-
Nagising ka at napasigaw dahil nanaginip ka ng nakakatakot at kukunin ka nito. Mas lalo kang natakot dahil umuulan non. Madilim sa kwarto mo at malakas ang kulog. Umuukit ang kidlat sa kalangitan. Malakas ang hangin sa labas dahil may bagyo. Natatakot ka at naiiyak dahil gusto mo man puntahan ang boyfriend mong si Hope ay hindi mo magawa dahil natatakot kang lumabas dahil sa panaginip mo.Nagtalukbong ka nalang ng kumot at pumikit ng madiin. Tumulo ang luha mo ng biglang kumulog ng malakas. Naisigaw mo ang pangalan ng boyfriend mo at iyak ka ng iyak.
Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto mo at niluwal ang pinaka gwapong nilalang ng buhay mo. Ang boyfriend mong si Hope.
Niyakap ka niya agad ng mahanap ka na nasa ilalim ng kumot. Tinabihan ka niya at niyakap. Niyakap mo rin siya ng mahigpit dahil buti nalang dumating siya agad para sayo.
"Y/N Love stop crying. Nandito nako hindi kita iiwan. I Love You hmm?"
"Love natatakot ako s-sa k-kulog at k-kidlat.."
"Oo alam ko. Sorry hindi ako nakapunta agad napasarap tulog ko e. Sorry."
"Nanaginip ako Hopiee. K-kunin daw niya a-ako s-sayo. AYOKO!"
Hinawakan mo ng mahigpit ang damit niya at niyakap ka pa niya lalo at pinakalma ka niya sa mga halik niya sa noo mo.
"Hindi ka nila makukuha saken Y/N Love. Hindi ako papayag. Tingin mo papayag ako?"
"Not. Ayooko m-malayo s-sayo Love."
"Shh. It's just a dream Love. Matulog kana ulit nandito lang ako sa tabi mo."
Kinantahan ka niya gamit ang mababaw at malamig ngunit matamis niyang boses hanggang sa makatulog ka. Nung nakatulog kana ay tinitigan niya sandali ang maamo mong mukha at hinalikan ka sa labi.
"Mahal na mahal kita Choi Y/N."
-
-misslumberbunny💜
BINABASA MO ANG
BANGTAN ONE SHOTS AND IMAGINES
RandomTHIS IS A TAGALOG SCENARIOS! PASENSYA NA PO KUNG MINSAN CORNY YUNG TAKBO NG STORYA NAGSISIMULA PALANG PO AKO! ENJOY PO! :)