Jungkook pt.3

147 7 0
                                    

-
Sinalubong ng ibang miyembro ng grupo si Jungkook na puro dugo ang damit at kamay. Niyakap siya agad ni Jin at tinanong kung anong nangyare.

Jin: Anong nangyare? Bakit ka puro dugo? Ayos ka lang ba?

Umiiyak na sumagot si Jungkook. Kinakabahan siya sa mga nangyayare kaya hindi siya mapakali sa gilid. Nakaupo lang siya pero galaw ng galaw ang paa niya habang humihikbi siya.

Jungkook: S-si Doctor Choi n-nabangga..

Nagulat ang lahat kaya pati sila ay kinabahan.

Jimin: Kamusta na siya? Bakit nagkaganon?

Namjoon: Yung driver? Nasan siya? Dapat nandito siya!

Taehyung: Jungkook bakit siya nabangga? Tumatakbo ba siya?

Tumango si Jungkook habang mas lalong lumakas ang iyak nito. Kaya tinapik tapik na ni J-Hope ang likod nito.

J-Hope: Maaayos rin ang lahat bunso. Wag ka ng magalala. Pahahanap namin yung driver.

Yoongi: Wala kang kasalanan dito. Magiging maayos si Dr. Choi.

Nakaupo silang lahat don at nagiintay na lumabas ang resulta. Biglang tumunog ang cellphone ni Jimin. Napatingin silang lahat dito dahil nagbago ang ekspresyon ni Jimin ng binasa ito.

Jin: Bakit daw? Nahuli naba yung lalaki?

Jimin: Nahuli na raw nila pero nakatakas. Ays! Hindi pwede toh.

Namjoon: Pano yan? Nakatakas pa kase e.

Taehyung: Bakit hindi siya mahuli huli?! Nakakainis.

Tumayo si Yoongi at lalabas ng tinawag siya ni Jimin.

Jimin: Hyung san ka pupunta? Delikado.

Yoongi: Huhulihin ko siya.

Dirediretsong lumabas si Yoongi pagkasabi non. At sumunod sila Jimin at Namjoon sa kanya para tumulong. Naiwan sila Jin, Taehyung, Jungkook, at J-Hope. Maya maya lang ay lumabas na ang doktor na iniintay nila. Agad agad siyang sinalubong ni Jungkook na mugtong mugto ang mata kaiiyak. Sinundan siya ni Jin para alalayan.

Nakikita sa ekspresyon ng doktor ang lahat. Kahit hindi pa ito magpaliwanag ay nararamdaman na ni Jungkook ang lahat.

Tinapik ng doktor ang balikat ni Jungkook at ngumiti.

"She's stable now, pero wala parin siyang malay. You did a great job sir. Dinala mo siya agad dito dahil maraming nawalang dugo sa katawan niya."

Parang nabunutan ng tinik si Jungkook sa narinig at nagpasalamat ng sobra sa doktor.

"Thank You so much Doc! Maraming maraming salamat. Nasan siya doc?"

"Nilipat na namin siya sa kwarto niya. Exclusive lang ang kwarto na iyon at para lang sa kanya. Room 409. Goodluck sir."

Agad na pumunta sila Jungkook sa kwarto mo at nang makapasok sila ay sumilay ang magandang ngiti sa kanyang mga labi ng makita ka. Nilapitan ka niya at hinawakan ang kamay mo. Tulog na tulog ang maamo mong mukha. Pinagkatitigan niya ito at kitang kita ang mga sugat mo sa mukha.

Maya maya ay tumawag na si Jimin at sinabing nahuli na nila ang lalaking nagtangkang tumakas.

"Hello hyung?"

"Oh Jimin? Si Tae toh nagbanyo si Jin hyung."

"Oh Tae nahuli na namin siya. Nagtago sa park ang loko. Pinalibutan namin at nahuli ni Yoongi hyung. Mabuti nalang naglakas loob tong gilagid natoh."

"Thank You naman at nahuli na siya."

"Kamusta si Doctor Choi? Maayos naba siya?"

"Oo nakalipat na siya sa kwarto. Oh eto na pala si Jin hyung— Oh Jimin? Nasan na kayo?"

"Pabalik na jan hyung. Nahuli na namin tong ungas na toh."

"Bago kayo bumalik ipagdala nyo si Jungkook ng T-shirt saka pang tago sa mukha. Pagdala nyo rin kame maguumaga na baka maraming makakilala satin. Naiintindihan mo ba?"

"Yes naman. See you."

Nakarating sila Yoongi na nakasalamin, nakamask, at sumbrero. Pinagdala narin nila ang ibang miyembro para makaiwas na ren sa mga atensyon ng ibang tao. Nakita ka na ng buong grupo at naawa sila sa kalagayan mo at nangyare sayo.

Pinaglinis muna nila si Jungkook at pinagpalit ng damit. Saka siya bumalik ulit sa tabi mo. Hindi siya umaalis sa tabi mo kahit anong mangyare. Iniintay ka niya magising kaya hindi niya binibitawan ang kamay mo.

-
Lumipas ang dalawang araw at nagbabantay parin ang lahat sa paggising mo. Nakatitig lang si Jungkook sa kamay mo dahil bagong gising ito at sabog. Nanlaki ang mata niya ng makitang gumalaw ang hintuturo mo.

"Hyung! Gising na si Y/N!"

Naglapitan silang lahat sayo at nakatingin iniintay ang pagdilat mo. Hanggang sa dahan dahan mong dinilat ang mga mata mo at nakita mo agad silang lahat kaya nagtaka ka kung bakit ka nandito sa ospital hanggang sa naalala mong nabangga ka nga pala.

"Y/N gising kana. Sobra akong nagalala sayo. Yung nangyare bago ka mabangga sorry kung dahil don tumakbo ka at nabangga sorry talaga."

Bigla kang niyakap ni Jungkook at umiyak sa dibdib mo. Niyakap mo rin siya at sumagot.

"Wala kang kasalanan don Mr. Jeon. Salamat sa inyong lahat."

Nginitian ka nilang lahat at tinapik at ulo mo.

Jimin: Buti ayos kana Dr. Choi. Iyak ng iyak si Jungkook nung nakaraang araw pa.

J-Hope: Magiingat kana sa susunod doc ha? Sobrang delikado sa kalsada.

Taehyung: Dr. Choi? May masakit paba sayo? Tatawag pa ba kami ng doktor?

"Hindi na Taehyung okay na ko. Salamat haha!"

Jin: Nagugutom kaba? Ilang araw karin kasing tulog e. May niluto ako para sayo:)

"Salamat Jin oppa! Gutom talaga ako eh."

Namjoon: Sige kain ka lang jan. Wag ka magalala kumain na kami ikaw nalang ang hindi pa at si Jungkook.

Napatingin ka naman kay Jungkook na hanggang ngayon ay nakayakap parin sa bewang mo at parang batang ayaw ng bumitaw.

"Kakain kaba? O susubuan pa kita?"

Tinignan ka nito at tumayo. Ngumiti ito at hinalikan ka sa labi. Nginitian ka niya ulit habang ikaw tulala. Nagngitian silang lahat dahil proud na proud sila sa bunso nilang rabbit.

"Ms. Jeon—Ms. Choi rather. Kamusta pakiramdam mo? Hehe;)"

Kinurot mo ang pisngi ni Jungkook at nginitian siya.

"Ayos na ayos nako;)"

-
A/N
Final na yan hihe salamat!

-misslumberbunny💜

BANGTAN ONE SHOTS AND IMAGINESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon