BATID ni Jedric sa sarili kung ano ang pangunahing rason kung bakit niya sinadya ang health and beauty shop na pag-aari na diumano ni Monica. Kung saan ang perang natitira sa bank account ng kanyang ama ang naging instrumento para maipatayo ang naturang establisimyento.
Bahagya lang na-relax ang katawan ni Jedric mula sa tinamo niyang masahe. Nang mga sandaling iyon ay muli na namang nanunulay sa ugat niya ang stress dulot nang mga bagay na pumapasok sa kanyang isip. He was inside his car. Tinatahak niya ang daan patungo sa hospital kung saan nananatiling naka-confine ang ama.
Muli na namang sumisidhi ang galit sa kanyang dibdib. Sa panlolokong ginawa ni Veronica na ina ni Monica sa kanyang ama.
Nang una niyang makita ang health and beauty shop ay totoo namang napahanga siya sa kabuuan niyon. Ang singnage pa lang niyon na mapang-akit sa pagkakadisenyo ay halatang ginastusan na nang kung may ilang libo. Hindi nga niya napigilan kanina na ilibot ang paningin sa bawat sulok niyon at ang bawat madaanan ng mga mata niya ay nagpapatunay na malaking halaga ang naging capital sa pagpapatayo ng isang first class na tulad niyon.
Subalit panandalian niyang nakalimutan iyon nang tumutok ang mata niya sa pinakamagandang nilalang na puwedeng makita roon. At iyon ay walang iba kundi si Monica.
Ang stress na dumadaloy sa kanyang ugat na nagsisimulang ihulma ang galit patungo sa kanyang dibdib ay dagling napalitan ng kakaibang init ng pakiramdam.
Hindi siya makapaniwala na anak ito ng taong gusto niyang paghigantihan.
Panghihinayang ba ang nakapa niya sa kanyang dibdib?
Hindi totoong wala siyang idea nang tanungin niya kanina ang dalaga kung nasaan na ang mama nito. At bagaman alam na niyang pumanaw na ang mama nito ay kung bakit hindi niya napigilan na makaramdam ng pagkahabag rito, lalo na't sa mismong magagandang labi nito nanggaling na pumanaw na nga si Veronica Celeste.
Simula nang araw nang una niyang makita ang kalagayan ng ama sa ospital ay muli rin siyang bumalik ng America. Para lamang ayusin ang ilang mga bagay doon upang makapanatili siya rito sa Pilipinas nang matagal. Nais niyang alagaan at bantayan ang kalagayan ng ama. Kasabay ang planong nasa isip para maipaghiganti ito. Totoong naghirap na ang kanyang ama at halos simot na ang pera nito sa bangko. Siya na mismo ang sumasagot sa mga gastusin nito sa ospital upang mapanatili ang magandang serbisyo rito ng mga doktor. Sa kasalukuyan niyang edad ay malayo na rin ang kanyang narating sa pagpapatakbo ng sariling mga negosyo. At ang ilan sa mga itinuro ng ama ay nai-apply niya sa mga iyon.
Habang nasa America ay sinadya niya kung saan puwedeng matagpuan si Atty. Lacosta. Batid niyang hindi pa uli ito bumabalik ng Pililinas. Gusto niyang personal na hingan ito ng mas marami pang impormasyon tungkol kay Veronica Celeste. Subalit ang abogado ay tumulak pala pa-Great Britain para asikasuhin ang babaeng anak na nakulong sa isang kasong ipinaratang dito ayon sa napag-alaman niya. He send a message to him through e-mail kalakip ang nais niyang mga itanong. Ang tanging nakuha niyang sagot sa abogado ay ang payo nitong umupa siya ng private invistigator sa Pilipinas. May kilala raw itong magaling at pulidong magtrabaho na PI na siya niyang dapat kunin.
Hindi na niya gustong abalahin ang matalik na kaibigan ng kanyang ama na kasalukuyang humaharap din sa isang pagsubok.
Sinunod niya ang payo ni Atty. Lacosta. Inupahan niya si P.I. Rodriguez na kakilala ng abogado. He was dissapointed when he learned that Veronica Celeste was already dead. Paano niya maisasakatuparan ang planong paghihiganti rito? Hindi ibig sabihin na pumanaw na ito ay absuwelto na ito sa ginawa nitong panloloko sa kanyang ama.
Doon pumasok sa isip niya na mayroon nga pala itong isang anak. Dito nabaling ang pagnanais niyang makapaghiganti. At kasalukuyan nga siyang gumagawa ng mga hakbang para mapalapit kay Monica. Ang plano niya ay hulihin muna ang loob nito. Ang maging panatag ito sa kanya. Pagkatapos ay doon niya pag-aaralan kung sa paanong mataktikang paraan ang dapat gawin para mapunta sa kanya ang pag-aari nitong health and beauty shop. Batid niyang hindi niya mababawi ang nais niyang kuhanin sa puwersahang paraan.
Isang gabi na umiisip pa lang siya ng paraan sa unang hakban na gagawin para personal silang magkakilala ni Monica, ay nagawa niyang lihim na sundan ang minamaneho nitong kotse.
Subalit biglang bumilis ang pagpapatakbo ng dalaga sa sasakyan nito hanggang sa tuluyang malingat iyon sa kanyang paningin.
Nagpasya siyang dumiretso na lang ng ospital kung saan naka-confine ang ama. Sa dahilang hindi naman niya gaanong kabisado ang pasikot-sikot sa lugar ay naiba siya ng daan. Nagpatuloy lamang siya sa pagmamaneho sa tila ilang na lugar. May napansin siyang isang nakahimpil na sasakyan. Nagawa niya itong lampasan subalit nahagip ng mga mata niya ang tila pamilyar na kotse. Binalikan niya iyon at hindi nga siya nagkamali na si Monica ang lulan niyon.
Isang magandang pagkakataon na siya ang nakatiyempo para tumulong sa pagpalit sa na-flat nitong gulong.
He was mesmerized by the beauty he saw inside the car. Bagaman may kadiliman ay ganoon pala ito kaganda sa malapitan.
Subalit higit itong maganda kanina. Lalo na nang biglang namula ang mga pisngi nito nang tuksuhin niyang ito ang inaasahan niyang magmamasahe sa kanya. Hindi na lamang niya ito pinuna dahil hindi niya gustong mailang ito sa kanya.
May kung anong damdamin ang umaahon sa dibdib niya para kay Monica.
Batid niyang malayo iyon sa galit na dapat niyang maramdaman dahil sa ginawa ng mama nito sa kanyang ama.
Nang mga sandaling iyon ay pinanaig niya sa isipan ang galit. Naikuyom niya ang isang palad. Subalit hindi niya tiyak kung para kanino ang galit na binangon niya sa isipan. Marahil ay para sa sarili. Dahil hindi niya gusto ang pakiramdam sa tila biglang nalitong damdamin.
BINABASA MO ANG
Deep In His Heart
RomanceNasa plano ni Jedric ang paghihiganti para sa taong siyang dahilan kung bakit nasa bingit ng kamatayan ang kondisyon ng kanyang ama. But he felt frustrated nang mapag-alaman that Veronica Celeste was already dead. Paano pa niya ito pagbabayarin? ...