-
Nakita mo sa malayo ang nobyo mong si Yoongi na naglalakad at may kasamang babae. Hindi ka nasaktan. Pero tumulo ang mga luha mo. Wala kang nararamdaman nung mga tagpong iyon. Nakatingin ka lang sa nobyo mong malumanay na naglalakad kahawak ang isang babaeng malayo sayo. Naglalakad sila na parang walang pinagtataguan at parang totoong magnobyo. Nakatingin ka lang sa kanila ng bahagya.Kinapa mo ang pisngi mo na basa ng luha at pinunasan ito. Naglakad kana ulit at hinayaan nalang ang nakita mo dahil wala ka na rin naman magagawa. Yoongi cheated. Hindi mo na mababago yun.
Habang naglalakad ka ay may biglang humarurot na kotse. Nabundol ka nito at tumilapon ka. Malakas ang pagkakabagsak mo pero parang wala lang sayo. Pinuntahan ka agad ng driver at tinanong kung ayos ka lang. Hingi ito ng hingi ng patawad.
Tinignan mo ang kamay mo at wala ka talagang maramdaman ang nasa isip mo parin ngayon ay ang boyfriend mong nanloko sayo. Naalarma ang driver ng makitang dumudugo ang braso mo at mukhang bali ito.
Marami ng taong nagtipon dito kaya umalis kana at ikaw nalang magisa ang pumunta ng ospital. Habang naglalakad ka ay nagtitinginan sayo ang mga nakakasalubong mo dahil tumutulo ang dugo galing sa kamay mo, pero si Yoongi parin ang iniisip mo.
"Bakit sa kabila ng lahat ay nagawa niya parin magloko?"
Tiningan mo ang kamay mo at nakita mong may bumagsak na tubig dito. Tumingala ka dahil akala mo ay umuulan pero luha mo pala iyon. Kinapa mo ulit ang pisngi mo at pinunasan ito. Wala ka talagang nararamdaman.
May nabunggo ka.
Kaya tumingala ka ulit para makita kung sino iyon. Si Yoongi. Kahawak parin ang babae.
"Y-Y/N? Anong nangyare sayo?! Sinong gumawa nito?!"
Lalapit siya sayo pero nung aabutin kana niya ay lumayo ka dahil nasa gilid niya ang babae niya at nakatingin sa kamay nilang dalawa na nahila nung maglalakad sana si Yoongi papunta sayo.
"May pake ka ba saken Yoongi?
Malamig na malamig ang boses mo at hindi na nakaimik si Yoongi sa sinabi mo dahil halos isang linggo na siyang hindi umuuwi sayo dahil lang may business trip daw siya or anything na related sa business yun pala sa bago niya lang siya bumibusiness. Nung nagkasakit ka hindi siya umuwi kahit na pinauuwi mo siya. Puro siya dahilan. Tapos makikita mo may kahawak?
"Y/N I have. S-sorry B-Babe."
"Wag mo akong tawaging Babe sa harap ng girlfriend mo."
Napatingin ang babae sayo at kay Yoongi. Ikaw na ang kusang umalis dahil malapit kana sa ospital pero ayaw parin tumigil ng pagpatak ng luha mo pero wala ka parin talagang nararamdaman sa lahat.
-
A/N
Inspired! May sakit ka jan na walang nararamdaman.-misslumberbunny💜
BINABASA MO ANG
BANGTAN ONE SHOTS AND IMAGINES
RandomTHIS IS A TAGALOG SCENARIOS! PASENSYA NA PO KUNG MINSAN CORNY YUNG TAKBO NG STORYA NAGSISIMULA PALANG PO AKO! ENJOY PO! :)