Chapter 4
R A V E NNag-unat ako ng likod at mga braso dahil kanina pa sumasakit ang likod ko at katawan. Kanina pa rin kami panay yuko para suriing mabuti ang bawat halaman na nandito.
Bago magpunta rito ay nanggaling kami sa library upang maghanap ng impormasyon na kailangan namin. Kahit pa alas-sais kami gumising ay natagalan pa rin kami. Ang hirap hanapin ng libro na kailangan namin. Bukod pa rito, mahirap ding hanapin ang halaman dahil hindi naman namin kabisado ang itsura ng mga ito.
"Tara na!" pagyaya ko kay Serina na abala pa rin sa pagkuha ng mga halaman na nakalalason.
Nakilala ko siya kahapon at nakipagkaibigan siya sa akin. Ayos naman siya kausap at malambing kaya natutuwa ako sa tuwing kasama siya.
Pumayag na rin ako na makipag-kaibigan sa kanya dahil hindi ako sanay na walang kaibigan. Hindi naman ako gaya ng iba na sobrang dami kung makapaghanap ng kaibigan, pero hindi rin ako ang tipo na kayang mabuhay mag-isa. Sa akin kasi, bawat lugar na napupuntahan ako ay mahalagang may makilala ako o maging kaibigan — kahit isa lang yan. Hindi ko pa naman kasi ganoong ka-close ang mga kasama ko sa bahay kaya mabuti na rin na makilala ang isang taong higit kong makakasama kumpara sa iba.
At ngayon ay ang ikalawang opisyal na araw namin sa academy. Bago pa mag-umpisa ang klase ay naghanap na kami ng mga nakalalasong halaman na magagamit namin sa isang asignatura. May assignment kasi kami doon na maghanap ng mga poisonous plant at ipapaliwanag iyon sa klase mamaya. "Serina, tara na! Malapit ng mag-umpisa ang klase!"
Kanina ko pa siya tinatawag dahil malapit na talagang mag-alas-otso. Ayos lang kahit wala pa 'kong nakukuhang halaman dahil baka pwede namang tumakas mamaya kapag may bakanteng oras.
"Saglit na lang! Dumudulas kasi sa kamay ko ang halaman na 'to!"
Nagtungo ako sa lugar niya at nakita ko nga siya na hirap hatakin ang isang halaman. "Anong halaman ba 'yan?"
"Hindi ko maalala pero kunin na lang natin. Ang ganda kasi," pangungumbinsi niya. Inilibot ko ang tingin sa paligid at may nakita akong isang halaman na tingin ko ay ang Deadly Nightshade.
"Buti naman!"
Pumitas ako ng parte nito at inilagay sa isa pang selyadong plastik. "Tara na."
Sumunod ako kay Serina na naunang lumabas dito sa parang hardin na lugar at dumiretso papuntang kwarto. Kahit nababagot ay nakinig pa rin ako sa tinuturo. At sa wakas, dumating na rin ang pinakahinihintay kong subject. Ang Botany Class.
"Painful convulsions, abdominal cramps, nausea, and death are common, and those who survive are often afflicted with amnesia or lasting tremors," saad ng isa naming kaklase na si Queenie patungkol sa halamang hawak ng ka-partner niya. Ang Water Hemlock o Cicuta Maculata.
"Nicotiana tabacum or widely known as the Tobacco. It is the most widely grown commercial non-food plant in the world. All parts of the plant, especially its leaves, contain the toxic alkaloids nicotine and anabasine, and can be fatal if eaten. Despite its designation as a cardiac poison, nicotine from tobacco is widely consumed around the world and is both psychoactive and addictive. Tobacco use causes more than 5 million deaths per year, making it perhaps the most deadly plant in the world."
Nakakatawa kung paano namin pag-usapan ang mga halaman na mula sa iba't ibang parte ng mundo. Samantalang ni wala kaming ideya kung nasaang bahagi na ba kami ng planeta.
Maayos naman na naipaliwanag ng mga kaklase namin ang mga halamang mayroon sila. Tumayo na kami ni Serina nang kami na ang susunod na magpapaliwanag.
BINABASA MO ANG
Nascent Internecine: War of Transients
FantasyNascent Internecine is a war, yet no one knows who will really survive. Welcome to Artesian Academy! Wienerzel Fantasy Series #1 Book cover credits to: Pzalm Franzenne Begasin (@franzenneee)