NANG makauwi na si Monica buhat sa pamamasayal nila ni Jedric sa Antipolo ay hindi pa rin humuhupa ang labis na saya sa kanyang dibdib. Naisip pa nga niya na baka nananaginip lamang siya at anumang oras ay maaari siyang magising.
Subalit sa tuwing naiisip niya ang pagsayad ng mga labi ni Jedric sa mga labi niya maging ang simpleng paghawak lang nito sa kanya, ay isang daang pursiyentong nakasisiguro siyang nasa makulay at magandang realidad siya.
At doon lamang niya natanto na posible palang makaramdam ng ganoong antas ng kaligayahan ang isang tao.
Pagkatapos mag-half bath ay nagsuot siya ng damit-pantulog. She was now lying on her bed. Sa pagtagilid niya ng higa ay natuon ang mga mata niya sa litrato ng kanyang mama na nasa bedside table.
Tila nabantuan ng bahagyang lungkot ang kanina ay nag-uumapaw na saya sa kanyang puso.
Naisip niya na kung magpahanggang ngayon ay nanatiling buhay ang ina disin sana ay masayang naikukuwento niya rito ang pagkakaroon niya ngayon ng nobyo. Sigurado siya na agad makukuha ni Jedric ang loob ng kanyang mama.
Noong nabubuhay pa ito ay hind lingid sa kanya na nais makita ni Veronica na magkaroon siya nang pangunahing inspirasyon sa buhay sa katauhan ng magiging nobyo niya. Nakapanghihinayang na hindi na nito naabutan iyon.
Kinuha niya ang naka-frame na litrato at naupo siya sa kama. May pagmamahal na hinaplos niya ang larawan ng ina.
Noon ay madalas na napagkakamalan na nakababatang kapatid lamang siya ng kanyang ina. Batang tingnan ang kanyang ina sa tunay nitong edad.
Noon ay madalas na mas maraming parties na dinadaluhan ang kanyang mama. At sa mga pagkakaton na hindi niya ito matanggihan sa tuwing nahahatak siya nito ay naroon lamang siya palagi sa isang sulok ng bawat pagtitipon at kontento nang nagmamasid. At sa tuwing ipinapakilala siya ng mama niya sa kung sinu-sinong lalaki na anak ng mga kakilala nito ay wala ni isang nakapukaw sa kanya ng interes. At sa malamig na pakikitungo niya sa mga iyon ay ang mga ito na rin ang kusang lumalayo sa kanya sa paraan na hindi naman niya ikina-o-offend.
Muli nang ipinatong ni Monica sa bedside table ang litrato ng ina. Muli siyang nahiga. Ewan kung bakit ang ilang eksena sa nakaraan ay nagpatuloy sa pag-alala sa kanyang isipan...
May ilang taong na ring namayapa ang kanyang papa ngunit hindi niya naramdaman ang kakulangan ng isang ama dahil pinunan iyon ni Veronica sa pagbubuhos nito sa kanya ng sapat na atensyon at pagmamahal. Kaya naman nang may ipakilala ito sa kanya bilang nobyo nito ay binuksan niya ang isipan sa pagtanggap sa malaking posibilidad na magkaroon siya ng stepfather.
Bakas naman sa mukha ng ina ang kasiyahan sa karelasyon nitong si Jerome Ricaforte.
Subalit sa umpisa lamang naging smooth sailing ang relasyon ng dalawa. Kalaunan ay napuna niya ang pagiging tila malungkutin ng ina. Nagsimula iyon nang hindi na gaanong napapasyal sa bahay nila si Jerome. Ang sapantaha niya ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga ito. Nang minsang hindi na niya natiis na makita ang ina sa malungkot nitong anyo ay hinimok niya itong magkuwento sa kanya sa kung ano ang bumabagabag at nagpapalungkot dito.
Her mother said na nakaamba nang lumubog ang negosyong naiwan sa kanila ng kanyang ama. Masakit man daw para dito na ibenta iyon ay wala itong ibang mapagpipilian. Nalungkot din siya sa sinabi nito. Ngunit may pakiramdam siya na hindi lang iyon ang pinagdaraanan nito. Subalit hindi naman niya magawang mag-usisa pa. Gusto niyang i-comfort ang ina sa paraan nang pagyakap niya rito nang mahigpit. Sa pagkalas niya ay bahagyang nawala sa ayos ang maluwang sa damit nito na nagpahantad sa balikat ng ina. Napansin niya roon ang malaking pasa. Bumakas sa mukha niya ang pag-aalala at nagtatakang nagtanong kung saan at paano nitong nakuha ang pasang iyon. Subalit hindi iyon sinagot ng ina at sa halip ay mabilis na ikinubli ang balikat sa pag-aayos ng damit. Bigla ay naging mailap ang mga mata nito sa kanya.
Nang makuha ni Veronica ang napagbentahan sa ipinag-biling negosyo na naiwan sa kanila ng ama ay nag-umpisa na itong ipatayo ang matagal nang pangarap na negosyo. Para sa kanila ay bagong panimula iyon. Subalit pansamantalang natigil ang pagpapatayo dahil sa naging kakapusan ng budget. Nagawa kasing manghiram ni Uncle Stephen ng pera sa kanyang mama. Hindi nito agad naibalik ang nahiram sa ipinangakong petsa. Magalit man ang kanyang mama ay wala na itong magawa.
Muli ay naging madalas ang pagbisita ni Jerome sa bahay nila. At hindi lingid sa kaalaman niya ang perang ipinahiram nito sa mama niya ang siyang naging daan para maipagpatuloy ang pagpapagawa ng heath and beauty shop.
Nagpatuloy ang relasyon ni Jerome at Veronica. Subalit kalaunan ay nauwi rin muli iyon sa pakikipagkalas ng kanyang mama sa lalaki. Nagawang ipagtapat ng kanyang ina sa kanya na nagagawa itong saktan ng pisikal ni Jerome Ricaforte. Ito ang may gawa nang nakita niyang malaking pasa noon sa kanyang mama. Ganoon na lamang ang naging galit niya kay Jerome. Noong una ay nagagawa pa raw tiisin ng kanyang mama ang mga pananakit nito bunga ng pagiging seloso nito. Totoong minahal ng mama niya si Jerome ngunit naging sukdulan na ang pananakit nito na nagpagising kay Veronica...
Sa kalagitnaan ng pag-alala ni Monica sa nakaraan ay sumalit sa isipan niya si Jerome Ricaforte. Sa mga panahong magkarelasyon ito at ang mama niya ay nakita naman niya na totoo ang pagmamahal ni Jerome sa kanyang mama. Subalit ang klase ng pagmamahal na iyon ay hindi nagdulot ng maganda. At ang huli niyang nalalaman tungkol dito ay ang pananatili nitong comatose sa ospital sanhi ng matinding atake nito sa puso.
Hindi na namalayan ng dalaga ang pagbigat ng kanyang mga talukap hanggang sa siya ay makatulog.
BINABASA MO ANG
Deep In His Heart
RomanceNasa plano ni Jedric ang paghihiganti para sa taong siyang dahilan kung bakit nasa bingit ng kamatayan ang kondisyon ng kanyang ama. But he felt frustrated nang mapag-alaman that Veronica Celeste was already dead. Paano pa niya ito pagbabayarin? ...