-
Matagal na kayong hiwalay ng ex mo na si Taehyung dahil kinailangan niya mag-aral sa ibang bansa. 5 taon na mula nung umalis siya nasa France kana ren ngayon tulad niya. May magandang trabaho at nakaangat na sa buhay. Hanggang ngayon siya paren ang laman ng puso mo. Naintindihan mo kung bakit niya kinailangan gawin yun dahil para rin sa kanya yun.Hindi mo paren binubuksan ang puso mo para magmahal ulit dahil siya paren ang mahal mo. Siya ang first love mo. Nagkataon na nagkagusto ka sa kanya habang siya ay may gusto ren sayo kaya niligawan ka niya ng 2 taon. Nag tiyaga siya hanggang makuha niya ang matamis mong oo. 4 years ang tinagal ng relasyon nyo pero yun nga nangyare ang paghihiwalay nyo pero naintindihan mo naman kung bakit.
Kaya heto ka ngayon nagsikap rin at nagaral mabuti para masundan siya sa dito. Matagal kana rito sa France. Hinahanap mo siya para makausap mona siya kase sabe niya non bago siya umalis na babalikan ka niya. Pinangako niya yun sayo. Kaya hanggang ngayon ay hindi nawala ang tiwala mo at umaasa kapa ren sa pangako niya.
-
Nasa loob ka ng condo mo ng makaramdam ka ng kakaibang gutom. Kaya nagpunta ka sa pinaka malapit na steak restaurant malapit sa condo mo. Nagsuot ka ng mahigpit na pantalon, puting tshirt, at leather jacket. Nagsuot ka ren ng mababaw na heels na kulay itim. Nakasalamin ka na parang artistang naglalakad sa kalye ng France.Habang naglalakad ka ay nagtitinginan ang mga tao. Namalikmata ka sa nakita mo at napahinto.
"T-Taehyung?"
Nakakita ka ng lalaking nakabusiness suit na kulay itim at may bitbit na briefcase. Sinampal mo ang sarili mo sa pagaaklang naduduling ka lang. Nabigla ka ng papunta siya sa pupuntahan mong restaurant. Umorder ka ng usual menu mo at umupo sa isang lamesa ron. Ang lamesang inupuan mo ay para lang sa dalawang tao. Sa bandang kaliwa ka umupo para makita ang lalaking iniisip mong si Taehyung. Nakasuot paren ang salamin mo at ng dumating na ang order mo ay nagpasalamat ka sa waiter at humingi ng isang baso ng tubig.
Pagkasubo mo ng maliit na piraso ng steak ay nabilaukan ka agad at napaubo sa narinig mong boses. Nagsalita ang lalaking iniisip mong si Taehyung at inalis ang tuxedo nito. Dun mo tinaas ang salamin mo at tinitigang mabuti ang lalake at hindi ka nga nagkamali.
'Taehyung! Atlast. Nahanap ren kita! I missed you so much! Matutupad na yung pangako mo!'
-
Natapos kang kumaen pero mas nauna si Taehyung kaya sinundan mo siya. Nagtago ka sa maraming tao at cool na cool na naglakad kunwari sa gitna nila. Nakita mong nagpaalam na si Taehyung sa mga kameet nito at pumunta sa ibang gawi ng daan. Nagtaka ka at inintay ito bumalik.Pagbalik nito ay may nakayakap sa kanyang babae na parang ahas kung makayakap kaya nung makita mo yun ay para kang nalungkot. At ang sumunod na nangyare ay hinalikan siya ni Taehyung sa noo ay nginitian ng napakatamis.
At don nabasag ang puso mo sa tagpong iyon. Wasak na wasak ang puso mo sa nakita mo. Agad kang tumakbo papasok ng building mo at agad na sumakay ng elevator papunta sa condo mo.
Pabagsak mong hiniga ang sarili mo sa malambot na sofa at umiyak ng umiyak. At ang mabangis pa sa nakita mo ay buntis ang babae na halatang halata naman na si Taehyung ang ama. Lalong naligo sa luha mo ang buong pagmumukha mo. Para kang hindi kumaen ng isang linggo at nakaramdam ka ng sobrang panlalata.
"Pano ko nakayanan ang limang taon na paghihintay? May pamilya na pala siya rito.."
Naputol ang pagiyak mo ng may kumatok aa pintuan mo. Nagsalamin ka agad at binuksan ng bahagya ang pintuan. Nagulat ka at may halong inis ng makita mo si Taehyung sa harap mo.
Niyakap ka niya agad at parang ayaw kana niyang bitawan makikita mong sobrang saya niya. Pero humiwalay ka sa pagkakayapos niya sayo at tinignan siya ng diretso sa mata.
"Oh Y/N why? May nagawa bako? Namiss ko lang naman bebi ko:("
"B-bakit kapa nandito? B-baka makita ka ng a-asawa mo.."
"HUH??? Asawa?! Me? What are you talking about Bebi? HAHAHAHHAHAHAHA!"
"H-huh? Anong what ka jan?!"
"Kambal ko yun! Si Taewoo. Sorry hindi ko nabanggit."
Napapahiya kang pinapasok siya at ang mga dala niyang maleta. Agad mong sinara ang pintuan at umiyak sa balikat niya. Niyakap ka kiya ng mahigpit at hindi na binitawan pa.
"Y/N kung alam mo lang kung gano kita namiss. Nanggigigil ako sayo gusto kitang kagatin! Arghhhh!"
"Miss na rin kita TaeTae! Hinanap kita rito ng dalawang taon.. Akala ko hindi na kita mahahanap pero nandito ka. Teka pano moko na—"
"Sinabe saken ni Jin hyung kung nasan ka. Yung kaninang nakita mo kakambal ko yun Bebi. Wag kang magalala ikaw lang ang mahal ko. Hmmm?:)"
"Sorry akala ko ikaw yun gustong gusto na kita dagukan nun e. Sabi mo kase babalikan moko e tapos makikita ko may buntis ka ng kasama?!"
"Pinangakuan kita hindi ba? Na babalik ako? Eto nako. Magsasama na tayo. Bubuo na tayo ng sarili nating pamilya. Kaya Y/N—"
Lumuhod siya sa harap mo at hinawakan ang kamay mo bago may kinuha sa bulsa niyang maliit na pulang kahon.
Nabigla ka sa nakita mo at hindi napigilang maiyak sa mga nangyayareng ito.
"Ms. Choi Y/N soon to be Mrs. Kim Y/N. Will you be with me forever? At maging ina ng mga anak ko?"
Walang pagaalinlangan kang sumagot.
"YES!"
-
-misslumberbunny💜
![](https://img.wattpad.com/cover/187330013-288-k549187.jpg)
BINABASA MO ANG
BANGTAN ONE SHOTS AND IMAGINES
RandomTHIS IS A TAGALOG SCENARIOS! PASENSYA NA PO KUNG MINSAN CORNY YUNG TAKBO NG STORYA NAGSISIMULA PALANG PO AKO! ENJOY PO! :)