Chapter Four

13.5K 408 3
                                    

CHAPTER 4

"INNA ang ganda ng gown!"

Napalingon si Inna sa tinutukoy ni Channing. Si Channing ay ang pinakamatalik niyang kaibigan, kaklase niya na ito simula grade school. Kakauwi lang nito mula Singapore, at nagbilin na hintayin daw niya ito dahil tutulungan siya nitong mamili ng susuoting gown. Kinilabutan siya ng makita ang tinutukoy nitong damit. Kasalukuyang nasa isang sikat na gusali sila ngayon nkung saan magkakatabi lang ang ilang designers boutique ng mga sikat na fashion designer ng bansa.

"Halika tingnan natin," anitong hinila siya papasok sa boutique. Isang linggo nalang ang bibilangin at debut na niya. Nagpaorganized ang mommy niya ng magarbong party para sa kanya. Minsan lang daw siyang mag de-debut kaya gusto nito ay iyong tipong hindi niya makakalimutan.

Sinipat sipat ni Channing ang damit. "Perfect na ito girl, siguradong maglalaway ang mga manliligaw mo dito," anitong parang sira ulong napahalakhak.

"Pagsusuotin mo ako ng ganyan ka daring na damit? Eighteen palang ako girl at hindi desperada!"

Pinanlakihan siya nito ng mata. " Ano ka ba Christinna? Hindi na uso ngayon iyang pink na motif o kaya ay baby colors na sinusuot ng debutant. Dapat magmukha kanang lady, titingalain ng mga most eligible gentleman. Naalala mo ba noong nakaraang debut ko? Kulay Itim ang gown ko."

Naalala niya nga ang motif ng debut nito noong nakaraang dalawang buwan. Napaka gothic ng dating, pero napaka ganda rin naman nito sa itim na gown. "Hindi ko kayang suotin yan girl, napaka daring."

"Ano bang daring diyan? Eh tube lang naman 'yan at may isang slit sa hita? Maano lang naman kung may kunting balat silang makita? Hindi kanaman tipong naghuhubad! The dress is decent and sexy. Bagay na bagay sayo! Siguradong masho-shock si Nelson pag nakita ka."

Tukoy nito sa lalaking nakilala nila sa tinutugtugan nilang bar ng mga kaba da niya. Mula ng nakilala niya ito ay regular na itong nanonood sa kanya. Hindi rin nito itinangging nangliligaw ito sa kanya. "Pero hindi ko parin kayang magsuot niyan!"

"Ano kaba? Kung sa palabas ay ito ang pasabog mo. Sa t-shirt, jeans at sneakers ka lang nila nakikita. Try mong magpaka effect sa big day mo."

"Gusto niyo pong sukatin Ma'am?" anang isang babaeng nagbabantay doon. "If nagustuhan niyo at hindi kasya pwede pa po natin Mai adjust."

"Yes please, siya ang magsusukat," si Channing na ang sumagot.

Wala na siyang nagawa kundi isukat ang damit. Hindi niya rin mapigilang magustuhan ang gown. Saktong-sakto sa kanya ang hapit. Hindi niya nakilala ang sarili. Ano kayang magiging reaksiyon ni Ian kung makita siya nito sa ganoong ayos? Bata parin kaya ang tingin nito sa kanya?

"Inna? Tapos kana ba? Lumabas kana diyan at titingnan ko," sigaw ni Channing.

"Sandali lang lalabas na."

Nakita niya ang pagbuka ng bibig nito ng makalabas na siya sa dressing room. "Ikaw ba talaga si Inna na best friend ko? Oh my oh my... mukha kang isang blue blooded princess sa makabagong panahon na naligaw dito girl. Kunin na natin yan!"

Kokontrahin pa ba niya si Channing? Alam niyang hindi rin ito papayag na hindi niya kunin iyong damit.




HINDI pwedeng ma late si Ian ngayon. He wouldn't miss this for the world dahil debut ni Inna. Sandaling binistahan niya ang sarili sa salamin, kinuha ang regalo niya dito at ang susi ng kanyang sasakyan saka nagmamadaling lumabas ng kanyang silid. Kailangan niya pang daanan si Vienna.

Ilang sandali lang ay nasa mansiyon na si Ian ng kanyang nobya.

"So gorgeous," malanding bati sa kanya ni Vienna, binigyan muna siya nito ng makapigil hiningang halik bago umabresete sa kanya.

Lucas Sebastian Andretti (Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon