Chapter 8
R A V E NNagpatuloy ang kasiyahan sa syudad na kinaroroonan namin. Pagkatapos ng gabing sinayaw ako ni Blade ay hindi ko na siya ulit nakausap. May karapatan naman ako para magalit sa ginawa niya hindi ba? Kinontrol niya lang naman kasi ako. He's a mind controller for pete's sake and it might be dangerous someday! Tingin ko ay naging busy na siya bilang isang tao na may pinakamataas na ranggo sa The Power Ten.
Sa sumunod na araw ay puno ng activities para sa aming lahat. Mayroong sayawan sa gitna ng plaza kung saan ang pinakagitna ay lokasyon para sa fountain. May iilang nakaupo roon at may ilang naghahagis sa tubig. May mga pwesto naman kung saan pwede magpagawa ng face paint. Bilihan ng mga damit at laruan. Lugar kung saan pwede tumikhim ng iba't ibang putahe. Meron ding pwesto para sa mga gusto kumanta at tumula. Sa kabilang banda naman ay may entablado para sa palabas na mamayang gabi gaganapin. At syempre, ang pinakahindi mawawala ay ang palaruan para sa mga bata.
Lumabas na naman si Haring Araw. Nagbibigay liwanag sa aming lahat. Mas gumaan ang paligid dahil sa mga ibong nagliliparan. Idagdag pa ang bahaghari na bahagyang makikita. Isama na rin ang pagbagsak ng mga dahon mula sa mga may pagka-brown at green na puno. Kalat-kalat din ang paru-paro. Ang tunog ng magalaw na palakpak nila ay nakakakalma. May pa-banderitas din na may mga ilaw sa pagitan.
Buong linggo ay hindi ko pa nakikita si Serina maging ang mga kaklase namin. Palagay ko ay medyo malayo ang na-assign sa kanilang pwesto. Sana lang ay makapagsaya rin sila.
Kasama ko ulit silang siyam. Si Blade lang ang tanging kulang. Naglakad kami malapit sa jail booth at marriage booth. Nandoon kasi nagaganap ang kantahan pero hindi naman ako mahilig doon. Nang makadaan sa pwesto ng tumutula ay huminto ako. Kakaunti lang ang mga taong nandito. Sabagay, hindi na ganoong pinahahalagahan ang mga tula hindi gaya ng dati. Mabuti at may ilan pa rin na nagpapahalaga sa mga ito.
"21st century na," iyan ang kanilang wika
Mga kabataang hindi na nakaabot sa dating saya
palibhasa'y gadget ang laging kasama.
Kulang na nga lang, pati crush nila na ginawang wallpaper ay maging kamukha.Ikaw ba, alam mo ang naranasan ko?
Ang tuwang inabot ng mga kalaro ko sa t'wing nabuburot ako?
Ano ba namang laban ko 'pag naglalaro kami ng mata-mataya, ice ice water at tumbang preso?
Eh mga kasama ko'y limang taon ang tanda sa'kin at ang bibilis tumakbo!Kaya ayun, 'pag gusto kong mag bente-uno'y bata na lang hinahanap ko.
Hah! Bahala silang umalam at maghanap kung saang planeta ako nagsuot at nagtago.
Haha! Hindi nila alam na nando'n na ako sa isa kong kaibigan dumiretso!
Grabe ang saya ko kasi nakapag-kangaroo at ten-twenty na naman ako.One time nga umiyak ako, por que ayon nadapa sa kakatalon sa chinese garter,
pero sumingit si crush, siya na lang daw mag-sesave sa akin
at ako si Malandi, kinilig, nawala ang luha kong mala-river.
Namumula mukha kasi naisip kong magbahay-bahayan at siya ang gawing partner!"21st century na," nakatutok sa Iphone7 at nakangisi niyang sambit.
Ano kami? Isinilang nang panahon ni Magellan at sa makabagong panahon ay hindi dawit?
Nag-init ang aking ulo at tila gusto ko na lang na ang tulad niya'y sa puno maisabit!
Mga tunay na napag-iwanan ng panahon at 'di nadama ang saya noong kami'y bubuwit.Natanong ko tuloy sa sarili ko kung matutuwa sila 'pag ang cellphone, tablet, Ipad at computer nila ay minsang mawala sa mundo?
Siguro, kaming nakaabot sa tinatawag nilang kakornihan ay sasagot ng "oo"
Pero ang mga "millenials" panigurado'y magwiwika ng "Mamamatay na ata ako!!!"
With exag facial reaction pa. Try kaya nilang mag "B.I.N.G.O. Nanay mo nagbi-bingo binato ng bentsingko!"
BINABASA MO ANG
Nascent Internecine: War of Transients
FantasiaNascent Internecine is a war, yet no one knows who will really survive. Welcome to Artesian Academy! Wienerzel Fantasy Series #1 Book cover credits to: Pzalm Franzenne Begasin (@franzenneee)