-
Kasalukuyan kang nagtatrabaho sa isang mental hospital at may isang pasyenteng naka-assign sayo para tulungan mo. Ikaw ang pinaka magaling na doktor sa ospital na iyon kaya sayo ibibigay ang responsibilidad nayon.Kinilala ang pasyente na si Jeon Jungkook. Nanggaling siya sa sikat na grupong BTS. Ayon sa nakalagay na dahilan ng pagkarating niya rito ay nasira ang ulo nito kakatambling ng una ulo. Puro una ulo una ulo. Kaya bigla na lang daw ito nagsisigaw sa kwarto nito at nang puntahan ng ibang mga kagrupo ay bigla itong tumawa naman at nakipagsampalan sa pader.
Buti na lamang at tapos na nila ang last tour nila at maaasikaso nila ng mas mabuti ang kalagayan ni Jungkook kaya walang pagaalinlangan nilang pinasok ito sa Mental. Pribado ang lahat ng ito at tanging ikaw lang ang nakakaalam. Ipinagkatiwala nila sayo si Jungkook kaya napakalaking responsibilidad nito para sayo.
-
Dalawang buwan na rito si Jungkook at ikaw lang ang nagaalaga sa kanya. Ikaw ang nagbibihis at nagpapakain.(swerte mo diba hihe;)) Sinasabayan mo itong kumain at lagi mong pinaaalala ang mga masasayang pangyayari bago siya magtambling una ulo.
"Kook?"
Tinignan ka lang nito ng malamig na ekspresyon. Napalunok ka kase napakagwapo niya pala sa malapitan. Lagi kasi itong nakatalikod at nakayuko kapag magisa sa kwarto. Hindi mo rin ito ganong nilalapitan kapag magkasama kayo. Ngayon ka lang nagpakilala at bigla siyang tumawa ng parang tanga.
"I'm Doctor Choi Y/N. Nandito ako para tulungan ka."
"HAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHA!!"
"Naaalala mo ba lahat bago ka mabaldog?"
Umiling ito at tuloy paren ang pagtawa. Nagmumukha ka na ren tuloy tanga. Kaya kinuha mo na ang gamot na tinuturok rito para bumalik sa dati dahil na hahyper na naman ito.
Kinuha mo ang injection at bigla itong tinurok sa braso niya. Biglang bumagsak si Jungkook pahiga at nakatulog. Hinawi mo ang mga maliliit na buhok sa mukha niya at kinumutan siya.
"Konti nalang babalik ka rin sa dati. Sleepwell Jungkook."
*2 months later*
Nakapila ka sa kuhanan ng ticket at naghihintay ang pagkakataon mo. Nang macheck na ang ticket mo ay pumasok kana. VIP TICKET ang kinuha mo dahil ngayon lang ito at malaki naman ang kinikita mo madalin palitan. Kinuha mo sa bulsa mo ang cap mo at sinuot ito habang papasok ka ng arena. Pumunta ka sa pinaka harap ng stage at huminga ng malalim.
Humanga ka sa mga nakita mong kumikinang na mga lightstick na sumasayaw sayaw. Kumakanta ang mga tao at humihiyaw.
Maya maya lang ay nagsimula na ang palabas at biglang dumilim ang buong arena kaya naghiyawan ang mga tao. Nakatingin ka sa stage at nilabas non ang pitong lalake sa nakaraan mo. Ang BTS. Nakangiti silang lahat at nagtatatalon.
Nagsimula silang kumanta at sumayaw. Hindi mo paren maiwasan humanga sa pagsayaw nilang lahat kahit na napapanood mona ito dati. Nang matapos silang magperform ay tabi tabi silang tumayo at nagmessage na para sa lahat ng fans nila na kung tawagin nila ay ARMY.
Habang nagmemessage sila ay nagawi ang tingin mo kay Jungkook na nasa harap mo mismo kaya lang ay hindi ka niya nakikita dahil naka cap ka. Naalala mo na naman ang mga kabaliwan niya sa mental pero ngayon okay na okay na siya at normal na ulit ang pamumuhay niya. Malaki ang pasasalamat sayo ng buong grupo dahil sa pagtitiyagang pinamalas mo para sa kanilang bunso.
Sayang nga lang at noong kasama mo pa si Jungkook ay hindi ka nakaamin dahil naisip mo na hindi ka naman niya magugustuhan dahil singer siya at sikat saka isa ka lang namang hamak na doktor na nagpapagaling ng tulad niya. Kaya hindi ka nalang umamin.
Pero ngayon nandito ka mismo sa harap niya at nakikita mo ang pagbabalik niya sa dating siya. Ang masiyahing si Jungkook. Hindi mo maiwasang maluha dahil sa naalala mo. Worth it lahat ng paghihirap mo dahil successful na ngayon ang isang siraulong singer na inalagaan mo noon.
-
-misslumberbunny💜
BINABASA MO ANG
BANGTAN ONE SHOTS AND IMAGINES
RandomTHIS IS A TAGALOG SCENARIOS! PASENSYA NA PO KUNG MINSAN CORNY YUNG TAKBO NG STORYA NAGSISIMULA PALANG PO AKO! ENJOY PO! :)