-
Kanina pa ring ng ring ang cellphone mo at tunog ng tunog dahil sa sunod sunod na tawag at text sayo ng boyfriend mong si Jimin. Kaya lang ay hindi ka makabangon dahil sobrang sama ng pakiramdam mo. Hindi mo maigalaw ang katawan mo at nakabalot ka lang sa kumot.Sa pagaalala ni Jimin sayo ay agad siyang pumunta sa bahay mo. At binuksan ang pintuan gamit ang duplicate key na nasa ilalim ng basahan. Hinanap ka niya sa banyo, sa kusina, sa studio mo, sa garden at guess room. Pero hindi ka sumasagot kaya dumiretso na siya agad sa kwarto mo. Nakita niya ang cellphone mo na malayo sayo at nakabalot ka ng kumot. Malamig sa kwarto mo dahil todo ang aircon kase kagabe init na init ka kaya tinodo mo.
Nilapitan ka agad niya at hinalikan sa noo ng makita ka. Pero napaso ang labi niya sa noo mo. Kaya kinapa niya ang leeg mo at braso. Nagulat siya kung gano na kainit kaya pinatay na niya agad ang aircon sa kwarto mo at kumuha ng tubig na may alcohol sa baba para ipunas sayo. Kasama naren ng bimpo na binanlawan sa malamig na tubig.
Binangon ka niya at pinunasan ang buo mong katawan at nilagay sa noo mo ang bimpong malamig. Ng medyo guminhawa ang pakiramdam mo ay dinala ni Jimin ang niluto niyang soup para sayo. Sinubuan ka niya hanggang maubos mo at pinainom ka niya ng gamot. Nagpasalamat ka agad sa boyfriend mong to the rescue palagi kapag kailangan mo ng tulong.
"Chim thank you sa pagaalaga saken:)"
"No problem my Princess;)"
-
-misslumberbunny💜
BINABASA MO ANG
BANGTAN ONE SHOTS AND IMAGINES
RandomTHIS IS A TAGALOG SCENARIOS! PASENSYA NA PO KUNG MINSAN CORNY YUNG TAKBO NG STORYA NAGSISIMULA PALANG PO AKO! ENJOY PO! :)