Chapter Ten

11.1K 355 15
                                    

CHAPTER 10

MAAGANG nagsadya si Carlos sa kanyang opisina sa gusali  ng Mendoza Group of Companies. Lubha siyang nasasaktan sa nangyari sa kanyang kapatid. Sino ang pwedeng gumawa nun kay Inna? Kakamustahin niya sana si Ian ng gabing iyon dahil matagal-tagal narin silang hindi nagkita.

Nagdilim ang paningin niya ng maabutan ang kanyang kapatid at si Ian sa bahay nito sa ganoong ayos? Sino ang hindi makakapag isip ng matino sa kanyang nakita? Halos wala ng saplot si Ian. May mga nakakalat pang mga alak at upos ng sigrilyo sa harap nito?

Pero kilala niya ang kaibigan, halos buong buhay na sila nitong magkasama, alam niya rin kung paano ito makitungo sa mga babae. Hindi nito kayang manakit. Pero naunahan na siya ng kanyang pride, at may mga ebidensiya mismo sa pamamahay nito. Hindi niya gustong paniwalaan na magagawa nito iyon kay Inna pero wala rin siyang maisip na ibang pwedeng gumawa niyon. Nagtanong tanong siya sa mga kaibigan ni Inna at pilit na itinatanggi ng mga ito ang nangyari. Wala umanong ideya ang mga ito sa nangyari. Dahil umalis raw mismo ang sasakyan ni Inna, pagkatapos ng mga itong magtagpo sa isang coffee shop.

Gulong-gulo na siya, litong lito. Hindi lang basta magkaibigan ang turingan nila ni Ian sa isat-isa, para narin niya itong totoong kapatid. Even at their brotherhood, sila ang magkaramay, ang magkasangga. Maskin sa pangangarera nila noon ay hindi niya ito kailanman itinuring na kalaban, maskin ito ay ganoon din sa kanya.

Naiipit siya sa dalawang nag-uumpugang bato. Pero mas matimbang ang kapatid niya, ito ang totoo niyang kadugo.

Natigilan naman siya sa pag-iisip ng bumukas ang kanyang pinto at iniluwa nun si Ian. Regular itong nakakapasok sa opisina niya na hindi na hinihingi ang kanyang permiso.

"Hindi kana dapat pa nagpunta dito." Malamig ang boses na salubong niya, sinalubong ang mapait na titig nito.

"Buong buhay kong inalagaan si Inna, pare, ni insekto ayaw kong madapuan, ni ayaw kong nakikita siyang umi-iyak dahil nasasaktan din ako." Pumiyok pa ang boses nito ng sabihin iyon. "At ikaw pare, simula't sapol tayo na ang magkasama, magkalaro, magkasangga sa lahat ng bagay. Ganoon ba ka hayop ang tingin mo sa akin ha, Carlos? Grabe pare, tiniis kong hindi siya hawakan, ni gawan ng masama pero iyon ang pinaniniwalaan mo. Hindi ganyan ka babaw ang pagtingin ko sayo  sana ay ganoon karin sana sakin. Alam kong wala naring silbi na sinabi ko ito sayo. But I'm gonna say this again. Hindi ako ang gumawa niyon kay Inna, at kung sino mang klaseng hayop ang gumawa noon ay magbabayad!"

Iyon lang at nakatulala na siya nitong iniwan. Alam niyang doon na magtatapos ang pagkakaibigan nilang dalawa.








NAGHAHANDA na si Inna dahil lalabas na siya ng araw na iyon sa ospital, hinihintay lang niya ang kanyang mommy. Mayroong bodyguard na binigay ang kuya niya para magbantay sa kanya. Naninigurado lang ito sa kaligtasan niya. Naroon rin ang yaya Coring niya. Kanina ay dinalaw siya ng mga kaklase at mga kabanda niya. Walang alam ang mga ito sa nangyari sa kanya. Maging si Nelson ay dumating rin at kinamusta siya. Pagkatapos ng ilang sandali ay nagpa-alam rin ang mga ito.

Gustong-gusto na niyang tawagan at kamustahin si Ian, pero para ano pa? Kakalimutan niya na ito, kapalit ng hindi ito maiskandolo ang pangalan nito o mai-demanda. Ibabaon niya nalang ang pag-ibig dito.

May banayad na katok na narinig siya mula sa pinto. Sino ang dadalaw sa kanya sa ganoong oras? Nagpa-alam ang mommy niyang mamaya pa siya masusundo at ang kuya Carlos niya.

"Sandali lang Inna at titingnan ko kung sino iyan," anang kanyang yaya Coring. "Kung si Ian ba itoy papasukin ko?" katulad niya ay hindi rin naniniwala si yaya Coring na magagawa iyon ni Ian sa kanya.

Lucas Sebastian Andretti (Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon