CHAPTER 20
"THE patient is already conscious! Pwede na siyang ilipat sa isang pribadong kwarto," masayang balita ng isa sa mga doktor ni Inna.
"Thank you so much, doc. This is a very good news!" Narinig ni Ian na sabi ni tita Mariz na maluha-luha pa.
Medyo inaantok pa siya mula sa ilang gabing pagpupuyat sa ospital. Masaya siya sa ibinalita ng doktor nito. Hindi na siya makapag hintay na mayakap at makausap si Inna.
Naghintay sila ng ilang minuto para mailipat si Inna sa isang pribadong silid.
"INNA, anak, kamusta na ang pakiramdam mo?" Sinikap ni Inna na bumangon. Tinulungan naman siya ng mommy niya at inayos nito ang unan sa ulunan niya.
Wala siyang maalala. Bakit parang napakaraming tao sa kanyang silid? Nasapo niya ang ulo, medyo masakit pa iyon. " Anak huwag mong piliting bumangon, mahiga ka muna at hindi pa masyadong magaling ang sugat mo." Kanina ng magising siya ay naramdaman niyang may kung anong mga tubong nakakabit sa katawan niya ngayon ay wala na iyon maliban sa isang swero sa kanyang kamay.
Doon lang niya napagtantong nasa isang ospital siya. Maybenda ang kanyang ulo at medyo masakit ang ilang parte ng kanyang katawan.
"Ano bang nangyari ,Mom?"
Hindi agad nakasagot ang kanyang mommy. " Mom?"
"Binangga ka ng isang sasakyan, anak."
Hindi pa masyadong nagsink-in sa kanya ang sinabi ng mama niya. Ang huli niyang natatandaan ay nasa parking lot siya at pauwi sana sa bahay nila ng may paparating na sasakyan...
Hinaplos ng mommy niya ang kanyang mukha. " Huwag kang mag-alala anak dahil nahuli na iyong bumangga sayo. At maayos narin ang lagay mo ayon sa mga doktor kaya kung pwede ay huwag ka sana munang gagalaw at strictly bed rest ka pa."
Tumango siya. Lumapit naman ang kuya Carlos niya . Bahagya siyang niyakap at masuyong hinalikan siya sa noo. "Welcome back, princess, you almost gave everyone a heart attack!"
"Matagal ba akong nakatulog?"
Masuyong hinaplos ng kuya niya ang kanyang pisngi. " More than a week, princess."
Napaawang siya. " Ganun katagal?"
She had slept for too long? Siguro ay napakalala nga ng nangyari sa kanya. Biglang may kung sinong umentra sa isip niya. Naaalala pa niya ang lahat bago ang nangayari. Naroon parin ang kirot na iniwan ni Ian. Bakit ba hindi nalang rin nawala ang memorya niya kasabay ng nangyari sa kanya? Nasaan na kaya ang lalaking iyon ngayon?
Naglakabay ang mga mata niya sa kabuoan ng silid.
Paanong...? Nakaupo si Ian sa kanang bahagi ng kwarto. Hindi niya ito napansin kanina dahil nasa dulo ito naka upo. Sandaling nagtama ang kanilang mga mata pero siya mismo ang nagbaba ng tingin. Hindi niya masalubong ang mga titig nito.
Isa-isang maingat na niyakap siya ng ilan sa kaniyang malalapit na kaanak at mga kaibigan na naroon. Nagtaka pa siya at wala roon si Channing. Malamang ay may importante lang na inasikaso ang kaibigan niya.
"Inna, maiwan na muna namin kayo sandali." Anang mommy niyang napatingin sa gawi ni Ian.
Isa-isa ng naglabasan ang mga tao roon. Mukhang sinadya ng mga ito na sila nalang ang maiwan ni Ian. "Kailangan niyong mag-usap, anak,"makahulugang bulong ng kanyang mama.
Naguguluhan man ay tumango siya sa sinabi nito.
Napukol ang tingin niya kay Ian. Masuyo ang tinging ipinukol nito sa kanya. Dahan dahan itong naglakad hanggang sa tumigil ito sa gilid ng kanyang kama. Umahon ang galit sa kanyang dibdib ng maalala ang huli nilang pag-uusap.