Jungkook pt.2

170 8 0
                                    

A/N
Part two po ito ng pagkasira ng ulo ni Kookie:)

-
Nang matapos ang concert ay nagpaalam na ng BTS at namatay na ang mga ilaw. Isa isa nang naglabasan ang mga tao at pinakahuli kang lumabas. Pero ng lalabas kana ay hinarang ka ng isang guard na parang agent. Isa siyang koreano at parang may kinakausap sa telepono kaya hinayaan mo na siya at sumandal lang sa malapit na pader. Tinignan mo ang cellphone mo at nakita mong 11:00 na ng gabi. Wala ka namang gagawin na. Wala kang trabaho ngayon at walang nakalistang operasyon para sayo kaya naghintay kana lang don. Biglang nagsalita ang guard.

"Madame, Please wait here. Someone needs to meet you."

"Sure."

Nilibot mo ang tingin mo sa buong arena ng biglang nabuksan ulit ang mga makukulay sa ilaw nito at umalis ang guard. Tumayo ka lang don ng tuwid at nagtaka kung bakit nagkaganon. Naglakad ka papunta sa malapit na upuan at umupo don. Dumukdok ka sandali dahil inaantok kana. Pero pagkaangat mo ng ulo mo ay may nakita kang parang tumakbo. Kumunot ang noo mo at agad itong sinundan.

Wala kang nakita kaya dumiretso kana ng labas dahil wala na halos tao don at tanging mga staff nalang ng BigHit entertainment ang nandon. Ng palabas kana ng main entrance ay may tumawag sayo.

"Dr. Choi!"

Nanigas ka sa kinatatayuan mo at dahan dahang lumingon. Nakita mong nakangiti ng todo at kumakaway sayo si Jungkook. Patakbo itong lumapit sayo at ngumiti ng labas ang lahat ng ipin.

"Dr. Choi? Kamusta na?"

Hindi ka nakapagsalita agad kaya kinawayan ka ni Jungkook ulit.

"Dr. Chooooooii.."

"Ah Mr. Jeon. Ayos lang. Ikaw? Okay naba pakiramdam mo?"

"Ayos na ayos na ang pakiramdam ko doc. Salamat sayo!"

"Ginawa ko lang ang tungkulin ko. Gabi na pauwi nako."

"Ah. Doc?"

"Bakit?"

"Yung sinabi mo nung nasa ospital pako—totoo bayun?"

"Alen?"

"Yung gust—"

"No."

"Ms. Choi. Siraulo ako pero hindi ako tanga."

"Hindi totoo yun Mr. Jeon."

"Hindi nagsisinungaling ang puso."

"Uuwi nako Mr. Jeon. Salamat."

Maglalakad kana sana palayo pero hinila ka niya pabalik at niyakap.

"Dr. Choi, matagal na rin kitang gusto pero pagkatapos kong gumaling ay bigla kang nawala at hindi na kita nahanap kahit kailan. Nararamdaman kong gusto mo rin ako nun pero pinili mong lumayo. Dahil ba sa pagitan natin? Dahil ba sikat ako? Dahil ba doktor ka lang?"

"Oo. Pinili kong hindi magsalita tungkol sa nararamdaman ko dahil ayokong makasira ito sa career mo. Ayokong maging dahilan ng problema mo."

"Kahit kelan Y/N hindi ka naging problema sakin. Ikaw ang tumulong at bumuo saken. Kung alam mo lang kung gano ako nagpapasalamat sa lahat. At ang makasama ka lang ay napakaganda ng regalo sa paggaling ko."

"Hindi pwede toh Kook."

"B-bakit hindi?"

"Hindi p-pwede. Basta."

"Y/N mahal kita! Walang makakapigil sakin. Kung gusto mong iwanan ko lahat toh makasama ka lang gagawin ko."

"Hindi Jungkook! Wag mong gawin yang sinasabi mo para lang sakin. Hindi ako para sayo. Sorry."

"Ano bang sinasabi mo Y/N? Ikaw lang ang para sakin! Mahal na mahal kita."

"Sorry Kook."

Hahabulin kapa sana niya pero tumakbo ka ng mabilis habang umiiyak kayo parehas ay biglang may humarurot na van papunta sayo kaya wala ka ng nagawa at nabundol ka nito. Napasigaw si Jungkook at tumakbo papunta sayo. Tumilapon ka sa sobrang lakas ng impact na nangyare.

"Y/N!"

Nang lapitan ka niya ay nakahiga ka at naliligo sa sarili mong dugo. Hindi mo maigalaw ang sarili mong katawan at lumuha nalang don. Umiiyak si Jungkook at niyakap ka.

"Ms. Choi! Wag kang bibitiw! Dadalhin kita sa ospital! Please wag mo kong iwan! Please please!"

"I Love You Mr. Jeon.."

-
A/N
Oops oops putol putol muna! May karugtong pa ito. Hmm? Ano kayang nangyare sa lovestory nyo ni Ilong Ranger? Alamin sa susunod;)

-misslumberbunny💜

BANGTAN ONE SHOTS AND IMAGINESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon