-
Nakatanaw ka sa puting kisame na agad mong nakita pagkamulat ng mga mata mo. Malamig ang singaw ng kwarto at matamlay ang pakiramdam mo. Tumingin ka sa tabi mo at nakita mo dun ang boyfriend mong si Namjoon. Mula ng maospital ka ay hindi ka niya iniwanan. Siya lagi ang nasa tabi mo bawat operasyon na ginagawa sayo. Siya ang nagaalaga sayo. Proud na proud ka sa kanya dahil kahit na nagkaganto ka ay hindi ka niya pinabayaan.Tinitigan mo ang mukha niyang tulog at mukhang pagod.
"Konti nalang makakapagpahinga kana Jonnie."
Nginitian mo siya ng matamis at hinawakan ang malambot niyang pisngi. Nagising ito agad at nagulat ng makitang gising ka.
"Y/N! Kamusta pakiramdam mo? Nagugutom kaba? Naiihi?"
"Okay lang ako Jooniee, hahaha!"
"Pero mas okay ako kase nandito ka paren at okay ka!"
"I love you Mr. Kim."
"I love you Ms. Choi."
Nginitian mo siya at niyakap. Hindi mo masabing meron ka nalang natitirang dalawang araw para mabuhay sa mundong ito at para makasama siya. Kaya simula ngayong hapon ay ineenjoy mo bawat moment na kasama siya. Maya't maya mong pinapaalala kung gaano mo siya kamahal. Binibigay mo ang best mo para mapangiti siya at sa huling pagkakataon ay mawala ang pagaalala niya.
-
Isang araw nalang ang natitira at tatlong oras nalang bago matapos ang lahat ng ito. Nagpasama ka kay Joonie sa rooftop at ng makarating kayo doon ay nginitian mo siya ng napakatamis habang nakatanaw kayo sa magandang ilaw ng siyudad. Lumuhod siya sa tapat ng wheelchair mo na sa harap mo mismo. Niyakap mo siya at pinaalala lahat ng mga masasayang memory nyo na magkasama at makikita mo na sobrang saya niya dahil mayat maya ka niyang hinahalikan sa pisngi at hindi siya bumibitiw sa pagkakayakap sayo.Hanggang sa dumating na ang ilang minutong natitira.
"Joonie?"
"Yes baby? May masakit ba sayo?"
Hiniga mo ang ulo mo sa balikat niya at nagsalita.
"Tandaan mo palagi na mahal na mahal kita ha?"
"L-love? Mahal na mahal ren kita. Sobra pa sa salitang mahal na mahal na mahal."
"Joonie?"
"W-why love?"
"Inaantok ako."
Pinipikit pikit mo ang mata mo at nararamdaman mo ng bumabagal ang tibok ng puso mo. Kaya mas hinigpitan mo ang yakap sa kanya at tumulo ang mga luha mo sa huling pagkakataon.
"Y/N? Matulog ka lang ha? B-bababa na tayo.. L-love? Matutulog ka lang d-diba?"
"Mahal na mahal kita Joonie sweetie."
"Y/N NOOOO! No! Ayoko! Mahal na mahal kita! Wag please? Please?"
Nginitian mo siya at tuluyan ng pinikit ang mga mata mo hudyat na tapos na ang lahat.
-
-misslumberbunny💜
BINABASA MO ANG
BANGTAN ONE SHOTS AND IMAGINES
CasualeTHIS IS A TAGALOG SCENARIOS! PASENSYA NA PO KUNG MINSAN CORNY YUNG TAKBO NG STORYA NAGSISIMULA PALANG PO AKO! ENJOY PO! :)