CHAPTER 13
NIYAKAP ni Ian si Elise. Hindi niya alam na inasikaso na pala nito ang kanilang divorce ayon narin sa napag-usapan nila.
"I took care of everything, honey, you don't have to worry about it."
"Are you sure about this Elise?" She had been a woman of word. Tumupad ito sa napagkasunduan nila five years ago.
Humalakhak ito. "Oh, don't make me change my mind Lucas. You know I like you so much, you've been such a wonderful husband." Saka nito ginagap ang kanyang mga kamay at masuyong pinisil ang kanyang pisngi. "But I want you to be happy."
"Really Elise, Im worried about Nicholas."
Malungkot na ngumiti ito. "He'll understand later on. I don't want to keep you here, darling. I know I'm such a terrible wife, you are not happy, I can see that. I've also arranged Nicholas' papers so you don't have to play daddy forever."
Paano nito nasabing hindi siya masaya? Pinisil niya ang mga kamay nito. "You had been wonderful Elise really. And I could atleast make this marriage work for Nicholas." Kahit na walang emosyonal silang pinagsaluhan ay napamahal narin sa kanya ang bata. Itinuring na niya itong totoong sa kanya.
"No, no, no. You are welcome to visit him if you want," nakita niyang medyo namamasa pa ang mga mata nito.
Sandali siyang natahimik at napabuntong hininga, masuyong hinaplos ang pisngi nito."Thank you, Elise."
She kissed him tenderly on the lips. "I will miss you darling. And oh, I'm going to miss this awesome, hot and gorgeous face," she patted his cheek.
Natawa siya sa sinabi nito. "I will miss you too, Elise."
Sandali niyang tiningnan si Nicholas na mahimbing na natutulog sa kwarto nito.
"Be a good boy young man," he kissed his forehead.
Saka niya nilisan ang malapalasyong bahay nito.
Pansamantalang mananatili muna siya ng Pilipinas para pamahalaan ang kanyang Automobile Company. Dinala niya kasi roon ang operasyon dahil mas makakatipid siya sa manpower. Malaki rin ang maiitutulong niya sa mga kababayang Pilipinong walang mga trabaho sa bansa.
Bigla bigla ay walang sabing naalala naman niya ang huling pag-uusap nila ni Inna. She had changed a lot for the last five years, not to mention her physical attribute as well. Hindi niya maitatanggi na mas lalo itong gumanda.
"I'm going to get marry in six months..."
Six months huh?
"INNA, turuan mo naman ako sa mga recipe mo, sige na!" nakausli ang mga nguso ni Channing na sinusundan siya sa kusina ng kanyang pastry house na naitayo niya sa isang branch sa Manila.
"Hindi pwede, top secret ko ang mga recipe ko, mamaya niyan e pirate mo iyon. Malulugi ako!"
Nagpapadyak ito ng mga paa. " Sige na girl please, kailangan ko lang, sige na naman girl. Ililibre kita ng trip to Bangkok."
Umismid siya. "Naka punta na ako ng Bangkok."
"Japan nalang."
"Alam mong nakapunta narin ako ng Japan."
"Sige na girl, kahit yung Chocolate Chip Cheesecake mo lang."
"Alam mong 'yan ang pinaka bestseller ko." Umupo siya sa kaharap na upuan nito. Nakakaloka niya itong tiningnan. "Bakit napaka desperada mo yatang matutong mag bake, eh ang pagkakatanda ko, wala kang hilig sa baking? May binabalak ka na naman bang hindi ko alam?"