PAGKATAPOS mag-alay ng mga bulaklak ni Monica sa puntod ng kanyang mama ay dumiretso naman siya sa simbahan. Doon niya ipinagdasal ng taimtin ang kapayapaan para sa kaluluwa nito.
Lubos ang pasasalamat niya sa Maykapal dahil iminulat Nito ang mga mata ng taong siyang dahilan ng pagkawala ng kanyang mama.
Madali ang magpatawad pero mahirap ang makalimot. Gayunman ay bahagyang naibsan ang mabigat na pakiramdam niya sa lahat nang nangyari dahil iminulat niya ang kanyang isipan na ang lahat ng mga bagay na nagaganap sa buhay ay may dahilan.
Tulad ng pagkawala ng kanyang mama na marahil ay talagang hanggang doon na lang ang buhay nito. Naging mahirap lang tanggapin ang paraan ng pagkawala nito.
At si Jedric, dumating ito sa buhay niya upang maiparanas sa kanya kung paano ang magmahal ng totoo.
Kung mawawala man ito sa buhay niya ay mag-iiwan ito ng pangyayari sa pagitan nila na kailanman ay hindi mabubura sa kanyang isipan at higit lalo sa kanyang puso.
Si Rouie ay nagawang magkumpisal sa kanya. Ang totoong propesyon pala nito ay isa itong lisensiyadong private investigator at nagawang ibigay ng libre ang serbisyo kay Uncle Stephen.
Ikinabahala ni Uncle Stephen ang bantang binitawan ng isang nautangan nito ng malaking halaga. Iba ang ginagawang paraan niyon sa paniningil kung hindi nakakapagbayad ang nakapangutang sa itinakdang araw.
At sinabi nitong may mangyayaring masama sa mga mahal sa buhay ni Uncle Stephen kapag hindi pa ito nakapagbayad sa nautang nito.
At noong may mangyaring masama sa kanyang mama ay ipinagpalagay ni Uncle Stephen na ang taong nautangan nito ang may sala.
Doon ito umupa ng private investigator para makakuha ng solidong ebidensya.
At nagkataon ngang si Rouie iyon.
Noon pa pala siya nito nagagawang sundan upang lihim na maprotektahan.
Pinangangambahan ni Uncle Stephen na baka pati siya ay balingan ng pinagkakautangan nito kaya ang purpose ng pakikipagkaibigan sa kanya ni Rouie ay upang mas mabantayan siya ng malapitan nito. Kasabay ang hangarin na makahingi ng tawad sa nagawa nitong kasalanan sa kanya noon.
At nang pumasok na sa buhay niya si Jedric ay doon naging mas persistent na tanggapin niya ang pakikipagkaibigan ni Rouie upang ma-warning-an siya nito kay Jedric. Ito ang sakay ng sasakyan na nagawang sumunod nood kay Jedric dahil na rin sa pag-iimbestiga nito sa binata.
Subalit ang lahat ng mga hinala ay hindi nagtugma sa kung ano ang mga nais ipunto.
At sa isip ni Monica, ang mga pangyayaring iyon ay parte na lamang ng isang kasaysayan.
Ikinasorpresa niya ang pagtawag sa kanya ni Rouie kagabi at sinabing nagkausap ito at si Jedric ng lalaki sa lalaki. Sa itinakbo ng pag-uusap ng dalawa ay nagkaunawaan daw ang mga ito at nagkaintindihan. Humingi ng paumanhin sa isa’t isa sa nagawang pagkakasakitan.
At batid ng puso niya na kumukuha lamang ng tiyempo si Jedric para muli siyang malapitan.
Sa dinulot ng ilang pangyayari ay naging malinaw sa kanya kung ano ang tunay na hangarin ng mga taong totoong nagmamalasakit sa kanya.
Deep in her heart ay ramdam niyang walang bahid ng pagpapanggap ang pag-ibig sa kanya ni Jedric simula pa noong unang araw na maging nobyo niya ito.
Nadala lamang siya ng pagkabigla sa mga nangyari kung bakit nagawa niyang pagdudahan ang pagmamahal nito.
Pagkuwan ay lumabas na siya ng simbahan at sinalubong ang sikat ng araw.
Nagdulot iyon sa kanya ng magaan na pakiramdam.

BINABASA MO ANG
Deep In His Heart
RomanceNasa plano ni Jedric ang paghihiganti para sa taong siyang dahilan kung bakit nasa bingit ng kamatayan ang kondisyon ng kanyang ama. But he felt frustrated nang mapag-alaman that Veronica Celeste was already dead. Paano pa niya ito pagbabayarin? ...