Chapter One

36.2K 562 20
                                    

Chapter One

"TODAY'S practice was hellish, dude, grabe! Kala ko mauunahan mo na ako."

Nagmamadaling sumilip si Inna sa ibaba ng kanilang grand foyer. Her Kuya Carlos was there at ang matalik na kaibigan nitong si Lucas Sebastian Andretti o mas kilala sa tawag na Ian. Biglaan na naman ang pagkabog ng puso niya, lingid sa kaalaman ni Ian ang lihim niyang pagkagusto dito. Tinatrato siya nitong parang nakababatang kapatid at kaibigan lang pero siya ay hindi mapatid ang kilig tuwing niyayakap siya nito.

"Mailalampaso na sana kita kahit sa practice lang, pambihira!" sagot ng kuya Carlos niyang pasalampak na naupo sa sofa.

"You wish, man!" napahalakhak na sagot ni Ian na umupo rin sa kaharap na sofa.

Nagmamadaling pumasok si Inna sa kwarto at tiningnan ang sarili sa salamin. Napakabata pa niya para magpa cute kay Ian. Halos sampung taon ang agwat ng edad nito sa kanya. Bago lang siya nag sixteen, ito naman ay nasa twenty six na ang edad. At hindi lingid sa kaalaman niya ang mga activities nito sa mga babae, kung sinong na li-link dito at ang former girlfriend nito. She knows everything that is related to him.

Bakit naman kasi napaka simple ng beauty niya?

Totoong may lahi silang spanish pero simple parin ang tingin niya sa sarili, ipinag iinit pa ng loob niya iyong maliliit na freckles sa mukha niya. Ayon naman sa Yaya niya ay nagpadagdag daw iyon sa ganda niya. Maganda raw siya kung mag-aayos siya, sabi nito. Pero nakahiligan na talaga niyang magsuot ng maluluwang na damit. She wasn't even fond of wearing skimpy clothes like some of her friends does.

Naglagay siya ng kaunting pulbo at lip gloss. Nang sa tingin niya ay okay naman ang ayos niya ay saka siya bumaba.

Naabutan niya ang dalawang pinanonood ang isang video na laro ng mga ito noong nakaraang Formula E Series sa Bahrain. Ang kuya Carlos niya at si Ian ay mga World Champion Racer. Maraming beses ng nanalo sa ibat-ibang Formula Series competition sa ibat ibang bansa si Ian kaya eligible na ito sa FIA Super License. The highest license any driver could ever have. Ian had numerous trophies and awards too. Makailang beses narin nitong naipanalo ang dinadalang automobile manufacturer na Vetton. Ang Kuya Carlos naman niya ay Toyota ang dinadala. Baguhan palang ang Kuya niya sa pangangarera kumpara kay Ian pero hindi malayong masungkit ng kuya niya ang super license dahil halos dalawang taon na itong nasa pang-apat na lead sa GP2 Series at ngayong season nalang ang hinihintay nito para makuha iyon. Kung nasa ganoong posisyon parin ito ay tiyak makukuha na nito ang lisensiya.

Syempre, fanatic siya sa kung anu-anong world automobile competition kayaga ng Formula One, IndyCar at NASCAR dahil sa Kuya niya. At syempre dahil sa dakilang crush niyang si Ian. Pati mga kaklase niya nga ay hindi siya tinatantanan at siya pa mismo ang kinukulit para mag pa autograph sa dalawa.

"Damn! I want the license so damn much, man! Patutumbahin ko talaga si Menandro 'pag nagkataon. This season, I'll be entitled for the super license."

"Just maintain your lead fourth or fifth at GP2. Just one more and you'll be eligible for the super license," sagot naman ni Ian. Hindi siya napansin ng mga ito.

"Yeah," pagsang ayon ng kuya niya habang nakapokus ang atensiyon sa pinapanood.

Tumikhim siya.

Sabay naman na napatingin ang dalawang lalaki. Nagtama ang mga mata nila ni Ian. Nakangiti naman siyang pinagmasdan nito. Tinging kapatid kumbaga.

"Hello there little sister, nandito ka pala.Wala kabang pasok?"

Exaggerated na pinaikot niya ang dalawang mata. "Kuya, Sabado ngayon!"

Lumapit siya at matunog na hinalikan ang Kuya Carlos niya sa pisngi. Dalawang araw itong wala at busy sa pagpapraktis sa isang circuit sa Pampanga.

Lucas Sebastian Andretti (Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon