-
Madilim na at tanging ilaw nalang ng poste ang katabi mo. Malawak ang parke at nagiisa kang nakaupo sa mahabang upuan. Nakasuot ng hoodie na itim. Nakasandal at hindi gumagalaw. Nakatingin ka sa malayo at iniisip ang pamilya mo.Biglang pumasok ulit sa isip mo ang mga sinabi nila sayo. Kaya ka nandito.
"KAHIHIYAN KA RITO SA PAMILYANG ITO!"
"Bakit kaba namen naging anak?! Kelan pa kami nagkaanak ng ganyang tulad mo?!"
"KAHIT KELAN WALA KANG NAITULONG RITO!"
"PABIGAT KA NA NGA PALAMUNIN KAPA!"
"WALA KANG KWENTA Y/N!"
"WALANG SILBI!"
Habang nakatingin ka sa malayo ay tumutulo ang mga luha mo palabas sa magaganda mong mata. Matangkad kang babae ay maganda ang postura kaya kahit nakatalikod ka ay hindi maitatangging mapapalingon sila sayo.
Pinunasan mo ang luha mo at pinulot ang batong nasa tabi ng paa mo. Binato mo ito ng malayong malayo at saka ka sumigaw sa abot ng makakaya mo.
"AGHHHHHHHHHHHHHHH!"
Sumigaw ka ng napaka lakas kaya tumulo ng sunod sunod ang mga luha mo. Tumayo ka at saktong umulan ng umulan. Niyakap mo ang sarili mo at umiyak ng umiyak. Sinipa mo ng sinipa ang lahat ng batong malapit sayo habang humihiyaw ka ng napakalakas.
"AGHHHHHHHHH! AGHHHHH!! WHY ARE YOU DOING THIS TO ME?! BAKIT?!"
Lumakas lalo ang ulan at bumagsak ka ulit paupo sa upuan mo at umiyak pa ng umiyak. Yumuko ka at itinukod mo sa kamay mo ay ulo mo. Sumasabay sa patak ng ulan ang mga luha mo.
Pero may biglang nagtakip sayo ng payong. Napatingala ka at nakita mo si Jin. Ang kaibigan mong kahit kailan ay hindi mo pinagsabihan ng problema. Kinikimkim mo ang lahat kaya sumabog kana at hindi mona kinaya. Ito ang unang beses nakita ka niyang nagkaganito kaya nagalala siya sayo ng sobra.
Kahit basa ka ay niyakap ka niya ng mahigpit at hinagod ang likod mo bilang tanda na nandito lang siya sa tabi mo at hindi ka iiwan kahit anong mangyare. Sinuklian mo ng yakap ng yakap niya. Dinukdok mo ang mukha mo sa malapad niyang dibdib at don umiyak ng umiyak.
"Sige Y/N iiyak mo lang yan. Nandito lang ako sa tabi mo."
-
-misslumberbunny💜
BINABASA MO ANG
BANGTAN ONE SHOTS AND IMAGINES
RandomTHIS IS A TAGALOG SCENARIOS! PASENSYA NA PO KUNG MINSAN CORNY YUNG TAKBO NG STORYA NAGSISIMULA PALANG PO AKO! ENJOY PO! :)