Chapter 23

345 19 2
                                    

Chapter 23
R A V E N

The next morning came at handa na kami sa pag-alis. Sa totoo lang ay pinapauna na nila kami dahil nga sa may klase pa mamaya, ngunit hindi ko tiyak kung maaabutan pa namin. Base kasi sa sikat ng araw ay alas otso na at matagal-tagal din ang pagbyahe.

"Mag-iingat kayo," paalala ng hari at reyna. Nagsiyukuan kami at muling nagpasalamat.

"Ama, pahintulutan niyo po ako na ihatid sila sa kanilang masasakyan," paalam ni Wiezel kung kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

Pumayag naman ang hari. Muling yumuko ang kanyang anak at nagpasalamat bago naglakad papunta sa pwesto namin. Nag-umpisa na naming tunguhin ang mga kalesa na nakaparada sa malapit. Tatlong kalesa para sa mahal na prinsesa, para sa mga babae, at para sa mga lalaki.

"Binibining Milan," mahina lang ang tawag na sapat na para lingunin ko.

Huminto ako sa paglalakad para kanyang maabutan. "Bakit, Mahal na Prinsipe?"

Sa nangyari kahapon ay wala akong lakas ng loob na bastusin siya. Tingin ko ay napakasama ko na kung dadagdagan ko pa ang mga sinabi ni Blade kahapon.

Nakangiti siya sa akin at hindi naman mukhang galit. "Tungkol sa kahapon," aniya.

"Anong meron kahapon?"

"Hindi ko sinasadya ang aking nagawang pang-uungkat," nakangiti niyang wika pero halatang sincere sa paghingi ng tawad. Nag-umpisa na siyang maglakad kung kaya't pati ako ay naglakad na. Mabagal lang ang mga hakbang namin. "Pakiramdam ko ay sobrang mali ng ginawa ko."

Natawa ako.

Partly, totoo na mali ang ginawa niya. "You sounded like a jealous boyfriend."

"Huh?"

Nga pala. "Ang sabi ko ay umasta ka kahapon na parang kasintahan ko at nagseselos."

Pinagdikit niya ang mga daliri niya at kinuskos. "Tama ka."

"At para akong isang bagay lang kahapon kung pag-usapan niyo. Hindi ako pagmamay-ari ninuman, pwede ba?"

Nakakainis lang kasi na kung pag-usapan nila ako kahapon ay para bang wala ako sa tabi nila. Humingi na naman ng tawad si Wiezel pero sa totoo lang ay hindi naman na kailangan. Walang dahilan para magalit ako.

"Alam mo, Wiezel..." Hinawakan ko siya sa balikat na sanhi ng paghinto naming dalawa. "...mabuti pang humanap ka na ng iyong kasintahan at nang malaman mo kung ano ang mga angkop na salita ang dapat mong gamitin sa isang tao lalong-lalo na sa babae. Ang ginawa mo kahapon ay nakakabastos na para sa akin, kung alam mo lang. Ba't hindi ka na lang humanap ng babaeng pwede na kang itali habang buhay?"

Napatawa siya. Tumingala siya sa kalangitan habang nakangiti. "Tingin mo ba ay may lakas pa ako ng loob na mag-asawa, Binibini? Ang pagiging prinsipe ko ay may kaakibat na napakabigat na responsibilidad at iyon ay ang maglingkod sa mga mamamayan. Hindi ko nananaisin na magkaroon ng babae na handang ilaan ang oras sa akin, ngunit hindi ko naman masusuklian. Bawat babae ay nararapat sa buong pagmamahal at oras ng isang lalaki. Ayaw kong maramdaman niyang may kahati siya."

He's so mature for his age. How old is he? 17? 18? 19 or 20?

Ibinaba ko ang kamay kong hindi ko namalayan na nakapatong pa pala sa balikat niya. "Wiezel, kung totoo kang mahal ng babae ay maiintindihan niya ang sitwasyon mo. Hindi mo kakailanganin ng babaeng naghahangad ng buo mong atensyon. O kahit pa ng babaeng maganda o matalino. Ang kailangan mo ay isang babaeng malawak ang pang-unawa at sana ay mahanap mo na siya. Sabay niyong pamunuan ang nasasakupan mo nang sa gayon ay ang mga oras niyo ay parehas ng pinaghahatian. Oras para sa mamamayan at oras para sa minamahal. Gano'n ang totoong pagmamahal."

Nascent Internecine: War of TransientsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon