-
Nakaupo ka sa duyan at kumakain ng santol. Nakatutok ang electricfan sayo at pachill chill ka lang don. Biglang may nagsalita sa likod mo. Ang bespren mong si Kim Taehyung."Hoy!"
Hindi ka tumingin at ugoy kapa ren ng ugoy.
"Hoy Y/N! Tingin!"
Hindi kapa ren tumitingin kaya bigla niyang tinigil ang duyan kaya nalaglag ang hawak mong santol. Na badtrip ka na.
"Arghhh—Kim Taehyuuuuuungggg! Bakit ba?!"
"Hihe! Wala lang namiss lang kita."
"Buset!"
"Sorry naman! Ayaw mo kaya ako lingunin!"
"Ang kulit mo kasi e."
Tinawanan ka lang niya at naupo sa gilid mo. Kinuha niya ang santol sa tiyan mo at hinagis hagis ito sa ere. Inabot mo sa kanya ang pocket knife mo at saka niya hiniwa ang santol. Masaya kayong kumain ng santol maghapon. Naubos nyo na lahat ng pinitas mo kaninang tanghali.
Tumayo ka na sa duyan at tinapon lahat ng kalat galing sa santol. Kinuha mo ang susi ng motor mo at akmang aalis nung naalala mo si Taehyung.
"Sama kaba? Tara."
"Syempre papaiwan ba ko."
Pinaandar mo ang motor mo at pinaharurot ito ng napakabilis. Napapayakap si Taehyung sa bewang mo sa bilis.
"Y/N! KAILANGAN BA TALAGA GANITO KABILIS?! BABAE KABA?! AHHHHHH!!"
"Chill ka lang TaeTae. Kaya mo yan."
"AHHHHHH!! MALAPIT NABA TAYO?! AYOKO NAAAA!!"
Nang makarating na kayo sa Vape Shop ay nabigla si Taehyung. Tinignan ka niya bago kayo pumasok saka ka hinawakan sa balikat.
"Nagva-vape ka pala?"
"Oo. Pero hindi madalas."
Tumango si Taehyung at sumunod sayo. Pagpasok nyo sa loob ay nandon ang mga katropa mong lalake at nakipagapir ka sa mga toh. Amoy na amoy sa loob ang flavor ng juice. Nagiba ang itsura ni Taehyung ng makita kang lumapit sa mga lalake.
"Yow! May bagong labas bang juice para saken jan?"
"Yes naman Y/N! Only for you."
Nakita ni Taehyung na hinawakan ng isang lalaki ang balikat mo kaya tinabig niya agad yun at hinila ka palapit sa dibdib niya.
"Hey! Don't touch her."
Nagulat ang lalaki at lumayo agad. Humarap ka kay Taehyung ng makita kung gano siya kaseryoso.
"Chill Taehyung. Si Jimin yun. Kaibigan ko yun."
"Bayaran mo na yan. Let's go."
Nauna ng lumabas si Taehyung habang hinihintay ka sa labas. Nilapitan mo agad siya at kinausap.
"Galit kaba?"
"Hinde. Nagaalala lang ako pano kung hindi moko kasama? Ano nalang gagawin sayo ng mga yon? Nagiisa ka lang babae ron. Kung wala ako pano na? Lalaki din ako at alam ko ang binabalak ng mga lalake."
"Sorry Tae:( Di na mauulit."
Niyakap ka niya at nginitian. Siya naman ang nagmaneho ng motor pauwi dahil napaka-kaskasera mo.
-
-misslumberbunny💜
BINABASA MO ANG
BANGTAN ONE SHOTS AND IMAGINES
RandomTHIS IS A TAGALOG SCENARIOS! PASENSYA NA PO KUNG MINSAN CORNY YUNG TAKBO NG STORYA NAGSISIMULA PALANG PO AKO! ENJOY PO! :)