HIGIT na naging malapit ang loob ni Monica kay Jedric sa ilang mga araw lang na nakalipas. Sa totoo lang ay nahihiya siya rito dahil sa tuwing nagagawi ito sa health and beaty shop ay palagi itong may dalang pagkain para sa kanya o kung hindi man ay pinagsasaluhan nila sa loob ng kanyang opisina.
Para makabawi naman kay Jedric ay naisipan ni Monica na imbitahin ito sa isang dinner sa bahay niya mismo. At kasalukuyan siyang nasa kusina para sa paghahanda ng ilang mga putahe. Magpapa-impress siya sa binata. Hopefully ay pumasa naman sa panlasa nito ang mga specialties na gamay na niyang i-prepare.
"Siguradong mas masarap ang kalalabasan ng lasa ng mga ihahanda mong pagkain ngayon dahil nariyan ang pinaka-importanteng sangkap."
Hindi nasakyan ni Monica ang sinabing iyon ni Yaya Helena. Nagprisinta itong tulungan siya sa magaan lang na gawain.
"Ano pong sangkap, Yaya?" tila clueless niyang tanong.
"Ano pa, eh, di ang pagmamahal na nasa puso mo para kay Jedric."
Nagawa na niyang magkuwento kay Yaya Helena at magbigay ng ilang detalye dito tungkol kay Jedric. Bigla ay napatingin siya rito. Ganoon na ba siya ka-ovious para mahalata sa mga kilos niya kung anuman ang nadarama niya sa binata?
"Ang ibig kong sabihin, pagmamahal para sa isang kaibigan." Sinundan pa nito iyon nang mahinang tawa. Pero sa mga mata ni Yaya Helena ay may nais itong iparating na hindi nito magawang sabihin. At animo’y nag-aabang lamang ito na mismong sa bibig niya manggaling ang kumpirmasyon sa hinala nito.
SHE looked sexy tonight sa suot niyang haltred dress. Pinalitaw niyon ang magandang hubog ng kanyang katawan. Pakiramdam niya ay para bang sanay na sanay na siyang mag-suot ng ganoong uri ng damit. Mayamaya pa ay dumating na si Jedric at napigil niya ang paghinga pagkakita sa binata. He wore a light blue long-sleeve polo and a pair of black pants. Maganda ang pagkakalapat ng damit sa katawan nito. Animo'y isa itong modelo na biglang lumabas mula sa isang pahina ng magazine. Pansin din niya ang buhok nito na bagong gupit. Higit itong naging guwapo sa kanyang paningin. Naumid na yata ang dila niya dahil hindi niya nagawang tugunin ang pagbati nito sa kanya ng "Good evening." He reached and hold her hands. At pagkatapos ay dinampian nito iyon nang masuyong halik.
Kinilig ang puso niya. Ngayon ay sigurado na si Monica na mahal na niya si Jedric. Posible pa lang mangyari iyon sa ganoong kabilis. Iyon na marahil ang kasagutan kung paanong palaging laman ito ng kanyang panaginip buhat noong una pa lang niya itong makilala.
There was a long pause sa pagitan nila. Nasasalamin niya sa mga mata ni Jedric ang labis na paghanga nito sa kanya sa gabing iyon. Higit iyong nagbigay ng saya sa kanya. Marahil ay kapwa sila hindi matitinag kung hindi pa tumikhim si Yaya Helena para pukawin ang kanilang atensyon.
Iginiya na sila ni Yaya Helena tungo sa mesa na ookupahin nila ni Jedric. Sa durasyon ng pagkain nila ay lihim na pumapalakpak ang tainga niya sa tuwing kakain si Jedric ng mga lutong ulam at hindi nito napipigilan ang magkumento sa bawat pagkain na malasahan.
"Ah, ang sasarap naman ng mga pagkaing ito. Baka gabi-gabi na akong makikain dito," turan ni Jedric matapos punasan ng napkin ang bibig. "O kaya, baka puwede ko na lang mahiram ang tagapagluto n'yo," may himig-birong sabi nito.
"I'm sorry pero hindi ako puwedeng hiramin..." napangiting tugon niya.
"Wow. so, ibig mong sabihin, ikaw ang nagluto ng mga pagkaing ito na ubod ng sasarap." Hindi iyon tanong bagkus ay isang pahayag.
Kimi at may ngiti sa mga labing tumango siya.
"Kung gano'n pala na hindi ka puwedeng hiramin... eh, kung pakasalan na lang kita para doon ka na sa bahay ko tumira."
Alam niyang isa lamang biro ang huling sinabi nito. Kahit biro lang iyon ay nagmistulang musika iyon sa kanyang pandinig. Hindi niya naiwasang umasam sa isip na sa ibang pagkakataon ay sasabihin nito iyon sa kanya sa paraan nang bawat pagbigkas nito ng mga salita ay magmumula sa puso nitong tapat na umiibig sa kanya.
Bigla ay naging malagkit ang tingin sa kanya ni Jedric, partikular na nakatitig ito sa kanyang mga labi. Kung wariin ay tila iyon naman ang gustong tikman nito nang mga sandaling iyon.
Natensyon siya nang biglang maghinang ang kanilang mga mata. Gayuman ay nagawa niya itong ngitian nang ubod ng tamis.
BIGLA ay parang gustong hawiin ni Jedric ang mesang nakahambala sa pagitan nila ng dalaga upang matugunan ang mga labi niyang biglang nauhaw sa halik.
It was torture. Ang makitang ngumiti si Monica nang ubod ng tamis. Idinaan na lamang niya iyon sa pag-inom ng malamig na tubig, na para bang mapapawi niyon ang ganoong klase ng pagkauhaw niya.
Hindi na niya kailangan ng dessert dahil pinunan na iyon nang ubod ng tamis na ngiti ng dalaga.
Gayunman ay masarap din ang minatamis na macapuno na idinulog ni Yaya Helena bilang panghimagas nila.
"I'm glad na nagustuhan mo rin ang paggawa ko sa macapuno. I learned that from my mother. Paborito niyang ihain sa amin 'yan ng daddy ko noon," bahagyang pagsasalaysay ni Monica.
Saglit na natigilan si Jedric. May tinig sa likod ng isip niya ang nagpaalala sa kung ano ang totoong pakay niya kay Monica sa simula pa lang.
Buo pa nga ba sa isip niya ang planong paghihiganti?
Pagkatapos nilang kumain ay niyaya siya ni Monica sa hardin. Malaki ang hardin ng mga ito. Umaabot sa pang-amoy niya ang halimuyak ng mga imported na bulaklak na naroon. Subalit hindi naibalik niyon ang pakiramdam na tila nababalot siya kanina ng mahika sa tuwa.
Subalit ang matitigan niya ang maganda nitong mukha sa ilalim ng mga bituin at bahagyang liwanag ng buwan sa gabing iyon, ay nagpakalma iyon sa negatibong emosyon na nais manatili sa kanyang puso.
Bigla na lang ay kusang humakbang ang mga paa niya at tinawid ang pagitan nila ng dalaga. Walang sabi-sabing binihag ng mga labi niya ang walang kasing-tamis at sinlambot na mga labi ni Monica.
Naramdaman niya ang pagkagulat nito sa umpisa ngunit pagkuwan ay nagawa nitong tumugon sa halik niya. Bahagya niyang nilaliman ang halik. At ang uri ng damdamin na biglang sumibol nang mabilis sa puso niya ay malayo sa poot at galit. Sa halip, iyon ay batid niyang nag-uugat sa pagmamalasakit at pagmamahal niya para sa dalaga.
Patuloy ang labi niya sa paglasap ng masarap na halik na pinagsasaluhan nila. He parted her lips with his tongue. Hindi niya napigilan ang pagnulas ng ungol sanhi ng sensasyon.
Ang ungol niyang iyon ang tila nagpagising kay Monica dahil bigla itong kumalas mula sa kanya. Hindi niya masalamin sa mga mata nito ang galit na inaasahan niyang magiging reaksiyon nito sa ginawa niyang kapangahasan dito. Sa halip ay nagniningning ang mga iyon.
Hindi niya sigurado kung dulot lang ba iyon ng mapupusyaw na ilaw sa paligid nila.
"I'm sorry," aniyang huwad ang pagkakasabi. Hindi niya pinagsisisishan ang paghalik dito.
Monica opened her mouth to say something. Ngunit bago may manulas na salita sa mga labi nito ay agad nakuha at nabaling ang atensyon nito sa lalaking biglang pumaroon.
"Hindi ko alam na mayroon ka na palang kasintahan, Monica." Ipinahihiwatig ng tinig ng lalaking dumating na nasaksihan nito ang tagpong namagitan sa kanila ng dalaga. Sa tingin ni Jedric ay nasa mahigit kuwarenta ang edad ng lalaking nagsalita. Pormal ang suot nitong damit.
Nakita niyang dumaan sa mga mata ni Monica ang bahagyang pagkagulat sa biglang dumating. Batid niya na malayo iyon bilang reaksiyon sa eksenang nasaksihan ng may edad na lalaki. Mas ang pagtataka kung bakit naroon ngayon ang bisita na hindi marahil inaasahan ng dalaga na darating doon sa gabing iyon.
Gayunman ay nai-compose ni Monica ang sarili.
Parang napilitan lang ang dalaga na nilapitan nito ang lalaki at pagkuwan ay ipinakilala sila sa isa't isa.
"Jedric, meet my uncle. His my uncle Stephen..."
Sa pagkarinig sa pangalan nito ay naikuyom ni Jedric ang mga palad.
BINABASA MO ANG
Deep In His Heart
RomanceNasa plano ni Jedric ang paghihiganti para sa taong siyang dahilan kung bakit nasa bingit ng kamatayan ang kondisyon ng kanyang ama. But he felt frustrated nang mapag-alaman that Veronica Celeste was already dead. Paano pa niya ito pagbabayarin? ...