Chapter Fourteen

12.5K 364 5
                                    

CHAPTER 14

NAPASINGHAP si Inna ng maglanding ang chartered plane na sinakyan papunta sa malapanaginip na Islang iyon sa Palawan. Naroon siya Anglo Saxon Community. Ang komunidad na pinatayo ng ilang mga mayayang businessman sa pangunguna ng kuya Carlos niya.

Nagpasya siyang manatili muna sa Isla at tutukan ang isa niyang branch ng Pastry cake doon na pinangalanan niyang- Torta Paradiso mula sa Italian term na cake paradise. Dahil alam niyang paraiso ang maiisipan ng kahit na sinong makatikim ng kanyang mga pastry recipe.

Napangiti siya sa tinakbo ng kanyang isip. Sa susunod na buwan pa naman uuwi ang boyfriend niya. Pinayagan naman siya ng kanyang mommy na doon muna pansamantala at pinahiram ng kuya niya ang bahay nito roon.

Doon muna siya, pansamantala, magiisip, magmumuni-muni. Maaring ang malawak na paraisong islang iyon ang makakasagot sa problema niya.

Sinundo siya ng isang chauffeur ng isla at dumeretso sa kanyang gusali na nakatayo sa isang matarik na bangin. Meron doong panoramic view ng buong isla. Katabi rin niya ang iba pang restaurant ng isla. Kahit na kakabukas lang ng komunidad ay marami ng dumarayong turista, at mula pa sa ibat-ibang bansa.

Maraming mga koneksiyon ang ilang may-ari ng ASC, kahit na hindi na ang mga ito gumasto ng malaki sa marketing ay sasadyain iyon ng kung sinuman. Kahit na nakakapikit mata ang presyo ng accommodation doon. The place was an understatement of a paradise. Contemporary rin ang mga pasilidad pero hindi maitatanggi ang tema ng kalikasan sa kapaligiran. Wala ng mahihiling pa ang sinuman.

"Kamusta naman dito Liz?" aniya sa manager ng kanyang pastry house.

"Naku Inna, okay na okay. Gustong gusto nila ang mga cakes mo kasi hindi raw nakakaumay."

Lumubo naman ang puso niya sa sinabi ni Liz. Siya mismo ang nag e-experiment sa mga ginagawa niyang cakes. Cute ang kanyang pastry house, at sinadya niyang mga pastel at matte colors ang mga mesa at upuan, pati ang mga lounge, at mga couch. Open rin iyon na mistulang isang crib kung titingnan mula sa ilalim.


IAN couldn't think of any other place but ASC. Kasalukuyang nakatanaw siya sa malawak na Estate. Plano niyang maglibot sa kabuoan ng isla, hindi pa niya nakikita ang kabuoan ng nasa plano. Tanging sa blue print at sketch lang niya iyon nakita. Pinag masdan niya ang kanyang Italianate Inspired Villa. Klase-klaseng mga bahay ang makikita roon, ayon narin sa taste ng may-ari.

Dinala niya doon ang pinaka paborito niyang sports car. Maybe he could drive with the usual speed. Na mi-miss na niya ang pangangarera. Hindi na siya nagtuloy pa sa reunion sa England. Mas gusto nalamang niyang manatili roon at magpahinga.

Lumulan siya sa kanyang sasakyan at mabilis na pinasibad iyon paalis sa Estate.

"INNA! Are gorgeous men raining  here? Grabe halos araw-araw akong nakakakita ng hot na lalaki. Hindi ko na gustong umuwi!At ang isang ito ay isang exception, goodness! Dapat ay hindi hinahayaang lumabas ang ganyang mga nilalang!" Nagtitiling pahayag ni Liz.

Kasalukuyang nasa counter siya at inayos ang kakagawa lang niyang chocolate mousse.

"Ang gwapo ng isang ito. Naligaw yata, may sweet tooth siguro." Dagdag pa nito.

Sanay na siyang makakita ng gwapong lalaki. Kaya ipinagsawalang bahala niya ang sinabi ni Liz. "Tulungan mo na nga lang akong ayusin itong chocolate mousse. Kung sinu-sino naman iyang tinitingnan mo."

Biglang may tumikhim. Sabay silang napalingon ni Liz. Muntikan na niyang mabitawan ang cake ng mapag sino ang nakita.

"Surprised to see me, Inna?" Nakangiti ito, pero alam niyang nananadya ang loko. Pati ba naman doon ay makikita niya ito?

Lucas Sebastian Andretti (Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon