CHAPTER 6
England
HINDI makapaniwala si Ian, na short lang siya ng kalahating segundo kay Menandro, ang driver ng McLauren. Pumapangalawa siya at pangatlo naman si Evo. Malapit na siyang maungusan ni Menandro sa scoring habang pantay lang ang standing nila ni Evo. Pero hindi siya dapat mabahala dahil mayroon pa namang series ng karera sa susunod na dalawang buwan sa Japan, mas kabisado niya ang circuit doon kumpara sa dalawa, nasisiguro niya iyon. One more game and he will still be the champion this season.
Pagkatapos ng awarding ceremony ay hindi na siya nag-aksaya ng panahong makipag kwentuhan. Ang gusto niya ay ang magpahinga at matulog tapos ay ang umuwi ng Pilipinas.
Biglang sumagi sa isip niya ang mukha ni Inna. Ang mukha nito ng huli niya itong makitang tumutugtog sa itaas ng entablado, ang mga mata nitong buong pagmamahal at adorasyon siyang tinitigan.
Napakabata pa ni Inna, imposibleng tingnan siya nito ng ganoon, o imahinasyon niya lang iyon? Parang nakakatandang kapatid lang ang tingin nito sa kanya. Ang pagmamahal na iniuukol nito sa kanya ay pagtinging kapatid lang at iyon din siya. Pero bakit may parteng iyon ng kanyang isip na ayaw tanggapin?
Hindi niya maintindihan kung bakit namamasa ang mga mata niyang nakatunghay lang dito habang tumutugtog, na parabang ito lang ang babaeng nakikita niya roon. She looked almost enchanting like a nymph, very delicate and graceful with her dance. Naninikip ang kanyang dibdib na hindi na naman niya mainyindihan. Ano ba itong nangyayari sa kanya?
Ilang gabi na ba siyang parang gagong ipinipilit iyong paniwalaan?
Good thing tumunog ang telepono niya. That pulled him from his trance. Pero nang makita niya ang numero ng tumawag ay hindi naman niya iyon mapindot para sagutin.
Si Gustavo Andretti ang tumatawag! Halos dalawang taong mahigit na hindi sila nagkausap o nagkita man lang ng kanyang ama. Akala nga niya kinalimutan na siya nito.
Ang huli nilang pagkikita ay ng minsan siyang may event na dinaluhan sa Italya, sumaglit narin siya sa Milano, para kamustahin ito. They exchange a civil pleasantry at pagkatapos ay nagpa-alam narin siya. Ganoon lang ang kanilang relasyon, o relasyon ngabang matatawag?
Sandali niyang tinitigan ang tumutunog na telepono bago siya nagkalakas nang loob na sagutin iyon. Walang salitang lumabas sa kanyang bibig. Hindi niya alam, he was estranged to his own father and so was the latter.
Maya maya ay narinig niya ang tila paos at hirap nitong pagsasalita.
"Mio figlio..."
Wala paring niisang salitang lumabas sa kanyang bibig, hanggang sa nawala na ang tumawag sa kabilang linya.
Bakit mukhang hirap na hirap ang ama niyang bigkasin ang dalawang salitang iyon? He just called him his son.
Kay tagal niyang hinintay ang simpleng katagang iyon sa loob ng ilang taon. Hindi niya kailanman naalalang nagkausap sila nito na totoong mag-ama.
Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Wala siyang hinangad kundi ang maramdaman ang pagmamahal na matagal na niyang hinahanap. Siya lamang ba ang nag-aasam nun? Wala naman talaga ang lahat ng kanyang tagumpay kung wala iyon, dahil ang totoo, ipagpapalit niya lahat ng kung anumang tagumpay ang tinatamasa niya ngayon, maramdaman lang ang pagmamahal ng totoong pamilya; ng kanyang ama, ng kanyang ina.
Nanghihinang napaupo siya sa paanan ng kama ng kanyang hotel suit. He feel off when he heard his father's voice. May hindi siya magandang kutob. He contemplated for a while bago siya tumayo at kinuha ang susi ng kanyang sports car.