CHAPTER 15
MAAGA pa ng gumising si Inna, tumama ang kakasikat lang na araw sa inuokupa niyang guest room. Nakita pa niyang may mga gamit pambabae roon. May pinatuloy na kayang babae ang kuya Carlos niya roon?
Kinilabutan pa siya ng puro iyon mga underwears at napaka seksing mga damit. Kahit kailan talaga ay walang sawa sa bisyo nito ang kuya niya. Sumasakit na nga ang ulo nila ng mommy niya at pinipilit na itong mag-asawa, pero mukha naman walang plano ang kuya niya.
Pinagmasdan niya ang mukha sa salamin. Tulad ng dati ay naroon parin ang kanyang mga freckles pero hindi na masyadong halata. Sa tingin niyay bumagay narin iyon sa kanyang mukha.
Nakangiting inabot niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang makulit niyang best friend.
"Chan, kamusta naman diyan sa Maynila? Kailan mo ba ako dadalawin dito sa Isla?"
Humagikhik ito. "Bakit na bo-board kana ba? Balita ko eh andiyan si Ian ngayon."
"Huh?"
"Sinabi sakin ng baby ko na kasalukuyang nagbabakasyon si Ian ngayon sa Isla. Hindi ba kayo nag kita?"
Humagikhik siya. " Alam ba ni Khain na baby mo siya?"
"Syempre! Kunti nalang at mapapasagot ko na siya. Pakipot kasi!"
Tuluyan na siyang napahalakhak. "Desperada ka girl!"
"Hay naku Inna, kung gusto mo ang isang tao ay sabihin mo na. Baka mamaya eh masulot ng iba , mawala pa. Mas mabuti nang ganito, at least kung ayaw talaga niya wala akong pagsisihang hindi ko binigay lahat ng the best.... Best effort and best love."
She wished she had her bestfriend's guts. "Mahal mo ba talaga si Khain?"
"Hindi pa ba obvious? Mamumulubi na nga ako sa lalaking iyon dahil lagi kong tinatqkasan ang mga photoshoots ko, makita lang siya. Lagi tuloy akong tinatalakan ng malditang si Tofy." Tukoy nito sa kaibigang bading na naging personal yaya narin ng kanyang kaibigan.
Sandali siyang natahimik.
"Uy, ikaw di mo pa sinasagot ang tanong ko. Nagkita na ba kayo ni Ian?"
"Uhmm..."
"Anong hmmm? Mag de-deny pa eh basa na kita!"
"Oo na!"
Nagtitili ito. " Oh my, so anong nangyari? Niyaya kabang mag date?"
"Hindi naman iyon date. Sabay kaming nag dinner, nagkamustahan lang."
"Eh bakit tumi-twinkle twinkle yang eyes mo? Aminin mo?"
Napabuntong hingina siya. " He has a wife."
"Ang pagkaka-alam ko ay divorce na siya." Narinig niyang napasigaw ito. " Ooppps sorry..."
"Anong sinabi mo?"
Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Channing sa kabilang linya. "Uhm.... narinig ko kasi si Ian at ang baby kong na nag-uusap, aksidenteng narinig ko lang na sinabi ni Khain na kaka divorce lang daw nila ni Elise. Huwag mong sasabihin kay Ian ha? Sabi kasi niya ay huwag ko daw ipagkalat. Ayaw ko namang hadlangan ang ambisyon mong masulot siya, kaya sasabihin ko na."
Hindi niya alam ang iisipin. Malaya na si Ian? Pero paano? Nakita niya ito kasama ang asawa noong opening ng ASC. Mukha namang maligaya ang dalawa. Imposibleng maghihiwalay agad ang mga ito sa ganoon kaiksing panahon. Medyo mahaba rin naman ang proseso ng diborsyo.