Yoongi

130 4 0
                                    

-
Nakaupo ka sa sahig sa harap ng iyong cabinet. Hawak hawak mo ang isang maliit na purple na manika. Isa itong rabbit na may cute na cute na mata. Tinititigan mo ito at binuklat ang heart na nakatiklop.

"To: Suga, From: Y/N."

Sinarado mo ulit ang papel na nakabuka at tinitigang mabuti ang hawak mong maliit na manika. Niyakap mo yun at binalik sa damitan mo. Tumayo ka na at humiga sa matalbog mong higaan saka tumingin sa kisame. Naalala mo ang taong pagbibigyan mo nito. Iniisip mo kung magugustuhan niya ba ito o hinde. Halos 3 taon mo ng tinatago ang manikang yon at nararamdaman mo para sa kanya.

Natatakot kang masaktan at mareject kaya hindi ka umaamin kahit na minsan ay nahahalata ka. Hindi ka kinakausap ng lalaking gusto mo na si Suga. Kinakausap ka lang niya kapag sobrang halaga ng itatanong niya o group activity. Nalulungkot ka man pero wala kang lakas ng loob para magsimula ng usapan at lumapit sa kanya. Kaya pati ikaw ay parang umiiwas sa kanya kahit na magkaklase lang kayo at nasa iisang section lang naman.

Tatlong taon ka ng tagong tago sa lahat. Hindi ka umaamin kahit na kinukulit kang umamin ng mga kaklase nyo sa kanya. Natatakot ka nga kase. Hindi naman kase katulad ng ibang lalake jan si Suga at hindi ka rin katulad ng ibang babae jan. Marami kayong pagkakapareho sa lahat ng bagay. Kung minsan naman pagkakapareho sa pananalita.

Tulad ng expression sa mukha. Wala kayo nun. Wala kayong pake sa mundo at paligid nyo. Malinis sa gamit. Tahimik. Laging tulala at nakatingin lang sa kawalan. Ang totoo nga niyan maraming nagshiship sa inyo sa loob ng inyong classroom pero kayo lang ay walang pakielam sa mga ito.

Magkatabi kayo ng upuan at magkadikit ang table nyo. Mukhang pinagsasadya yata talaga ng tadhana ang lahat.

Hanggang sa dumating ang araw ng Birthday ni Suga.

Kinantahan na siya ng lahat at binati narin ng lahat. Tanging ikaw nalang ang hindi bumabati sa kanya dahil nahihiya kang lapitan siya at batiin. Wala siya sa upuan nya at nakatambay sa gawi ng mga katropa niya. Kaya sinilip mo agad ang bag mo at bumilis ang tibok ng puso mo ng makita ulit ang purple na bunny na matagal na panahon mo ng pinaplanong ibigay sa kanya. Naka lagay ito sa isang cute na color black na paper bag at may kasamang bucket hat sa loob na kulay black den. Huminga ka ng malalim at sinara ulit ang bag mo.

Tinignan mo ang orasan sa kamay mo at huminga ng mas malalim.

"Konting oras nalang. Pagkakataon ko na toh."

Nagring ang bell na hudyat na labasan na. Naiwan kayong apat na studyante para maglinis. Kasama sa inyong apat si Suga na cleaners den. Sinarado niya ang mga bintana kaya habang sinasarado niya ito at nilagay mo sa ibabaw ng bag nya ang paper bag na regalo mo saka ka nagmadaling lumabas.

"Una nako."

-

Sobrang bilis ng tibok ng puso mo sa ginawa mo at para kang aatakihin sa puso sa sobrang kaba. Nanginginig ka habang naglalakad palayo sa room at napatigil ka ng may marinig kang sigaw.

"Y/N!"

Nanigas ka sa kinatatayuan mo at hinintay mo siyang makalapit sayo saka ka humarap.

"Ano toh? Manika? At—uy! Salamat!"

Nginitian ka niya ng matamis kaya namula ka. Di ka na nagaksaya ng panahon at hinawakan mo ang braso niya.

"S-Suga?"

"Y/N."

"Gustokita!"

"H-ha?"

Nasaktan ka sa sagot niya kaya napaiyak ka nalang at saka inulit ang sinabi mo.

"S-sabi ko g-gusto kita."

Tinitigan ka niya ng ilang segundo at mas lalong lumapit sayo. Kinapa niya ang balikat mo at pinunasan ang luha mo. Nginitian ka niya at niyakap.

"Kelan pa?"

"T-tatlong taon n-na ang n-nakakalipas."

"Tagal na pala."

Nakatulala ka nalang at niyakap narin siya.

"Gusto rin kita Y/N."

"H-ha?"

"Gusto rin kita Kim Y/N."

"T-totoo ba toh?!"

"Oo naman. At ito ang pinaka dabest gift na natanggap ko sa birthday ko."

-misslumberbunny💜

BANGTAN ONE SHOTS AND IMAGINESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon