CHAPTER 19
PINAKATITIGAN ni Inna ang sarili sa salamin. Magdamag siyang umiyak at sobrang mugto na ng mga mata niya at sobrang putla rin ng kanyang balat. Magdamag rin siyang tinalakan at kinulit ni Channing pero pinanatili niyang tikom ang bibig. May ilan lang siyang sinagot sa mga tanong nito.
Huli na iyong pag-iyak niya kagabi, pinangako niya sa sarili.
"Tandaan mo ito, Inna! Hindi mo pakakasalan ang lalaking iyon. Do you understand?"
Anong karapatan nitong sabihin iyon sa kanya? Pagkatapos nitong halikan si Vienna sa harap niya ay siya naman ang pagmumukhaing tanga nito? Na ang tingin nito sa mga babae ay para lang paninda na kung kailan gustong bilhin ay sa pagkakataon lang na iyon gagamitin? Kahit na mahal na mahal niya si Ian ay hindi pa naman siguro ganoon kalala ang katangahan niya.
Hindi niya napansing halos mag aalas kwatro na ng hapon ng magising siya. Umaga na kasi siyang nakatulog. Uuwi na siya sa mansiyon nila ngayon dahil baka mapansin na ng mommy niya ang dinaramdam niya. Hindi pwedeng magpakadepress nalang siya at tuluyang iyakan ang kawalang hiyaang ginawa ni Ian sa kanya.
Nagsimula siyang maghilamos ng maramdamang tila bumaligtag ang kanyang sikmura. Natakpan niya ang bibig sa pagpipigil na masuka. Hindi pa siya kumakain pero pakiramdam niya ay umakyat lahat ng gastric acid niya sa kanyang bibig hanggang sa hindi niya na iyon mapigilan. Pinagpawisan siya pagkatapos.
Hindi pa siya kailanman nakaramdam ng pagsusuka pagkagising. Naisip niyang marahil ay dahil iyon sa stress at hindi siya nakatulog ng maayos.
Ilang sandali lang siya sa loob ng banyo pagkalabas ay agad na niligpit na niya ang kanyang mga gamit. Kinuha ang susi ng pinahiram na mini cooper ni Channing at lumabas na ng condo.
Nasa basement na siya ng condo at patungo sa sasakyang nakaparada ng makita niya ang isang sasakyan na tila animo hinabol ng demonyo sa bilis ng pagtakbo nito. Huli na ng mapagtanto niyang sa dereksiyon niya iyon patungo.
Pagkatapos niyon ay wala na siyang naaalala...
KASALUKUYANG nasa kanyang opisina sa AAMC si Ian. Sandali siyang nakipag conference sa mga executive ng kanyang kompanya. Ilang araw ng gusto siyang maka usap ng ilan sa kanyang mga empleyado pero ngayon lang siya nagkapanahon.
Kahapon ay nagpa-alam na si Nicholas at Elise sa kanya patungong Italy. Hindi niya alam kung alin ang uunahin at kung ano ang iisipin. He had been too preoccupied the past few days. Ilang araw na wala siyang ganang pag-usapan ang kung anuman dahil sa isang babae. Minu-minutong laman ito ng isip niya. He wanted to see her. Gusto niya itong kausapin pero hindi niya alam kung saan magsisimula.
Mahal ka ng kapatid ko, Ian.
How can Inna even consider the wedding? Sinabi mismo ng kapatid nitong siya ang mahal nito.
May kumatok sa kanyang opisina at pumasok ang kanyang sekretaryang si Lucy. "Sir gusto daw po kayong kausapin ni Miss Channing Morales. Papapasukin ko po ba?"
Hindi niya ina-asahin ang kanyang panauhin ngayon. Ano naman ang sasadyain ni Channing sa kanya? "Sige Lucy, papasukin mo."
Ilang sandali lang ay pumasok na ito sa kanyang opisina. Seryoso ang mukha nito. Mukhang pormal rin ang suot nitong damit. Iba sa mga nakikita niyang sinusuot nito ng huli niya itong makita.
"Maupo ka Chan," aniyang itinuro ang kaharap niyang swivel chair. "Anong maipaglilingkod ko sayo?" Pormal na tanong niya.
Hindi ito gumalaw mula sa kitatatayuan. "Ian, gusto ko lang sabihin sayo na nahihirapan na akong tingnan ang kaibigan kong gabi-gabing umiiyak. May ideya ka naman sigurong ikaw ang dahilan niyon? Tama ba?"