chaptet 14

19 0 0
                                    

HAWAK ni Monica ang librong paboritong basahin noon ng kanyang mama. Binuklat-buklat niya iyon. Inipit niya sa isang pahina niyon ang tsekeng ibinigay sa kanya ni Unlce Stephen nang gabing makasabay nito si Jedric sa pagbisita sa bahay niya.

Tiningnan niya ang halagang nakatala sa tseke. Katumbas niyon ang kalahati ng halaga mula sa nahiram ng tiyuhin noon sa kanyang mama. Ang sabi nito ay muli na lamang daw nito iaabot sa kanya ang kapupunan kapag nakaluwag-luwag na ito. Hindi niya sana gustong tanggapin ang tsekeng iyon ngunit ipinagpilitan iyon sa kanya ni Uncle Stephen. Kasabay niyon ang paghingi nito ng paumanhin sa kanya sa mga panahong nagkulang ito sa kanya bilang tiyuhin. Ipinaliwanag din nito sa kanya ang naging pagtatalo nito at ng mama niya. Napikon ito ng minsang pangaralan ng kanyang mama na bawas-bawasan nito ang labis na pag-inom ng alak hanggang sa humantong ang pagsasagutan sa perang nahiram ng tiyuhin.

Nang pumanaw na ang mama niya ay doon lamang daw nito nagawang sundin ang payo ng mama niya.

Kahit papaano ay nagagawa na raw nito ang hindi maglasing ng sobra.

Ramdam niya ang sinsiredad sa bawat salitang bigkasin ng tiyuhin. Hindi niya napigilan na mangilid ang mga luha sa kanyang mga mata. She felt guilty sa mga panahong sinayang niya na hindi ilapit ang loob kay Uncle Stephen. Subalit hindi pa huli kung gagawin niya iyon ngayon. Nakakalungkot lamang isipin na kailangan pang pumanaw ng kanyang mama para magkalapit sila nito. Nilapitan niya si Uncle Stephen at yumakap dito. Kalakip rin niyon ang paghingi niya rito ng paumanhin, na tinugon naman nito nang masuyong paghagod sa kanyang likod. At nang gabing iyon ay tuluyang gumuho ang tila pader sa pagitan nilang mag-tiyuhin. Kasabay nang pagbagsak ng isa niyang luha ay ang pag-gaan ng kanyang pakiramdam.

Inilagay ni Monica ang tseke sa kanyang bag. Pupunta siya ngayon ng bangko para idiposito iyon sa kanyang account.

Dumaan si Monica sa isang shopping mall pagkagaling niya ng bangko. Naghahanap siya ng puwedeng mabili para kay Jedric. Simpleng bagay lang na isa sa paraan na gusto niyang maglambing sa nobyo.

Wala siyang maisip bilhin hanggang sa humantong siya sa mga hanay ng puro imported na pabangong pang-lalaki. Bigla ay naramdaman niyang tila may isang pares ng mata ang partikular na sa kanya ay nagmamasid.

Pasimleng inilinga niya ang paningin sa paligid.

Wala naman siyang napansing kakaiba.

Marahil ay wala naman talaga. Pagkuwan ay ipinagkibit na lamang niya iyon ng balikat.

Nang makabili ng pabango ay agad na din siyang lumabas ng shopping mall.

Sa paglabas niya ay may nakabungguan siyang isang lalaki. Saglit siyang napatigil sa paglalakad upang bahagya itong sulyapan. Bahagya pa siyang nasorpresa nang makilala kung sino ang lalaki.

“Oh, hi, Monica. How are you?” Nakangiting tanong sa kanya ni Rouie. “It’s nice to see you here. Are you alone?” Bagaman hindi niya gustong makipagkuwentuhan dito ay nagawa niyang tumugon sa unang tanong nito. “Okay lang naman ako.” Pagkuwan ay muli siyang umusad. Nagkataong sadyang hindi siya nagdala ng sasakyan kaya magta-taxi lamang siya pauwi ng bahay.

Umagapay sa kanya si Rouie. “Monica, wait.” Marahang hinawakan nito ang isang braso niya. “Napansin ko na iniiwasan mo ako. You rejected me twice nang imbitahan kitang mag-dinner tayo. Gusto kong malaman mong wala akong masamang intensyon. I just wan’t to apologize personally from what happened between us a long time ago. Naging isang malaking gago ako noon," tuluy-tuloy nitong sabi.

Tila gustong mamangha ni Monica sa mga narinig mula kay Rouie. After all ay ngayon pa ba ito hihingi ng paumanhin sa kanya? 

Subalit nang sulyapan niya ito sa mga mata ay nabasa niya roon ang sincerity.

Ano nga ba ang masama kung pagbigyan niya ito sa pag-iimbita sa kanya? Maybe he was a matured man now. At nais lang talaga siguro nitong makabawi sa kanya sa mga nagawa nito noon. 

Sinulyapan niya ang kanyang wristwatch. Maaga pa naman at wala siyang gaanong gagawin sa bahay. Pagkuwan ay nagpasya siyang paunlakan na si Rouie.

Sa kilalang coffee shop na naroon din mismo sa mall na iyon nila pinagsaluhan ang kanilang merienda. At habang sumisimsim si Monica ng kanyang kape ay nagkuwento si Rouie nang ilang detalye tungkol sa buhay nito makaraan silang maghiwalay nito. O mas tamang sabihing matapos siyang iwan nito.

At habang nagsasalaysay ito ay napagtanto niya na bagaman minahal niya ito noon ay hindi iyon tulad ng klase ng pagmamahal na nararamdaman niya ngayon para kay Jedric.

At nang dahil sa pagmamahal na iyon kung kaya marahil tila magaan sa kanya ang lahat tulad nang pagtanggap niya sa paghingi ng tawad ni Rouie.

At wala na ngang awkwardness sa pagitan nila ngayon ni Rouie matapos niyang sabihin dito na bale-wala na sa kanya ang lahat.

Isa na pala ito ngayong businessman na mayroong maliit na negosyong pag-aari kung saan katuwang din nito ang napangasawa nito sa pangangasiwa niyon. Mayroon na rin itong isang anak na babae na tatlong taong gulang.

At habang nagsasalaysay ito ay malinaw na nasasalamin niya ang true happiness sa mga mata nito.

Nakakawaha ang kasiyahan nito. Masaya rin siya para dito at maging sa sarili. Nagkaroon ng magandang closure ang relasyong namagitan sa kanila noon. Nabahiran ng excitement ang puso ni Monica sa sinabi ni Rouie na ipakikilala siya nito minsan sa mag-ina nito kapag nagkaroon ng pagkakataon.

Deep In His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon