Chapter 11

519 42 0
                                    

Chapter 11
R A V E N

"Dance the night away of a day full of hearts."

The place is suddenly illuminated by a lovely color of light. Pinaghalong pula at rosas ngunit kahit gaano kaliwanag ito ay nananatili ang kadiliman. Patuloy ang pagsasayaw namin gaya ng sa mga hakbang na itinuro sa amin kahapon.

Hindi ko maiwasan ang mailang dahil sa posisyon namin ngayon ng kasayaw ko. Nakahawak pa rin siya sa bewang ko at hindi ko alam kung bakit ako kinikilabutan. Ilang salita o bibig na ba ang lumabas mula sa mapupula niyang labi? Hindi ko na mabilang. Ngunit bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya makilala? Nagkataon ba na ang nakapareha ko ay mula sa ibang pangkat o baitang?

I stared directly at his eyes and my hand unconsciously moved to touch the mask near his eyes to his nose up to his cheek.

"Stop it," he murmured but I didn't follow.

His eyes are beautiful. "Your eyes are wonderful. Your black orbs together with the dim light glistened in an emotion I can't recognize."

"That's adoration, my dear," he said.

"Adoration for what? For whom?" I asked with curiosity. I really wonder who he is.

Iginalaw ko ang kamay ko papunta sa likod ng maskara niya para sana subukan itong tanggalin. Mabilis na gumalaw ang kamay niya at pinigilan ang akin. Kinuha niya ang aking kamay at idinala iyon papunta sa kanyang labi.

"Adoration for the girl who stole something from me."

Just as he answered my question, his lips kissed my hand. Hindi agad ako nakagawa ng aksyon dahil biglang nagsalita ang emcee at bigla ring nawala ang lalaking kasayaw ko. Nagtungo na lang ako sa isang upuan gaya ng sinabi ng mga emcee.

Ang tibok ng puso ko, masyadong mabilis. Kinakabahan? Ngunit para saan?

"And at the count of three," the emcees said in unison, "removed thy masks and show thy beauty as a student from Artesian Academy!"

"One!"

Inilibot ko ang paningin para hanapin ang lalaking kasama ko kanina lang.

"Two!"

Sa wakas ay agad ko siyang nakita. Nasa may gilid siya banda at nakahawak sa kanyang asul na maskara.

Hindi ko ipinakita ang gulat nang tumingin siya sa akin at waring malinaw ang mata at talagang nakikita ako.

"Three!"

Hinatak ko ang dulo ng laso na kanina'y nakabuhol at tinanggal ko ang maskarang tumatakip sa aking mukha. Kasabay no'n ay ang pag-asa na sa pagtingin ko sa pwestong kinaroroonan ng lalaki ay nando'n pa rin siya.

Nanatili siya sa kanyang pwesto at nag-aabang ang tingin sa akin. Nakangisi ang kanyang magandang labi at halatang nasa akin ang tingin. Umangat ang kamay niya papuntang likod ng ulo, marahil para tanggalin ang tali. Bago pa niya tuluyang mahubad ang maskara'y tumalikod na siya at naglakad papalayo.

"Sandali!"

Ipinatong ko ang aking maskara sa mesa. Inalalayan ko ang mahabang palda ng suot ko para hindi sumayad at matapakan. Mahahabol ko na sana siya kung wala lang isang baliw na lalaki ang pumigil sa akin.

"And where do you think you're going?"

I faced Kiel and turned around again to search for the guy. Muli kong hinarap si Kiel nang matantong imposible ko ng makita ang hinahanap ko.

"Ano na naman bang problema mo?" naiinis na tanong ko sa kanya. Pilit kong hininaan ang aking boses para hindi makuha ang atensyon ng ibang tao lalo na ng mga taong kasama ko sa iisang mesa at hindi ko kilala.

Nascent Internecine: War of TransientsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon