Taehyung

398 14 2
                                    

-

*suot mo*-"Tae! Namiss kita!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*suot mo*
-
"Tae! Namiss kita!"

Masayang masaya mong nilapitan ang boyfriend mo na si Taehyung. Kakauwi palang niya from France dahil nagaaral siya don ng doctor. Matagal tagal naren yon almost 3 years siyang nawala sa tabi mo. Malaki na ren pinagbago niya nung umalis siya ang lamig niya. Grabe.

Niyakap ka niya pero nararamdaman mong parang may mali. Ngumiti ka nalang para hindi mahalata. Kaya lang biglang dumating yung bestfriend niyang si Amber at yun.

Inagaw na naman niya atensyon ng boyfriend mo. Nagulat ka ng biglang nagbago ang mood ni Taehyung nung niyakap siya ni Amber. Biglang lumiwanag yung muka niya tapos kitang kita mo na ang higpit ng yakap niya. Parang sila nga yung magnobyo e.

Lumayo ka nalang sa kanila at pumunta sa malapit na mall. Pumunta ka sa karaoke room at don ka kumanta ng kumanta para mailabas ang nararamdaman mo. Ramdam na ramdam sa boses mo ang sakit. Naisip mo nun kung mahal ka paba ni Taehyung o baka pagod lang siya.

Habang kumakanta ka bigla kang napalingon sa labas dun sa maliit bintana ng karaoke room. Nakita mong nakaakbay si Amber kay Taehyung at nakayakap ang kamay ni Taehyung sa bewang ni Amber.

At ang mas mabangis pa ron nakita mo silang nagkiss.

Don na mismo bumagsak ang mga luha sa mata mo at don mo napagtanto ang lahat. Kaya kinanta mo nalang lahat ng sakit.

Habang kumakanta ka ayaw tumigil ng agos ng luha mo at naaalala mo lahat ng masasayang ala ala nyong dalawa ni Taehyung. Tuluyan ng bumigay ang hikbing kanina mo pa pinipigilan kayat pinatay mo ang ilaw sa loob at umiyak ng umiyak.

Sinisisi mo ang sarili mo kung bakit nagkaganon si Taehyung.

"Hindi ko na dapat siya pinagtulakan umalis.. sana ngayon hindi nangyayari.. pero gusto ko lang naman maging successful siya ehh. Mahal na mahal ko siya kahit nasan man siya. Siya at siya lang ang lalaking mamahalin ko. Tapat ko siyang mamahalin kaya lang bakit niya ko ginanto? Choice niya naman yun diba? Ang sakit."

Unti unting lumalabo ang paningin mo kaya bago kapa tuluyang bumigay ay tinawagan mona si Jungkook.

"Hello? Y/N? Where are you?"

"K-karaoke—"

"Hello Y/N?! Please don't hung up! Nanjan nako!"

Hindi pa ren pinapatay ni Jungkook ang tawag pero nawalan kana ng malay.

Nagising ka dahil narinig mo ang boses ng pinakamamahal mong bestfriend na si Jungkook.

"Y/N! Kamusta pakiramdam mo? Pinagalala mo ko."

"A-ayos lang ako Kookie salamat dumating ka."

Niyakap mo siya agad at umiyak sa mga bisig niya. Don napagtanto na ni Jungkook kung bakit ka inatake ng sakit mo. Biglang kumunot ang noo niya at niyakap ka ren, ng mas mahigpit. Tinapik tapik niya ang ulo mo.

"Makakausap naba kita? Magsabi kana."

"Kook, ayaw na ba niya saken?"

"Bakit mo naman nasabi?"

"Nakipaghalikan siya kay Amber."

"Hindi ka talaga para sa kanya. Simula palang alam ko na Y/N. Hindi ka lang naniwala saken kase mas pinaniwalaan mo yung kilos niya towards you."

"Sorry kookie. Ang sakit sakit pala. Minahal ko siya. Hanggang ngayon mahal na mahal ko paren siya."

"Hindi mo kailangan ng ganong lalaki sa buhay mo. May mas maayos at responsable pa sa kanya na mas karapatdapat sayo."

Hanggang ngayon ay magkayakap paren kayo ni Jungkook. Sobrang gaan ng pakiramdam mo kapag kasama mo si Jungkook dahil siya lang ang lalaking kaibigan mo. Mula highschool hanggang makatapos kayo ngayon. Mula noon may pagtingin na siya sayo pero hindi siya agad nakaamin dahil naunahan siya ni Taehyung. Kaya kinikimkim pa ren niya ang nararamdaman niya para sayo pero ngayon mas malakas na ang loob niyang maglabas ng nararamdaman niya dahil may pagkakataon na siya at hindi na niya ito sasayangin pa.

"Pag nakalabas kana bukas may sasabihin ako sayo. Susunduin kita sa inyo. Wag ka ng umiyak. Hindi mo dapat iniiyakan ang walang kwentang lalaki. Bilis niyang mangati."

BANGTAN ONE SHOTS AND IMAGINESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon