-
Tanghali ka na nagising dahil nagpuyat ka na naman kagabi. Tinignan mo ang orasan sa tabi mo. 10:30 na kaya bumangon kana at naligo. Pagkatapos ng limang minutong ligo ay nagayos kana. Nagpatuyo ka muna ng buhok saka mo ito pinusod. Maigsi ang buhok mo kayat madaling pusurin. Nagbihis ka ng mahigpit na pantalong maong. Nag t-shirt ka ng puti at nagsapatos ng itim. Nagdala ka lang ng maliit na shoulder bag.Lumabas kana ng bahay at nakita ang lola mong nagwawalis. Nagsabi kang aalis ka at mabilis na lumarga.
"Alis lang po ako, bibiling gamit."
Nang makarating ka na ng mall ay agad mong hinanap ang National Bookstore para bumili ng mga gamit mo para sa nalalapit na pasukan. Pero nagbago ang isip mo dahil paniguradong bibitbitin mo to hanggang mamaya kaya lumabas ka muna at hinanap ang cinema. Pero bago ka makarating dito ay nahinto ang mata mo sa isang lemon stand. Nagningning ang mata mo at napangiti ka nagpunta ka agad don at bumili ng large. Pero naalala mo hindi kapa pala kumain. Bumili ka pa ren at masayang masayang ininom ito hanggang marating mo ang cinema.
Nakita mo ang showing at nandon pa ren ang gustong gusto mong panooren. Bumili ka ng isang ticket at naghintay ng limang minuto bago pumasok sa loob.
"Isang ticket."
"Eto po ma'am. Enjoy po!:)"
"Salamat!"
Pumasok kana sa loob at nakaramdam ka agad ng kakaibang lamig. Umupo ka sa bandang gitna sa taas. Maraming tao at may bakante pang upuan sa tabi mo sa bandang kanan mo. Puno ang ibang upuan dahil maraming gusto manood. Nadidinig mo silang di mapigilan ang excitement. Nagcellphone ka at nagearphone dahil may limang minuto pa bago magsimula ito kaya nagsoundtrip ka muna.
*playing- Boy With Luv*
Mahina kang napapasabay dito at sobrang nageenjoy. Kaya hindi mo napansing may kumakaway sa harap mo na lalaki. Inalis mo agad ang earphone mo at tinignan sya.
"Ahm kanina kapa jan? Sorry."
"Hindi naman kakarating ko lang. By the way tatanong ko lang sana kung pwedeng tumabi? Sorry pero puno na e sa lahat ng seats e. May I?"
"Sure!"
Naupo na agad ang lalaki at nagpakilala sayo.
"Namjoon. Call me Joon. Nice to meet you!"
"Y/N! Nice to meet you too."
"May kasama kaba?"
"Wala e. Ikaw?"
"Wala ren. Hahaha!"
Sasagot kapa sana pero nagsimula na ang movie at natahimik na ang lahat.
*natapos na ang movie*
Lumabas kana sa loob ng napaka saya at satisfied. Gandang ganda ka sa movie at hindi makalimot. Naginat ka at napaingit ng konti kaya napatingin kasa paligid at buti nalang walang nakatingin. Pababa kana sana ng escalator ng may tumawag sayo.
"Y/N! Hey!"
Napatigil ka ng lakad at tumingin sa likod mo. Nakita mo si Joon na nakilala mo kanina sa loob. Nginitian mo siya at nilapitan.
"Bakit? May nakalimutan kaba?"
"Ah wala naman. Gusto ko lang itanong kung pwede sumama sayo?"
"Ah sige pero bakit sakin?"
"Ikaw lang kasi kilala ko dito e hehehe! Saka first time ko lang lumabas."
"Wehhh? Sige HAHAHA! Let's Go!"
Sabay kayong bumaba ng escalator at dun mo lang nakita kung gaano siya katangkad at kung gano kainosente ang muka niya. Nung ngumiti siya sayo ay lumabas ang mga dimples niya na nagpapula sa pisngi mo. Kaya napayuko ka at napatingin sa malayo.
"Ah Y/N san tayo pupun— Oh! Bakit? May nakita kaba?"
"A-ah wala. Nagugutom kaba? Sa Bookstore sana bibili akong gamit ko."
"Pagkabili mo nalang:) Tara."
Ngumiti na naman siya at namula kana naman kase napakacute niya. Nauna kang naglakad para hindi halata. Nakarating na kayo sa Bookstore at nagprisinta siyang tulungan kana hanapin ang nasa listahan mo kaya nakumpleto niya agad ito.
Nangmakabayad na at naayos na sa paper bag ang lahat ay binuhat ito ni Joon agad agad. Hindi mo na siya nakontra at sinundan mo nalang siya palabas. As in ang tangkad niya kaya tumitingala ka. Nagbabalak kapa sanang tulungan siya pero mas tinaas niya ang mga gamit mo.
Napangiti ka nalang at nagpasalamat pero ngumiti na naman siya at kinilig ka na naman. Kaya dinala mo na siya sa malapit na kainan sa book store. Sa KFC. Umorder ka ng makakin nyo at dinala ito sa table nyo. Habang kumakain ay nagkakwentuhan kayo ni Joon.
"Ahm Joon? Di naman sa panghihimasok pero gusto ko lang itanong kung may Girlfriend ka?"
"Hahaha! Hindi ako magiisa Y/N kung meron. Ikaw?"
"Wala e. Wala akong interes sa ganong bagay. Hehe."
"E pano kung may manligaw sayo?"
"Diko naman sinasagot e. Hindi ko kase gusto."
"E nasan parents mo?"
"Nasa bahay dadi ko, mami ko naman nasa malayo."
"Bakit hindi mo sila kasama?"
"Malayo loob ko sa kanila. Hindi ko kasi gusto yung bagong asawa ni dadi."
"Oh may step mom ka? You don't like her? Hahaha!"
"May anak na nga sila e. Hindi na talaga maghihiwalay mga yun. Ikaw?"
"Tama ka jan. Parents ko? Parehas narin may bago. Magisa nalang ako. Sa lola ko ako lumaki."
"Bakit kaya ganon tadhana satin?"
"Baka tinadhana din tayo Y/N."
Natulala ka sa kanya at natikom ang bibig mo. Pero bigla siyang tumawa sayo.
"Just kidding! Eatwell."
"I-ikaw ah hahahah loko ka."
"May iba ka pabang gustong gawin? Or puntahan?"
"Wala na haha. Uuwi nako."
Tumango siya at tinapos ang pagkain. Hinatid ka niya hanggang makalabas ng mall.
"Uuwi kana ren?"
"Oo."
"Bakit?"
"Wala nakong kasama eh. Saka gusto ko lang maglakad lakad saka may makakwentuhan:)"
"Sige ingat ka ren!"
"Wait!"
"Bakit?"
"Pwede mahingi number mo?"
"S-sige."
Nagpalitan kayo ng number at ng makalayo na siya ay sumenyas siya na tawagan mo siya. Wooh! Bigla kang napahinga ng maluwag ng makalayo na siya.
Kakaibang pakiramdam ang naramdaman mo kanina habang kasama mo siya. Kinapa mo ang pisngi mo at ang init nito. Na love at first sight ka yata. Naalala mo ulit ang itsura niya sa isip mo pati ang pagngiti niya sayo kaya namula ulit ang pisngi mo.
-
-misslumberbunny💜
BINABASA MO ANG
BANGTAN ONE SHOTS AND IMAGINES
RandomTHIS IS A TAGALOG SCENARIOS! PASENSYA NA PO KUNG MINSAN CORNY YUNG TAKBO NG STORYA NAGSISIMULA PALANG PO AKO! ENJOY PO! :)