Chapter 25
R A V E NTinatamad akong bumangon at nagpunta sa kusina para uminom ng gatas. Naabutan ko pa si Ate Shana na kumakain, ngunit mukhang aalis din pagkatapos. Bihis na bihis na siya gayong anong oras pa lang naman.
Pagbukas ko ng ref ay kinuha ko ang fresh milk at nagsalin sa baso.
"How's your training?"
Nalipat ang tingin ko kay Ate. Patuloy siya sa pagnguya habang nakatingin sa akin.
"Maayos naman," sagot ko. Pagod na pagod ako dahil kahapon ay kung ano-ano ang pinaggagawa namin. Hindi naman tama na ang mga members lang namin ang mag- training kaya pati kami ni Blade ay kasama sa mga nahihirapan. Wala namang problema dahil kapag nagsasanay kami ay mas nasasanay at lumalakas kami.
"Ba't pa kayo nagte-training?"
Her words sounded like an insult, honestly. Iyon ang unang dating sa akin ng mga sinabi niya. Parang sinasabi niya na "Bakit niyo pa kailangang mag-training kung matatalo lang din naman kayo?" Pero mas pinili kong hindi isipin na gano'n nga ang gusto niyang iparating. Humans and their imagination. Kung saan-saan tayo maaaring dalhin ng malawak nating imahinasyon. Minsan hindi na rin nakakatulong dahil nagiging negatibo tayo. Kagaya na lang ng naisip ko ngayon-ngayon lang.
"Real talk, Raven." She pointed her spoon to me. "Bakit pa kayo nagte-training? May ideya ba kayo sa posibleng mangyari? Lalo na kayong mga Zeran?"
I shook my head to give her an answer. Ba't ko ba naisipan ng gano'n si Ate Shana? She was so good to me and I thought of her as an older sister. Tinuturing niya rin akong nakababatang kapatid.
"Ikaw, ate, may ideya ka ba?"
Umayos siya ng upo at nilagok ang isang basong tubig. Malakas niyang ibinagsak iyon bago tumingin sa akin.
"Remember when you and Steph asked about the Power Ten?"
Tumango ako.
"Do you remember when we told you that they are the people who managed to survive from the Destruction?"
I nodded again. "Anong meron do'n?"
Her eyes began to be watery. There are tears forming and on the verge of the falling. Marahan niyang pinunasan ang mga mata niya.
"Destruction is not a simple wipe out, Raven." Unti-unting nabibiyak ang boses niya. Kaunting salita na lang ay maiiyak na siya. "Destruction means death! Destruction not of the place, but rather, destruction of our lives!"
Hanggang sa umiyak na siya ng tuluyan. Ako naman ay nagulat sa sinabi niya. Ang sinabi niya ay nakalilito. She needs to explain more. I need to know more about what will happen.
Hinatak ko ang upuan sa tapat niya at naupo. Hinawakan ko ang mga kamay niya para pakalmahin siya.
"Ate anong ibig mong sabihin? Pakipaliwanag, pakiusap."
Kinakabahan ako. Minsan talaga ay hindi maganda ang naidudulot ng pagkakaroon ng malawak na imahinasyon. Kung ano-ano na ang naiisip ko.
With her falling tears coming from her eyes, she looked at me. Namumula na ang ilong niya maging ang mga mata niya.
"Raven, destruction is death," pag-uulit niya.
Insensitive as I may sound but I need to ask. Siya naman ang unang nagbukas ng topic. "If you died in the last Nascent Internecine, then why are you here? Why is Ate Kate here? Why are the Lewis aside from the Power Ten alive?"
"Because that's the rule, Raven!" humihikbi niyang wika. Nabitiwan ko ang kamay niya. "Our first chance was when we were Zerans. This is our second life, Raven. And if we die in this incoming war, we will die forever. We will die in this land that no one in our real world knows. We will die in this land without idea where we are — without having the chance of saying goodbye to our family... to our loved ones!"
BINABASA MO ANG
Nascent Internecine: War of Transients
FantasyNascent Internecine is a war, yet no one knows who will really survive. Welcome to Artesian Academy! Wienerzel Fantasy Series #1 Book cover credits to: Pzalm Franzenne Begasin (@franzenneee)