Chapter Seven

11.7K 358 2
                                    

CHAPTER 7

MAAGANG nagsadya si Ian sa bahay ng kanyang Abuela. Naabutan niya ito sa likod ng bahay, naka upo habang nakatanaw sa pond nito.

"Lucas Sebastian! Mabuti naman at dinalaw mo ako, kamusta kana ba bang bata ka kailan ka pa nakabalik?"

Despite of his feelings ay nakuha niyang ngumiti. "I've missed you la, I came back last night." sinalubong niya ang matanda ng mahigpit na niyakap bago ito hinalikan sa noo.

"Parang may pakiramdam akong, may problema ka apo, care to tell this old woman?"

"Wala la, I just wanna see you," pinilit niyang pasiglahin ang boses.

"Bueno, nagkita naba kayo ng mama mo?"

Ang totoo ay doon na siya nanggaling. Ang ina niyang si Rebecca ay nakapag-asawa ng isang congressman. Biyudo na ang lalaki na may dalawang babaeng anak sa una nitong asawa. Hindi rin nagbunga ang pagsasama nito at ng kanyang ina. Nakikita niya sa mga mata ng kanyang ina na hindi rin ito masaya, pero kahit ano pa'ng rason ay ayaw rin naman niya itong sumbatan. Pinanghinaan siya ng loob, gusto sana niyang sabihin sa ina ang kalagayan ng kanyang ama, pero tila wala itong interes na kahit makita man lang siya.

"I went to see her earlier,"simple niyang sagot sa matanda.

Hindi na muling nag usisa pa ang matanda. Iba na ang binuksan nitong mapagusapan nila. Doon narin siya nagpalipas ng tanghalian.

Wala siyang ganang makipag kita alin man sa mga babaeng nag-tetext sa kanya. He don't feel like drowning in bed with them. Ang gusto lamang niya ay may mahingahan ng problemang pasan-pasan niya ngayon. Hindi rin naman niya makuhang sabihin ito sa lola niya ngayon. Alam niyang labis labis na mag-aalala ang lola niya. Kahit si Carlos, alam niyang busy ito sa mga problema sa negosyo.

Isa lang ang tanging naiisip niyang pwedeng mapagsabihan ng lahat. Why the little brat? Sigurado siyang higit rin itong mag-alalala. But he wanted to be comported by her healing embrace.


KATATAPOS lang tumugtog ng dalawang kanta ng grupo nila Inna, kasalukuyang nagpapahinga muna sila. Kasama niya sa isang table ang mga kabanda niyang si Marc na tumutogtog ng piano, si Coleen na vocalist nila at kasalukuyang lead guitarist din nila, si Mico na sa beat box o kayay sa drums, si Alfred na base guitarist nila at tumutugtog rin ng harp at horn, ang isa nilang kasama noong si Kelvin ay tumigil na dahil kasalukuyang naninirahan na sa Amerika ang pamilya nito.

Nakahiligan na ng may-ari ng naturang restaurant na e-guest sila roon, dahil sa maraming mga parokyanong nag ri-request sa kanila. Acoustic ang genre na gusto ng Italian restaurant, at hindi naman hard rock ang kanilang grupo kaya akmang-akma ang banda nila roon. Tinatawag nilang versatile ang kanilang banda dahil kahit anong genre ay pwede nilang tugtugin.

Kumaway si Nelson sa kanya na mag-isang nakaupo sa pangapatang mesa.

Regular na din itong tumatambay doon dahil sa kanya. Infairness sa nakalipas na ilang buwan ay consistent ang pagiging maginoo nito, naaawa na nga siya dito. He was already a very successful man at twentyfive. Hindi niya nga alam kung bakit sa kagaya niyang nag-aaral pa ito nanliligaw, pwede namang sa mga successful na kagaya nito ang piliin nito. Hindi rin naman niya tinututulan ang pakikipagmabutihan nito sa kanya. She liked him as a friend. He was very smart, gorgeous and very passionate about what he was doing. Kagaya nito na nagpipinta, ay passion niya ang pagtugtog.

Lumapit siya sa kina-uupuan nito.

"You were great, Inna," nakangiting komento nito.

"Salamat, Nelson!" Humalik siya sa pisngi nito. "Napadaan ka?"

Lucas Sebastian Andretti (Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon