KINAUMAGAHAN habang nag-aalmusal ay pumasok sa isip ni Monica ang mukha ni Jedric. Hindi niya maitatangging malakas ang atraksiyon ng lalaki. Pero hindi niya gustong isipin na ito ang dahilan kung bakit tila pansin niya ngayon ang magandang pagsikat ng araw sa umagang iyon.
Karaniwan nang makulimlim ang bawat umaga ni Monica ano man ang lagay ng panahon sa nakalipas na mga araw. Dulot iyon sa pagdadalamhati sa pagkawala ng ina.
Ang muling pagbalik ng mga kulay sa paligid niya ay senyales na nagagawa na niyang maka-move on. At iyon ang pinaniwalaan niya. Ang bawat simula sa bagong umaga ay dapat na hinaharap na may positibong pakiramdam.
Gaano man kalungkot ang nararamdaman mo, dapat ay gumawa ka ng bagay o mag-isip ka nang kahit ano na magpapagaan kahit kaunti sa pakiramdam mo...
Malimit niyang marinig iyon sa kanyang mama kahit noong maliit pa siya.
Ngayon lamang nangibabaw sa isip niya iyon. At isa lang ang ibig sabihin niyon, ipinararating ng kanyang mama na hindi nito gustong makita siyang nalulugmok sa kalungkutan.
She was surprised nang mukha ni Jedric na kagabi lamang niya nakilala ang unang pumasok sa isip niya nang iproseso niya ang utak sa pag-iisip ng magpapagaan sa kanyang pakiramdam.
Hindi niya gustong i-entertain ang tila paghanga na kay bilis umuusbong sa dibdib niya para kay Jedric.
Hindi ito ang tamang panahon para makaramdam siya nang ganoon. Ang simpleng paghanga ay maaaring mauwi sa pag-ibig.
Pag-ibig? Gusto niyang mapailing sa naisip.
Sa kabila niyon, pilit man itinatanggi sa sarili ang paghanga para kay Jedric, ay hindi inaasahan ni Monica na maaari pala siyang muling makaramdam nang ganoon.
Minsan na siyang humanga ng labis sa isang lalaki at kalaunan ay umibig. Para lamang pala masaktan sa bandang huli.
First year college nang makilala niya sa loob ng campus si Rouie. Noong mga panahong iyon ay labis ang kanyang pagkamahiyain. Sa tuwina ay gusto lamang niya ang mapag-isa. And then one day ay lumapit sa kanya si Rouie para kunwari ay magtanong. And the rest was history. Madaling nahulog ang loob niya rito at naging nobyo niya ito. Para lamang malaman isang araw na hindi siya totoong mahal nito. Sa dahilang ginawa lamang siyang isang subject ng fraternity sa campus na nais nitong mapabilang. At ang utos kay Rouie ay kailangan nitong suyuin siya at maging kasintahan. Pagkatapos ay makikipaghiwalay ito at iiwan siya na walang dahilan.
Natanim sa isip ni Monica na ano man ang dahilan ay hindi niya magagawang maging kaakit-akit sa isang lalaki. Madali niyang mapapatawad si Rouie kung sinabi nito sa kanya na bagaman totoong iniutos dito na lapitan siya ay nagawa na nitong totoong mahulog ang loob nito sa kanya. Subalit sa kabila ng mga ipinamalas niyang pag-aasikaso at pagpapakita ng pagmamahal dito ay nagawa pa rin siyang iwan nito.
Kasabay nang pagkawala nito sa buhay niya ang higit na pagbaba ng kanyang self-steem. Sa tuwing may lalapit sa kanya ay takot na siyang lubos na magtiwala sa pag-iisip na baka muling maulit ang sinapit kay Rouie.
Si Rouie ay bahagi na lang ng kanyang nakaraan. Subalit tulad sa ibang nakaraan sa buhay ng tao ay may mga bagay na bumabalik sa kasalukuyan.
Kamakailan ay muli silang nagkita ni Rouie. He was handsome way back in college but he was more handsome now. Subalit wala na ni bakas sa kanyang damdamin ang dating naramdaman niya para dito.
There was no hatred in her heart. Sa anong dahilan ay hindi niya nagawang magtanim dito ng galit.
Hindi niya pina-unlakan ang imbitasyon nito sa isang dinner. Although civil naman ang pakikiharap niya rito. Hindi niya gustong palawigin pa ang muling pagtatagpo ng mga landas nila.
Patuloy si Monica sa pagkain ng kanyang almusal. Nginitian niya si Yaya Helena nang makita itong palapit sa kanyang mesa.
“Natutuwa ako at muli ko nang nasisilayan ang ngiti sa mga labi mo,” puna ni Yaya Helena. Naupo ito sa isang bangko at magaan na nakipagkuwentuhan sa kanya. Inalok niya itong kumain at nagpasalamat naman ito sa kanya.
Saksi si Yaya Helena sa pighati at pagdadalamhati niya sa pagkawala ng mama niya. Sa halos ilang dekadang paninilbihan nito sa kanila ay tunay namang napamahal na ito sa kanilang mag-ina, na halos kadugo na kung ituring.
Kapwa batid nila nang mga sandaling iyon na hindi na nila nais pag-usapan ang malungkot na sandali.
Nagpatuloy lamang sila ni Yaya Helena sa ilang magaan na kuwentuhan. Ang tanging umagaw sa atensyon nila ay ang pagtunog ng telepono.
Iniabot sa kanya ni Yaya Helena ang cordless telephone nang sagutin nito iyon. Siya raw ang nais makausap ng caller.
May pangalang rumehistro sa isip niya at bahagyang gumuhit ang excitement sa dibdib niya sa ipinagpalagay na si Jedric ang nasa telepono. Ngunit mabilis din iyong napawi dahil hindi naman nakalagay sa calling card na ibinigay niya sa lalaki ang private number ng bahay.
Mas may posibilidad na isa sa mga awtoridad na may hawak sa kaso ng kanyang mama ang tumatawag, para marahil ipabatid na mayroon nang positibong balita.
Upang masagot ang kuryosidad ay itinapat na niya sa tainga ang aparato.
“Hello, Monica..?” anang husky voice sa kabilang linya.
Kilala niya ang nagmamay-ari ng tinig na iyon. Ngunit upang makasiguro ay tinanong niya ito. “Who’s on the line, please?”
“Hey, Monica,, how are you this morning? It’s me. Rouie...”
BINABASA MO ANG
Deep In His Heart
RomanceNasa plano ni Jedric ang paghihiganti para sa taong siyang dahilan kung bakit nasa bingit ng kamatayan ang kondisyon ng kanyang ama. But he felt frustrated nang mapag-alaman that Veronica Celeste was already dead. Paano pa niya ito pagbabayarin? ...