ANIMO'Y may mga bakal ang paa na hirap gumawa ng hakbang si Jedric na kasalukuyang tinatalunton ang hallway patungo sa pribadong silid ng amang si Jerome Ricaforte sa isang kilalang ospital na iyon sa Manila.
Habang lulan pa lang ang binata ng eroplano na nagmula sa America ay may pakiramdam na siya na tila pinipiga ang puso niya habang nailalarawan sa isip ang masamang kondisyon ng ama. Kailan lamang niya nabatid na inatake ito sa puso.
His parents went their separate ways when he was six years old. Bagaman halos lumaki si Jedric sa poder ng kanyang mama ay hindi rin naman nagkulang si Jerome sa anak.
Buhat noong maliit pa siya ay madalas siyang bisitahin ng ama sa America sa tuwing may mga pagkakataon na maluwag ang schedule nito sa mga negosyo.
Nitong magbinata na lamang si Jedric naging madalang ang pagkikita ng mag-ama at may isang taon at mahigit na rin ang nagdaan buhat nang huling magkita ang dalawa.
Although lumaki si Jedric na malapit ang loob sa ama, sa totoo lang ay marami siyang bagay na hindi alam tungkol dito. Tulad na lamang na mayroon pala itong sakit sa puso.
Marahil ay hindi lamang nais ni Jerome na mag-alala ng labis ang anak kung kaya't hindi nito ipinababatid kay Jedric ang karamdaman nito.
His father did not talk too much about his personal life. Hindi naman niya magawang labis na mag-usisa sa ama sa tuwing kasama niya ito maliban kung ang kanilang paksa ay tungkol sa pagnenegosyo.
Nang sa wakas ay makapasok sa loob ng silid si Jedric ay bumungad sa kanya ang malawak at magarang hospital suite ng ama. Subalit sa kabila niyon ay tila siya naging isang claustrophobic nang matuon ang paningin sa nakaratay na katawan ni Jerome sa hospital bed nito.
May takot na banayad niyang inabot ang isang palad ng ama nang makalapit siya rito. Takot na baka makaapekto sa iba't ibang tubo at mga aparato na nakakabit sa katawan nito ang simpleng paglalapat niya ng kamay rito.
He opened his mouth to say something to his father, to give him the courage to fight for his life. Batid niya na bagaman unconscious ang ama ay nagagawa nitong maramdaman ang presence niya nang mga sandaling iyon.
Subalit hindi siya makausal ng kahit na anong salita. Sa kabila niyon, in his mind, ay may mga letrang pumupuno sa utak niya hanggang malinaw na buuin niyon ang isang pangalan.
Veronica Celeste.
Isang pangalan ng babae na ayon sa matalik na kaibigan at siyang abogado ng kanyang ama na si Atty. Lorenzo Lacosta ay kinahumalingan ng kanyang ama.
At sa kabila ng emosyon na nadarama ng binata ay hindi naiwasang manumbalik sa isip ang mga ipinabatid sa kanya ng abogado may ilang araw lang ang nakalipas.
He was in his hause in San Diego. Nanunuot sa buto ang sobrang lamig ng panahon ng umagang iyon. Nasa tabi siya ng fireplace at sumusimsim ng mainit na kape.
May kung anong nagpapaligalig sa pakiramdam ni Jedric na hindi niya mawari.
Batid niyang malayo iyon sa naging breakup nila ni Agatha recently. Tinapos niya ang pakikipag-relasyon rito dahil bukod sa kanya ay karelasyon din pala nito ang isa sa mga barkada niya na si Dylan. He don't feel like devastated sa pagtatapos ng relasyon nila ni Agatha. Higit na iniinda niya ang nasaktang ego.
Naalala niya ang napanaginipan niya kagabi. Marahil ay iyon ang rason na nagdudulot kung bakit mayroon siyang kakaibang pakiramdam.
Ang panaginip na bagaman malabo sa kanyang paningin ay malinaw ang tindig at tinig ng isang aninong tila sa kanya ay nagpapaalam. Nagpapaalam sa isang paglisan na walang katiyakan kung muling makababalik. He knew he was his father.
Awtomatikong natuon ang kanyang pansin sa telepono nang mailapag niya ang tasa ng kape sa center table.
Nasa aktong pag-dial na siya sa numero ng kanyang ama sa Pilipinas para kumustahin ito nang saglit na matigilan siya sanhi ng pagtunog ng doorbell.
Pinagtakhan niya ang kabang bumundol sa dibdib niya nang mabungaran kung sino ang panauhin.
Hindi na namalayan ni Jedric kung paanong dumating sa puntong kahit ang pagkurap ay hindi niya magawa huwag lamang may hindi maunawaan sa mga ipinapahayag sa kanya ni Atty. Lacosta.
"It was all because of this woman, Jedric." Iniabot ng abogado sa binata ang isang may katamtamang laki ng litrato na mataman niyang pinagmasdam. "Her name is V-Veronica... Veronica Celeste..." Saglit na tumigil ang abogado sa pagsasalita. "Nasa hindi magandang kondisyon ang kalagayan ngayon ni Jerome sanhi ng atake niya sa puso... May ilang araw nang comatose ang iyong ama, Jedric." May bahid ng kung anong emosyon ang tinig nito sa mga sinabi. Nahinuha ni Jedric ang nadarama nitong lungkot bunsod sa sinapit ng matalik na kaibigan.
Hindi alam ni Jedric ang itutugon. Naging malinaw sa kanya kung ano ang sanhi ng mga negatibong damdamin na namahay sa dibdib niya pagkagising pa lamang niya.
Wala sa loob na humigpit ang pagkakawahak niya sa litrato ng babae hanggang sa malukot iyon.
Patuloy niyang pinakinggan ang iba pang rebelasyon ng abogado.
"Isang biyuda ang Veronica Celeste na ito at may isang anak... Ang mga ibinibigay lamang ni Jerome ang pinapahalagahan ni Veronica partikular ang pera ng iyong ama.
"Noon pa man ay hindi na maganda ang takbo ng mga negosyo ng iyong ama, Jedric. Bagay na hindi niya gustong ipaalam sa iyo. Your father is now a poor man. At ang kaunting perang natitira kay Jerome ay nagawa pa niyang ibigay kay Veronica para ilaan sa pagpapatayo ng pangarap nitong negosyo.
"Bilang kaibigan ng iyong ama at halos kapatid na rin ang turing sa kanya, nagawa ko siyang payuhan na iwasan na ang babaeng iyon. Subalit bingi si Jerome sa tuwing si Veronica ang sentro ng aming paksa.
"Nang minsang magtalo ang dalawa, nakipagkalas si Veronica sa iyong ama. May hinala akong napag-alaman na ni Veronica na naghihirap na si Jerome kaya't gumawa ito ng paraan para kalasan ang iyong ama.
"Sa pagpunta ng iyong ama sa bahay ni Veronica para muling suyuin ito ay isang eksena ang nabungaran ni Jerome. Kayakap ni Veronica ang bayaw nitong si Stephen at nasa aktong naghahalikan. Sa labis na galit ni Jerome ay sinugod nito ng suntok ang lalaki. Nagpang-abot sila ng bayaw ni Veronica. At ang labis na galit na iyon ang nag-udyok para atakihin sa puso ang iyong ama," mahabang pahayag ni Atty. Lacosta.
Ang pagkahabag na nararamdaman ni Jedric habang nakatunghay ngayon sa ama ay nahalinhan ng pagnanais na maipaghiganti ito. Hindi pa man niya personal na nakikita ang Veronica Celeste na ito ay may poot nang bumabalot sa kanyang puso para dito.
Nagtagis ang mga bagang na may namuong plano sa isip ni Jedric.
BINABASA MO ANG
Deep In His Heart
RomanceNasa plano ni Jedric ang paghihiganti para sa taong siyang dahilan kung bakit nasa bingit ng kamatayan ang kondisyon ng kanyang ama. But he felt frustrated nang mapag-alaman that Veronica Celeste was already dead. Paano pa niya ito pagbabayarin? ...