chapter 18

18 0 0
                                    

DUMAAN si Jedric sa paboritong restaurant ng kasintahan para ibili ito ng pagkain for lunch. At habang nagmamaheho na siya patungo sa health and beauty shop ay namataan niya ang kotseng naisa-ulo niya ang plate number nang gabing kaarawan ni Monica.

Nagawa niyang lihim na sundan ang sasakyan. Pumarada iyon sa isang coffee shop.

Nakita niyang bumaba si Rouie sa kotse nito. Sa entrada ng coffee shop ay may lalaking sumalubong dito.

At hindi siya maaaring magkamali kung sino ang lalaking iyon. Ang tiyuhin ni Monica na si Stephen.

Mabilis na nabuo sa isip niya na magkasabwat ang dalawa sa kung anong pinlano o pinaplano pa ng mga ito.

Pinigilan niyang humulagpos ang galit at sugurin ang dalawa.

Hindi siya dapat magpadalus-dalos.

Mabilis na pinaandar niya ang kotse paalis sa lugar na iyon.

BAGAMAN nawalan na nang ganang kumilos si Monica ng araw na iyon ay ipinasya niyang pumasok pa rin sa health and beauty shop. Hindi matatahimik ang kalooban niya hangga’t hindi niya nakakausap si Jedric. Bakit kailangan pa niyang patagalin? Inaasahan niyang pupunta ito roon sa tanghali.

Kailangang marinig niya ang side nito.

Kung ang intensyon nga nito ay upang makuha nito sa kanya ang negosyong hawak niya ngayon, ay hindi niya iyon isusuko rito. Hinding-hindi niya bibitawan ang negosyong ang mama niya ang unang humawak. Pero handa siyang bayaran ang perang napahiram ng ama nito sa mama niya. Hindi man niya maibigay agad nang buo ay hindi niya ito tatakasan.

Subalit sa naiisip niya na maaari nang magwakas ang relasyon nila ni Jedric, ay parang gusto na lamang niyang igupo ang sarila sa kahinaan at mas malalim na kalungkutan.

SA PAGPASOK ni Jedric sa loob ng opisina ni Monica ay hindi niya agad ito kinibo. Nagkunwari siyang abala pa rin sa harap ng computer. But in her peripheral vision ay napansin niyang tila tensyunado ito. Dahil ba iyon sa alam nitong nabatid na niya na anak ito ni Jerome Ricaforte?

Hindi na siya nakatiis at hinarap na ito. Subalit hindi siya makaapuhap ng sasabihin.

“I have something to tell you,” kapagkuwan ay sabi nito. "Kailangang malaman mo na—"

“'Wag ka nang mag-abala, Jedric, alam ko na," sansala niya sa sinasabi nito.  Ito na ang nagbigay ng hudyat para buksan ang paksang iyon. Kaagad nangilid ang mga luha niya.

“Alam mo na?” kunot-noong tanong nito.”

“Alam ko na na anak ka ni Jerome Ricaforte.” Nakita niyang natigilan ito. Guilt ba ang nakita niyang bumadha sa mukha nito?

“How did you know?”

Sa sinabi nitong iyon ay pinatotohanan lang nito ang lahat ng mga sinabi sa kanya ni Uncle Stephen. She found herself breathing hard.  

“Itigil mo na ang pagkukuwaring mahal mo 'ko,“ sa halip ay sabi niya. "Alam ko na ang totoong intensyon mo. Ang maipaghiganti mo ang ama mo sa mama ko. Wala na ang Mama kaya ako ang binalingan mo... Wala akong kasalanan sa 'yo, Jedric... At wala ring kasalanan ang mama ko sa kung ano ang nangyari sa ama mo!” Pinanghihinaan man ay pilit niyang pinangibabaw ang galit.

“No, Monica, let me explain,” bigla ay tila natarantang sabi nito.

“Umalis ka na. Tapos na sa atin ang lahat. Hindi kita kailangan sa buhay ko.” Pinagtulakan niya ito palabas ng kanyang opisina.

Pinigilan siya ni Jedric sa paghawak nito sa mga braso niya.. “No, I will not,” mariing bigkas nito. “Ngayon mo ako higit na kailngangan, maniwala ka sa akin. I’m here to protect you,” anito na kaagad ding naging malumanay ang tinig.

Deep In His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon