chaptet 16

16 0 0
                                    

NAGAWANG ikuwento ni Monica kay Jedric ang malamig na treatment noon ng magtiyuhin sa isa't isa.

Sa durasyon ng relasyon nila bilang magkasintahan ay halos naikuwento na ni Monica ang buong buhay nito sa binata.

Sometimes Jedric felt guilty dahil hindi niya magawang magbahagi ng istorya sa parte niya. Hindi naman labis na mapag-usisa si Monica pagdating sa kanya.

Minsan ay nais na niyang magtapat dito. Na anak siya ni Jerome Ricaforte na nakarelasyon ng mama nito.

Huling pangalan ng kanyang mama ang ibinigay niya kay Monica nang tanungin nito minsan ang kanyang apelyido.

Sa isip niya ay kukuha siya ng tiyempo para magtapat sa kasintahan.

Tumatak sa isip niya ang naikuwento nito sa kanya minsan, na bago may mangyaring sakuna noon sa mama ni Monica ay nagkaroon pa muna nang hindi pagkakaunawaan na sagutan sa pagitan ni Veronica at Stephen.

Inihingi raw iyon ng paumanhin ng tiyuhin sa kasintahan.

Subalit sa kuwentong iyon, sa isip ni Jedric ay nakabuo siya ng sarili niyang bersyon.

Maaaring nagtalo ang dalawa na ang tunay na pinag-ugatan ay tungkol sa pera.

Perang nakulimbat ng mga ito sa kanyang ama.

Hindi siguro nagkasundo ang mga ito sa hatian ng parte.

Siguro ay matagal nang may relasyon sina Veronica at Stephen at magkasabwat ang mga ito para perahan ang kanyang ama.

Subalit nabunyag ang relasyon ng dalawa sa kanyang ama nang minsang magpunta ito sa bahay nina Monica. Na ayon nga kay Atty. Lacosta ay para muling suyuin ng papa niya si Veronica. Subalit nakita nitong kahalikan ng babae ang bayaw nito. Na siyang dahilan naman upang magpang-abot ang dalawang lalaki at sanhi upang atakihin sa puso ang kanyang ama.

Nagtagis ang mga bagang ni Jedric sa muling pag-alala niyon.

Ang galit na muling bumangot sa puso niya ay tanging patungkol lamang para kay Stephen.

Nang ilahad niya ang mga naisip sa inuupahang private investigator, ay sinang-ayunan ni P.I. Rodriguez na maaaring may mga posilidad ang mga iyon base na rin sa ginawa nitong pag-iimbestiga kay Stephen.

Idinagdag pa nito na maaaring taktika ni Stephen ang ginagawa nitong pakikipaglapit sa pamangkin upang hindi ito mapaghinalaan sa bagay na iyon.

At kung bakit daw naisip ni Stephen na patayin o ipapatay nito si Veronica ay sa dahilang balot ng espiritu ng alak ang isip nito noong mga panahong iyon.

Hanggang ngayon ay madalas na lulong sa alak si Stephen at iyon ang bisyo nito.

Masasabi man na ang mga istoryang naglalaro sa isipan nina Jedric at P.I. Rodriguez ay maaaring bunga lamang ng mawalak na hinala, subalit tila pinapaboran naman iyon ng malakas na pakiramdam ng binata.

Ibinilin niya kay P.I. Rodriguez na higit nitong bantayan ang mga kilos ngayon ni Stephen. Once na makakuha sila ng isang malaki at matibay na ebidensya na magtuturo rito sa naging sanhi ng pagkamatay ng mama ni Monica, ay kaagad silang makikipag-ugnayan sa pulisya.

SUMAPIT ang kaarawan ni Monica. Sa garden ng bahay niya kasalukuyang ginaganap ang simpleng pagdiriwang.

Karamihan sa mga naroon ay pulos empleyado ni Monica.

Unang pagkakataon na wala ngayon ang kanyang mama sa pagse-celebrate ng birthday niya subalit napunan iyon ng mga taong nagpapakita sa kanya ng halaga. At una na roon si Jedric.

Nagpapasalamat siya sa Diyos. Kinuha man Nito ang kanyang mama ay ibinigay naman Nito sa buhay niya si Jedric.

SA GARAHE ay kasalukuyang naroon si Jedric. Sana'y hindi na lang dumating sa gabing iyon ang tiyuhin ni Monica. Tiyak na hindi niya magagawang mapakiharapan ito ng maayos. Hindi niya gustong makagawa ngayon ng eksena sa pagdiriwang ng kaarawan ng nobya.

Nabaling ang atensyon niya sa pagpasok at pagparada ng isang sasakyan.

Napakunot-noo siya dahil tila ba pamilyar sa kanya iyon.

Ewan kung bakit biglang pumasok sa isip niya ang kotseng napansin niya noon na tila sumusunod sa kanila nang minsang manggaling sila ni Monica sa Italian restuarant nang gabing unang mag-dinner sila.

Naisip niyang maraming ganoong kotse naman ang magkakatulad.

Napansin niyang isang lalaki ang bumaba roon kasabay ang isang babae na may kargang batang babae na nasa edad tatlo.

Nang makapasok ang mga iyon sa loob, ay wala sa loob na nagawa niyang lapitan ang kotse. Kung bakit nagawa rin niyang isa-ulo ang plate number niyon.

Nang bumalik si Jedric sa garden kung saan naroon si Monica ay nagawa siya nitong ipakilala sa mga bagong dating na bisita.

Ito pala ang lalaking nagawang paglaruan noon ang damdamin ni Monica na nagngangalang Rouie.

Kung makatingin ito sa kanya animo'y nanunuri. Nakipagsukatan siya rito ng tingin.

Kung siya lamang ang masusunod ay hindi niya nais na patuloy pa itong kaibiganin ni Monica.

Nagawa niyang ibaling sa babaeng katabi nito ang tingin niya na siya palang asawa nito. Ang anak ng mga ito ay nananatili karga nito.

Nagawa niyang tanguan ang totoong pala-kaibigan na ngiti na ibinigay sa kanya ng asawa ni Rouie.

Hanggang sa unti-unti nang nagsi-uwian ang mga bisita at tuluyang natapos ang kasiyahan na hindi nagpakita nang gabing iyon ang tiyuhin ni Monica.

Lihim iyong ipinagpasalamat ni Jedric.

Deep In His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon