Epilogue

20.7K 588 37
                                    

EPILOGUE

***

Makalipas ang isang taon

"Hon, paabot naman ng diaper ni baby sa table," ininguso ni Inna ang ibabaw ng side table kung saan nakalagay ang diaper ng anak nilang si Lycus.

Narinig ni Ian ang impit na pag-iyak ng kanyang anak. " Sandali lang hon,"aniya saka nagmamadaling kinuha ang diaper.

Katatapos lang nilang paliguan ang kanilang anak.

Nagpasya silang manatili ni Inna sa ASC. Hiniling kasi ni Inna sa kanya na gusto nitong ipagpatuloy ang pagbubuntis sa komunidad, doon narin sila nagpakasal.

Binuksan niya ang isang perasong diaper at tinulungan si Inna na ilagay iyon kay Lycus.

"Ayan, expert na expert na si daddy." Kumindat pa ang asawa niya.

"Tahan na Lycus, nagmana ka naman sa mommy mong sobrang iyakin."

Pinandilatan siya ni Inna ng mga mata saka kinagat sa balikat. "Loko ka talaga!"

Maya-maya ay may nag doorbell. Sino ang magiging bisita nila? Wala silang inaasahang bisita ng araw na iyon.

"I'll get it,"aniya.

"Ako na hon, hawakan mo nalang muna si Lycus." Makahulugan ang ibinigay na tingin ng kanyang asawa. Inabot naman niya ang kanyang anak mula rito saka ito nilaro-laro. Tumigil na ito sa pag-iyak.

" Ian..."

Natigilan si Ian sa pag-aalo sa kanyang anak. Pamilyar sa kanya ang boses na iyon. Humarap siya, nakita ang inang nakatayo kasama ang asawa niya, naroon rin ang lola Elsie niya.

Tumikhim ang kanyang asawa. " Akin na si Lycus hon, iwan na muna namin kayo ni mama. Sa labas na muna kami ni lola Elsie, papaarawan lang namin si Lycus."

Hinalikan muna siya nito sa labi bago  kinuha ang anak nila. "I love you," bulong nito bago naglakad sa kinatatayuan ng mama niya. " O Lycus, anak, kiss ka muna kay lola."

"Ang cute-cute naman ang apo ko." Nangingislap ang mga mata ng kanyang ina na hinalikan ang kanyang anak.

Lumapit ang lola niya sa kanya at niyakap siya. " You need to talk to your mother, Sebastian."

Masuyong tinanguan muna siya ng kanyang asawa, nakangiti naman ang kanyang lola bago ang mga ito lumabas ng bahay.

"Bakit ka nandito?" Malamig ang boses na salubong niya kay Rebecca. Hindi niya inaasahan na naalala pa pala siya nito.

Lumapit ito sa kanyang kinatatayuan. "Ian anak, alam kong galit ka sa akin. Napakalaki ng pagkukulang ko sayo anak...mapatawad mo sana ako. Natatakot lang ako anak...na baka masaktan ako ni Norman." Tinakpan nito ang bibig sa pagpipigil na mapahagulhol.

"Anong ibig mong sabihin?"

"M-madaling magalit si Norman at pinagseselosan ang kahit na sino kaya hindi niya ako hinahayaang lumabas ng bahay na hindi siya kasama. Patawarin mo sana ako Ian anak, kung naduwag ako."

"Sinasaktan kaba ng lalaking iyon, ma?"

Naghihimagsik ang kanyang kalooban sa sinabi nito. Umiyak na tumango ito. " Patawarin mo sana ako, Ian, anak. Pero huwag kang magalala dahil umalis na ako sa bahay at maghahain na ng annulment."

Bakit hindi nito sinabi sa kanya noon ang kalagayan nito? Hindi narin niya natiis. Nilapitan niya ang kanyang ina at niyakap. " Bakit hindi niyo sinabi sa akin noon, ma? Sana ay naipagtanggol ko kayo."

Umiling ito. "No anak, alam kong sobra kanang naghirap mula sa pagsasama namin ng papa mo. Ayaw na kitang abalahin pa, ayaw kong makita mo ang paghihirap ko."

"But you could have atleast told me."

Hinaplos nito ang kanyang mukha. " Hindi na iyon importante. Ang mahalaga ay narito na ako ulit, at hindi na kita iiwan. Hindi lang siguro talaga ako maswerte sa pag-aasawa." Mapait na ngumiti ito sa sinabi. "Pinuntahan ako ni Inna noong nagbubuntis pa siya kay Lycus. Nagka-usap kami. Nalaman ko sa kanya ang nangyari sa inyo. Hindi ko lubos maisip kung gaano kasakit ang pinagdaanan niyo pero masaya akong naging maayos na ang lahat. Mapatad mo sana ako kung wala ako sa mga panahong iyon para damayan ka, anak."

Hinagod niya ang likod ng kanyang ina. " Huwag niyo nang isipin iyon ma, naiintindihan ko kayo."

Muli ay mahigpit siya nitong niyakap.

Napakasaya niya at makakasama na niya sa wakas ang kanyang ina. Kaya pala makahulugan ang tinging ipinukol ni Inna sa kanya dahil alam na pala nito na pupunta sa araw na iyon ang kanyang ina. "Halika ka na sa labas anak at baka kung saan pa mauwi ang drama natin. Gusto ko naring laruin ang apo ko."

Inakbayan niya ang kanyang ina na lumabas ng bahay. Nagulat pa siyang naroon din si Channing at kausap ang kanyang asawa. Nakaupo ang mga ito sa kanilang porch. Nasa lola naman niya ang kanilang anak. Nakita siya ni Channing at nakangiting kinawayan. He gave a smile and waved back. Isang taon itong hindi nagpakita. Nakita niya ang tuwa sa mga mata ng asawa. Nag flying kiss pa ito sa kanya. Ang mama naman niya ay nagsimula nang laruin ang kanyang anak.

He would be forever grateful that he had Inna as a wife. Inna was nothing but a sweet and caring wife. Napakalaking pasalamat niya sa Diyos na muling ibinalik nito ang tiwala niya sa pagmamahal na minsan na niyang kinalimutan. Married twice, but he had never been happy, until now. Wala na siyang mahihiling pa. Buong buhay niyang nasubaybayan ang paglaki ni Inna, ngayon ay makakasama na niya ito habang buhay.

Wakas :)

Lucas Sebastian Andretti (Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon