking bato si Blade at tumalon nang pagkataas-taas sa ere. Lumapag siya sa likuran ng isang hayop at tinangkang saksakin ito gamit ang hawak na bagay na matulis at kumikinang.
May malaking kalaban naman na lumipad sa taas niya at sinusubukan siyang alisin. Nagtamo ng mga kalmot ang likuran ng kakamping si Blade na hindi naman nagpatinag. Kitang-kita kung paano ito kumapit nang mahigpit sa mabalbong katawan ng matabang hayop. Dumaing ang huli at mas lalong nagwala na siyang dahilan para mahulog si Blade sa lupa.
Agad na bumangon ang sugatang binata at nagpatuloy sa pag-atake. Namataan man nito ang kapareha na si Raven ay hindi siya nagpahalata para hindi sa huli mabaling ang atensyon ng mga kalaban.
Raven searched for his bow and arrow. Kulay ginto naman ito at kikinang kapag nakita lalo pa at tirik na tirik ang inosenteng araw. Hindi alam na sa ilalim ng kanyang binibigyang liwanag ay may magkaibang uri ng mga nilalang na nag-aagawan ng buhay.
"There you are."
Raven smiled when she spotted the weapon sitting under the bunch of big leaves. Ginawa niya ang lahat ng makakaya para hindi makagawa ng ingay na makakakuha ng atensyon ng mga halimaw.
Her skills in gymnastics were applied. She stepped as light as feather on the dried leaves and sharp rocks. Even swiftly sliding her head under the pointing branches of the old, huge trees.
Narating niya ang kinaroroonan ng hinahanap. Una niyang nasulputan ang pana. Iniangat niya ang mga dahon at nakita ang nasa apat na palaso.
The recurve bow glistened even more. Shining as it recognize one of its owners and the life it holds.
Tumaas ang balahibo ng dalaga. She moved her hand and aimed to one of his enemies.
The arrow flew, killing the Chimæra when it landed onto its arm. Sumigaw ito at nagwala. Inalis ang bagay na tumusok sa kanya habang dahan-dahang umuusok ang kanyang katawan. Natanggal ang mga balahibo nito. May mga nagliparan at muntik pang matamaan si Raven — ang kuko ng hayop.
Nagliyab ang balat nito hanggang sa nakita ng dalawang tao na nagiging buto na lamang ang kalaban. Buto na bumagsak sa lupa at halatang nawalan na ng buhay.
BINABASA MO ANG
Nascent Internecine: War of Transients
FantasyNascent Internecine is a war, yet no one knows who will really survive. Welcome to Artesian Academy! Wienerzel Fantasy Series #1 Book cover credits to: Pzalm Franzenne Begasin (@franzenneee)