chapter 3

25 0 0
                                    

MONICA heavily sigh in relief. Nagawang palitan ng estrangherong lalaki ang isang gulong na na-flat sa kotse niya.

Naglaho ang takot at kaba sa dibdib niya. Nakaramdam siya ng guilt sa isiping isang masamang tao ito kanina. It was nice to know na mayroon pa palang mga taong matulungin na tulad nito.

Hindi man siya ang tipo ng tao na madaling magtiwala ay nakapagtatakang panatag siya ngayon sa presence ng lalaking ito.

"Hindi ka dapat nagbibiyahe nang nag-iisa sa ganitong oras ng gabi lalo na't babae ka pa," anito, nasa tinig ang pagpapaalala.

"Salamat sa pagtulong mo," sa halip ay tugon niya, bahagyang nahihiya.

Pagkuwan ay iniabot niya rito ang panyo niya para maipamunas nito sa narumihang kamay sanhi ng ginawang proseso sa pagpapalit nito ng gulong.

Para namang nag-alinlangan itong tanggapin iyon sa pag-aalalang marumihan.

"Ahm, no thank's. I have mine inside my pocket. If you don't mine, p'wedeng pakikuha na lang?" banayad nitong sabi. "I'm afraid na malagyan ng stain ang pants ko. Mahal pa naman ang pagkakabili ko dito at saka imported ito."

Napangiti siya sa sence of humor nito.

Pinaunlakan niya ang maliit na pabor nito. Tumalikod ito dahil sa likod ng bulsa nito nakalagay ang panyo nito.

Nice butt.

She was horrified by her thought.

Kailan pa siya nagkainteres na punahin ang behind ng opposite sex?

"By the way, ako nga pala si... Jedric." Ini-extend nito ang kamay for a handshake.

Sinulyapan niya ng tingin ang nakalahad nitong kamay na wala nang bahid ng dungis. Nagdaop ang kanilang mga palad.

May kung anong kakaibang naramdaman si Monica na nanulay sa kanyang mga ugat.

Agad na binawi niya ang kamay sa banayad na paraan.

Pinagtakhan niya ang naramdaman.

Nasalubong niya ang tingin nito.

His eyes reminded him of someone she cannot recall.

Pero batid niyang ngayon lamang niya ito nakatagpo.

"I'm M-Monica"

"Masaya akong makilala ka, Monica... Hopefully hindi dito matapos ang unang pagkikita natin," nakangiting sabi nito na nagpahantad sa mapuputi nitong mga ngipin.

There was a long pause.

"If you're not busy tomorrow p'wede kang dumaan sa health and beauty shop namin. Open iyon for men and women. I'll give you there a full-body massage for free. Bilang reward sa ginawa mong pagtulong sa akin," pagkuwan ay pag-iimbita niya.

"Hindi naman ako humihingi ng bayad sa ibinigay kong tulong sa 'yo," magaan at nakangiting sabi nito. "But I like the idea of full-body massage. Why not, para mabawasan naman ang mga naipong stressed ko sa katawan. Ang tagal ko na ring hindi nakakatikim ng masahe... So, you have a business? Where is this located?"

Nasa mga mata ni Jedric ang labis na interes.

"Here's the address." Kasabay niyon ay iniabot niya rito ang isang calling card na dinukot niya sa shoulder bag.

"Okay," anito nang abutin sa kanya ang calling card at pinasadahan iyon ng tingin.

Muli siyang nagpasalamat kay Jedric.

At nang muli nang nagmamaneho si Monica ay may sumilay na ngiti sa kanyang mga labi. Isang totoong ngiti na kauna-unahang namutawi sa mga labi niya buhat nang mamatay ang kanyang mama.

Nakapagtatakang biglang gumaan ang pakiramdam niya. Nadala niya iyon hanggang sa makauwi ng bahay at makatulog.

Deep In His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon