CHAPTER 11
Pagkalipas ng limang taon
PINAGMASDAN ni Ian ang napakagardong handaan mula sa malapalasyong tanghalan. Tatlong taon na ang nakalilipas ng magpasyang magpatayo ng isang ultra-sophisticated at state of the art community ang mga miyembro ng Anglo-Saxon Fraternity na may dugong Pinoy sa isang parteng iyon ng isla sa silangan ng Palawan sa Pilipinas. Mahigit kumulang isang libong ektarya iyon, na nabili nila sa napakalaking halaga sa gobyerno. Dahil sa malakas ang koneksiyon ng ilang mga miyembro nila sa gobyerno kahit na itinuring iyong off site ay nakuha parin nila ang isla at ipinangakong idedevelop sa responsableng paraan. Sampu sa kanila ang nagtulong tulong para maipatayo ang kanilang project, hindi pa kasali roon ang ilang mga negosyanteng nag-invest rin sa isla.
Kagaya ng napakagarbong komunidad na ipinatayo ng kapwa nila miyembro sa Europa na si Jaime Calib na isang purong Frances, ay ganoon din ang kanilang napagkasunduan. Inspirado ang naturang komunidad mula sa pinanggalingan nilang Unibersidad sa UK, na halos kompleto na ang lahat ng pangkalahatang pangangailangan ng sinuman.
Tuwing may mga pagtitipon kasi ang kanilang fraternity o kaya ay may idinaraos na okasyon, tungkol man sa negosyo o sa pagkakawang gawa ay dumarayo pa sila ng Europa. Kaya naman imbes na umalis ng Pilipinas ay naisipan nilang magpatayo ng ganoong komunidad sa malaparaisong isla na iyon, na napapalibutan ng maputing buhangin.
Ang layunin ng grupo nila ay makilala ang Pilipinas globally at umakit ng maraming investors na siya nilang layunin. Halos lahat ng miyembro ng Anglo-Saxon ay pawang may mga kanikaniyang negosyo, at malaki ang maitutulong sa komersiyo ng Pilipinas kung saka-sakali. Lahat sila ay pawang mga negosyante at layunin nilang umangat hindi lamang sa Pilipians kundi sa ibang bansa.
Mahigit tatlong taon nilang binuo ang paraisong komunidad. Inakma nila ang kapaligiran sa arkitektora ng Greece, Monte Carlo at maging sa Comtemporary na istilo naman ng Amerika. Hindi iisipin ng sino man na nasa poder ng Pilipinas lamang iyon. Mayroon iyong mga hotels, recreational site, sports site, mga restaurant na sa ibat- ibang bansa lang nakikita, mga bars, naglalakihang convention center, wedding reception, resorts, mga malls, airport, simbahan, ospital at may estate property din na halos may mga may-ari na lahat, at kabilang na silang magkakaibigan doon. Isa iyong modernong paraiso. A contempory kingdom of the kings.
At tila sila animo hari ng mga oras na-iyon, dahil iyon ang kauna-unahang pagkakataon na binuksan nila ang komunidad. Hindi paman ay buong pagkamangha na ang maaaninag sa mukha ng kanilang mga panauhin.
Umaapaw ang pagkain, alak at naggagandahang mga babae mula sa ibat-ibang panig ng mundo na mga escort ng bawat miyembro ng kanilang brotherhood. May mga dumalong, celebrities, politician, at mga itinaguriang royal blood.
Pinakasalan niya si Elise sa pag-aasam na makuha muli ang mga ari-ariang pinaghirapan ng kanyang ama. At hindi siya nabigo sa ginawa.
Kahit na labag sa kanyang kalooban ay tinanggap niya iyon. Bago ang kanilang kasal ay nagpa-alam narin siya sa pangangarera, hindi na niya natapos ang ilan pang laro sa taong iyon at ang tinuring na kampiyon ay si Evo Benitti. Kung maituturing ay isa na siyang legend sa pangangarera at alam niyang kampiyon na siya sa larangang iyon.
Nang mailibing ang kanyang ama ay nagsimula na ang kasunduan nila ni Elise. Hindi nito itinanggi sa kanya ang dahilan ng pagpapakasal nito.
Buntis na ito at mula sa hindi kinilalang lalaki sa lipunan ang ama, para maiwasan ang eskandalo ay nag-asam ito ng lalaking papayag sa kasalukuyang sitwasyon nito. Noon naman nagpahayag ng desperasyon ang kanyang madrasta.
Isa siyang sikat na world champion sa buong mundo at anak rin ng isang mayamang pamilya sa Italya. Hindi na masama kung siya ang papakasalan nito, at magiging lehitimo ang anak na dinadala nito. Malinaw rin sa kanilang pagsasama ang kondisyon nitong pwede siyang mahumaling sa ibang babae at ganun din ito sa iba, provided that both parties will be very discreet.