J-Hope

115 7 0
                                    

Nakasandal ka sa bench na inuupuan mo kasama ang buo mong dabarkads. Halos hindi na nga kayo magkasya e yung iba sa damuhan na nakaupo. Ikaw naman ay nasa gitna at enjoy na enjoy sa pagkakatitig mo sa iyong mahal na crush na si Jung Hoseok.

Nagsasampalan na ng sapatos ang mga katabi mo pero ang paningin mo ay nakafocus lamang sa isang araw na tinubuan ng mukha. Pero sabi mo nga, 'mahaba man ang baba, mahaba ren ang ano—pasensya.' In other words marunong maghintay. Buong highschool years mo crush mona si J-Hope at alam yun lahat ng dabarkads mo. Last year mo na ito ng pagiging highschool pero duwagers ka parin at hindi umaamin sa kanya.

'Ano nga bang pwede kong gawin para makaamin?'

Nakangiti kapa na parang baliw habang pinanonood sa malayo si J-Hope na nagpa-practice ng sayaw kasama ang barkada nito. Tuwang tuwa ka dahil minsan lang mangyaring wala kayong klase at napapanood mo sya ng ganito at walang sagabal. Talaga nga namang pinapanigan ka ng tadhana dahil walang dumadaan na kahit anong nilalang para maharangan ka.

Naantala naman ang pagpapantasya mo ng may biglang tumama sa ulo mong plastic cup. Tinignan mo kung saan nanggaling yun at nakita mong nakaismid sayo ang bestfriend mong si Jill. Lagi nalang syang ganito sayo sa tuwing makikita ka nyang nagpapantasya kay J-Hope. Lagi ka nalang nyang kinokontra at inaalisan ng pag-asa. Pero dahil hindi ka naman marunong makinig ay hinahayaan mo nalang sya at nasanay narin sa palagi nyang pagbabawal. Naisip mo pa ngang binibiro ka lang nya e.

Pero isang araw, nung nakita mong magisa si J-Hope sa garden ng school ay binalak mong umamin sa kanya. Nakangiti mong yakap ang paborito nyang burgers at sprite. Nagpunta ka saglit sa malapit na banyo para tignan ang sarili mo sa salamin. Huminga ka ng malalim at kunwaring nagpractice pa kuno.

"Hello Hope! Crush kita! Eh! Wag panget! Ahmm.. Hi Hope? Okay lang ba kung maging crush kita? Ewww!! Panget rinn! Hoi babalu. Crush kita. Yuck!! Basta! Kung ano nalang masabe ko yun nayun! Lets go beybe!"

Inayos mo ng bahagya ang bangs mo saka nakangiting lumabas ng banyo. Kinakabahan ka man ay nakangiti ka paren kasi sa wakas! Makakaamin kana ren. Amen.

Pagkabalik mo sa garden ay hindi na magisa si J-Hope at may nakayakap narin sa kanyang babae. Namumula si J-Hope at halatang nahihiya. Kumalas naman sa pagkakayakap ang babae at ikinagulat mo ng makita kung sino yun. Walang iba kundi ang bestfriend mong laging sumisira sa pantasya mo, si Jill.

May gusto ren pala sya kay J-Hope e, dapat sinabi nalang nya hindi yung kunware pa syang galit:(

Napayuko ka nalang at bagsak balikat na naglakad papunta sa bench na palagi mong pinagpapanooran kay Hope my loves mo. Binaba mo ang bag mo pati ang mga dala mo para kay J-Hope.

"Ang sakit naman nunn Lord, kala ko para sakin napo e. Kayu po talaga may plano po ba kayong mas maganda para sakin?" Nakatingala mong sabi.

Nagpakawala ka ng malalim na paghinga. Masakit man ay kailangan mong tanggapin para sa ikasasaya ng iyong loves at bestfriend. Dapat ay maging masaya rin para sa kanila, diba? Binuksan mo nalang ang burgers na dala mo saka kinain. Nakatulala ka naman sa basketball court at nanonood ng mga naglalaro.

'Si Taeyang na nga lang crush ko, aamin palang ako kay J-Hope busted nak—'

"Uy! Burger ba yan?"

Halos mapatalon ka naman dahil may biglang nagsalita sa likod mo. Nabilaukan ka naman dahil nalunok mo bigla ng buo ang malaking parte ng tinapay kaya binuksan mo ang sprite na dala mo pa.

"OY! Sprite ba yan??"

Umupo ito sa tabi mo at kinuha ang kinakain mong burger. Gusto mong ngumiti pero naalala mo nga pala yung kanina. Baka makita pa kami ni Jill baka isipin mangaagaw ako.

"O-oy J-Hope, bat ka andito?"

"Naradar ng baba ko sa malayo yung mga pagkain mo, paborito ko kasi lahat. Para sa kin bato?"

Nanlaki naman ang mata mo sa sinabi nya at hindi agad nakapagsalita. Oo para sayo yan! Kaso busted naman nako noh! Kaya akin nato!

"A-ahh kasi. H-hindi! Nagkataon l-lang. S-sige sayo nalang. P-pakabusog ka. G-geh una nak—"

Tatakbo kana sana paalis nung bigla ka nyang hinila sa braso saka pinaupo ulet. 'ENEBE HOPEE! WEG GENYEN BEH! KENEKELEG EKE EHH! CRUSH NEMEN! SHH!' 0.0 hinawakan nya kooo! ShhhhhhhHhhHhH! No fun!

"Nakita kita kanina."

Kinabahan ka naman dahil baka tinutukoy nya ay nung aamin kana. Haluh gurl! Paktay ka!

"W-wala yun, hinahanap ko lang kasi si J-Jill."

Parang hindi naman sya naniniwala sa sinabi mo kaya parang sumimangot syang tumingin sayo. Kung alam mo lang Hope kung gano kita gusto kurutin sa pisngi! Wag ka nge gemenyen! Kekeleg eke! Cute!!!

"O-oo na. Ako nga yon. A-ano naman sayo?"

"C-crush ren kasi kita. Y/N."

Namula naman buo mong katawan dahil sa narinig mo. Hindi ka nakagalaw at para kang statwa na nakatingin kay J-Hope. Parehas kayong namumula. CRUSH DEN NYA KOO!! OMG! THANK YOU PO TALAGA LORD! I LOVE YOU LORDD!! SARANGHAEYO! MWA MWA TSUP TSUP!

Habang pinoprocess mopa ay nakatingin naman sayo si J-Hope at iniintay ang sagot mo, pero dahil naisip nya na baka nakita mo ren si Jill ay nagpaliwanag na sya.

"Kung kanina nakita mong nakayakap si Jill sakin ay wala lang yun, umamin ren sya sakin pero hindi ko sya gusto. Ayoko sa selfish na babaeng katulad nya. Sinabi kona rin sa kanya na may iba akong nagugustuhan at sinabi kong ikaw yun."

Hala! Pano kung magalit sya sakin?! Baka awayin ako ni Jill!!! Lagotsss!

"No worries y/n tinanggap na nya at sabi nya ay matagal mo narin akong gusto. Nagsorry ren sya dahil pinipigilan ka nya. Siguro nakatulong yung pagreject ko sa pagiging selfish nya. Kaya wag ka ng pipi dyan dahil mauubos kona tong pagkain na dala mo para 'sakin'."

Namula ka naman at napatingin kay J-Hope. So alam na nya lahat? Ito na ata ang pinakamasayang araw ng buhay mo dahil bukod sa crush karin nya ay sabay nyo ring kakainin ang burgers na dala mo.

Niyakap mo si J-Hope sa sobrang saya mo kaya napangiti ito ng malaki at niyakap ka rin. He pat your hair and kiss your forehead. Kinurot mo naman ang pisngi nya na matagal mo ng pangarap gawin at saka kayo nagtawanan. Buong hapon nayon ay tumambay kayo sa field at nagkwentuhan habang kumakain ng burger at umiinom ng sprite!❤️

-misslumberbunny/ takata2001

BANGTAN ONE SHOTS AND IMAGINESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon