Chapter Eighteen

13.4K 379 21
                                    

CHAPTER 18

"SEBASTIAN, I think you really have a problem boy. Do you want to talk about it?" Tinabihan siya ni Elise sa inuupuang bench na malapit sa swimming pool.

Dinala niya si Elise at Nicholas sa mansiyon ng kanyang abuela. Sabik na sabik sa bata ang kanyang lola kaya doon niya napagpasyang patuluyin ang mga ito. Napagpasyahan narin nilang sabihin sa kanyang lola ang kasalukayang status ng kanilang pagsasama, pati narin ang totoong pagkatao ni Nicholas. Sobrang nagulat ang kanyang lola pero naunawaan rin naman nito ang kanilang rason.

Nilingon niya ito. "What makes you think that I have, Elise?"

"Well, I've known you for the past five years." Inabot nito ang kanyang mga balikat at pinisil. " Is that a woman, hmm Sebastian?"

Natawa siya saka biglang natahimik. "Why can't I see no other woman but her? I've been trying to forget her. God knows how hard I tried."

Ngayon ay inihilig nito ang ulo sa kanyang mga balikat. "I knew that you  love someone from the moment you agreed in becoming my husband, darling. That's why on the first year of our marraige I've let you sign an agreement of divorce."

Hindi siya nakasagot. Paano nito nalaman iyon? "I love you Sebastian. I have loved you the way a woman loves a man. But I know that I will not have your love. I don't know but I felt it from the start. I have seen from the way you look at me that there was a woman who owns your heart."

What she said made him more speechless.

"You've given me enough kindness darling. I would really want you to be happy."

Ganoon ba siya ka transparent at pati si Elise ay nabasa noon pa kung ano ang kanyang damdamin? How he admire this woman. If only he love her.

Hinalikan niya ang ulo nito. " Thank you for everything, Elise. I will never forget your kindness."


MAAGANG nagsadya si Ian sa tahanan ng taong pakay niya dala ang envelope na naglalaman ng ilang litratong ibinigay sa kanya ni Carlos. Huminga siya ng malalim, pinakalma ang sarili dahil baka kung hindi siya makapagpigil ay baka maka gawa siya ng masama rito.

Sinalubong naman kaagad siya ng gwuardiya sa gate. Hindi siya makapaniwalang napakayaman pala ng taong gusto niyang banggain noon.

"Sino po ang hinahanap niyo, Sir?"

"Si Nelson Arnado. Pakisabing hinahanap siya ni Sebastian Andretti."

Tumango ang gwuardiya at may kung sinong tinawagan sa guard house. Saka nito binuksan ang gate. Nagtuloy-tuloy siya sa malawak na garahian nito.

Agad  siyang sinalubong ng isang lalaking hula niya ay butler ng matapat na siya sa bukana ng pinto. "Sir maghintay lang po kayo sandali at may tinatapos pa si Sir Nelson."

"Paki sabing wala akong panahong maghintay kung anong importante man ang ginagawa niya dahil mas importante ang sadya ko."

Nagulat ang butler sa kanyang sinabi pero sumunod narin ito.

Pag pinaghintay siya nito ng matagal ay siya na mismong susugod kung saang kwarto man ito nagtatago sa bahay na iyon.

Mayamaya ay nakita niyang lumabas narin ito mula sa isang kwarto. Mukhang may ginagawa nga ito dahil puno ng pintura ang puting t-shirt nito.

"Lucas Sebastian Andretti? Napasyal ka?"

Nakuyom niya ang mga kamao. May gana pang makipagbatian ng tarantado.

Lucas Sebastian Andretti (Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon