INAGAW nang pagtunog ng cellphone sa ibabaw ng desk ni Monica ang kanyang atensyon mula sa pagkakatutok ng mga mata sa laptop.
Dinampot niya ang cellphone at tiningnan ang caller na rumehistro. Private number. Hindi iyon naka-save sa phone book niya.
Nagdadalawang-isip siyang sagutin. Ang sapantaha niya ay si Rouie ang tumatawag. Hindi niya alam kung bakit kailangan nitong maging persistent na mapapayag siyang paunlakan ang imbitasyon nitong kumain sila sa labas.
Nang tanggapin niya ang tawag nito kanina sa bahay ay inulit lang nito ang pag-imbita sa kanya sa isang dinner noong muli silang magkita nito. At tulad din noon ay pormal niyang tinanggihan iyon.
Bagaman wala siyang kinikimkim na galit dito sanhi ng nangyari sa pagitan nila noon ay wala rin siyang interes na muling makipaglapit dito.
Hinayaan lang niya sa pagtunog ang cellphone hanggang sa tumigil din iyon.
Pagkuwan ay ang message tone alert naman niyon ang tumunog.
Binuksan niya ang mensahe. Galing iyon sa naunang rumehistrong number.
Suddenly her heart skipped a beat nang magpakilala kung sino ang sender.
Sinaway ni Monica ang puso niya sa tila biglang may mga kabayong naghabulan sa dibdib niya.
Bakit kailangang makaramdam siya ng ganoon sa simpleng text lang na iyon na nagmula kay Jedric?
Ipinababatid nito na naroon ito ngayon sa kanyang health and beauty shop para i-claim diumano ang ipinangako niyang free full-body massage. At inaasahan nito ang prensensya niya para personal na mag-assist dito.
Suddenly ay napatayo siya sa kanyang swivel chair. Bigla siyang nataranta. And tha next thing she knew ay nasa harap na siya ng salamin na nakasabit sa isang panig ng dingding sa loob ng opisina niya. Gamit ang mga daliri na sinuklay niya ang lampas-balikat na makintab at itim na buhok. Bahagya niyang kinagat-kagat ang mga labi para sadyang maging mas mapula iyon.
Hanggang sa matigilan siya sa ginagawa. Kailanman ay hindi pa siya nataranta ng ganoon para lamang humarap sa isang lalaki.
Kahit noon kay Rouie ay hindi siya nako- conscious sa simple niyang ayos.
Pero bakit ngayon ay parang gusto muna niyang magpaganda nang labis bago harapin si Jedric.
At ikinaiinis niya kung bakit hindi niya masupil ang malakas na kabog sa kanyang dibdib.
Relax, Monica. Ano ba ang nangyayari sa 'yo? aniya sa sarili.
At bago siya lumabas ng opisina ay humugot at nagbuga siya nang isang malalim na hininga.
Hindi niya ini-expect na sa ganoon kaaga magtutungo roon si Jedric na halos kabubukas pa lamang ng health and beauty shop.
At nakita nga niya ang lalaki na nakatayo sa may reception at nakapamulsa ang isang kamay sa suot nitong pantalon. Ini-entertain ito ng tumatayong manager na si Mrs. Minerva. Kaedad ito ng kanyang mama at ang postura ay nababagay sa propesyon ng pinagtatrabahuhan dahil sa kabila ng edad ay mukha itong sariwa at dalaga.
Bagaman hindi pa siya nakakalapit sa mga ito ay napansin niya nang malinaw ang ekspresyon sa guwapong mukha ni Jedric. Naroon ang tila pagka-impress sa marahil ay magandang interior mula sa pagkakadisenyo sa mismong loob ng health and beauty shop.
Hindi na bago sa kanya ang mga ganoong ekspresyon sa mga taong unang pagkakataon na makapasok sa loob niyon.
Subalit ang manggaling kay Jedric ang ganoong reaksiyon ay higit ang nadama niyang pagmamalaki sa sarili dahil pag-aari niya ang lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
Deep In His Heart
RomanceNasa plano ni Jedric ang paghihiganti para sa taong siyang dahilan kung bakit nasa bingit ng kamatayan ang kondisyon ng kanyang ama. But he felt frustrated nang mapag-alaman that Veronica Celeste was already dead. Paano pa niya ito pagbabayarin? ...