Chapter Five

12.4K 429 8
                                    

CHAPTER 5

NAGTIPON-TIPON ang barkadahan ni Inna ng araw na iyon sa isang Japanese restaurant, para katagpuin si Ian. Naka ready na ang mga paraphernalia na gustong papirmahan ng mga kaibigan niya.

Naroon ang bestfriend niyang si Channing, na kilala narin ni Ian. Si Coleen na kasama niyang tumutugtog, si Noelle, Mika, Frina at Louise na malapit rin nilang kaibigan. Na meet na ng mga ito ang kuya Carlos niyang pinaunlakan naman ang mga katakot takot na interview portion ng mga ito. At ngayon ay ang ultimate love niyang si Ian.

"Guys, sandali nalang at darating na si kuya Ian. May dinaanan lang daw siya sandali! "

Pinili niya iyong may exclusive room na kakasya ang isang grupo, para magkaroon naman sila ng privacy. Ayaw niyang may sisingit, sa moment na nila iyon. Syempre, masaya siya't pina-unlakan ni Ian ang kanyang hiling. 'Pag pumupunta kasi sila sa mga pampublikong lugar ay napakapormal ng mukha nito. Hindi masyadong ngumingiti kaya ang mga kinikilig na mga kababaihang gusto ng harasin ito ay hindi naman makalapit lapit. May aura kasi itong napaka intimidating sa labas. Hindi kagaya ng kuya Carlos niya na likas na nagpapacharming sa kahit kani-kanino, walang pinipili.

Pero sa kaloob-looban ay alam niyang pareho-pareho lang ang dalawa, very discreet at maingat lang si Ian.

Ilang sandali lang ay dumating na ang kanilang ina-asahan, kitang kita sa mga mukha ng kanyang mga kaibigan ang ibat-ibang reaksiyon. Kinilig siya ng makita ito sa signature na ayos nitong simpleng t-shirt at pantalon. Kahit na ganoon lang ang ayos nito ay hindi parin ito ordinaryong tingnan. He still looked very expensive, marahil dahil sa hindi maitatanggi ang lahing namana nito sa ama nitong Italyano.

"Hi Ladies? Pasensiya na kung naghintay kayo," bati nito. He plastered a perfect smile na lalong nagpa-awang sa bibig ng kanyang mga kaibigan.

Bumulong si Coleen sa kanya na katabi niyang naka upo sa sahig. "Ang gwapo talaga ni kuya Ian. Hindi ko alam kung paano mo siya napagtiyatigaang yakapin at halikan na hindi ka nag-iisip ng masama."

Pasimple niyang pinandilatan ng mga mata si Coleen. "Magkapatid lang ang turing namin sa isat-isa, napakamalisyosa naman yata ng ini-isip mo."

"Hmm kung mas tumanda-tanda lang ako ay siguradong lalandiin ko siya," anitong napahagikhik.

"Sira!"

"Oo girl! Inggit nga ako sayo. Ano kayang feeling na mayakap ng isang Lucas Sebastian Andretti? Super heaven siguro ano?" nangangarap na bulong ng maharot niyang kaibigan.

Pasimpleng siniko niya ito. " Tumigil kana nga girl!"

Ilang sandali lang ay nagsimula narin ang napag usapan ng grupo.

Buong atensiyon niyang tinitigan si Ian. Mayamaya ay tumingin ito sa kanyang dereksiyon at pasimple siyang kinindatan habang isa-isa nitong pinirmahan ang mga nakahandang mga paraphernalia. Ang isa naman nilang kaibigang si Frida ang taga-kuha ng litrato.

Inakbayan pa nito isa-isa ang mga kaibigan niya habang nagpapapicture.

Simple siyang kinilig sa ginawa nito. Her heart was overflowing with so much love and so much joy.

Matapos ang nangyaring pirmahan ay kumain muna sila. Magalang naman nitong sinagot ang tanong ng mga makukulit niyang kaibigan.

Ilang sandali lang matapos nilang kumain ay niyaya naman sila nito sa isang sikat na desert house. Dinala nito ang isa nitong SUV kaya kasya silang lahat doon.

Nagulat pa siya ng isa-isang bigyan nito ng teddy bear na stuff toy lahat ng kaibigan niya, syempre kasali rin siya. Pasalamat daw nito iyon sa mga walang sawang fans na sumusuporta sa Formula.

Walang patid ang ngiti ng kanyang mga kaibigan. Umuwi silang tuwang-tuwa at satisfied dahil pinaunlakan ni Ian ang kanilang imbitasyon—lalong lalo na siya.






"HINDI mo ito pwedeng gawin Sebastian!" nawala ang poise ni Vienna sa sinabi niya dito ngayon. Kumuha ito ng sigarilyo saka iyon sinindihan, balisang-balisa. Matagal na niyang alam na naninigarilyo ito, wala naman siyang tutol doon dahil maski siya ay naninigarilyo din. But right now, he just hoped that he wasn't seeing her puking smoke. Paano bang napagtiyagaan niya ang babaeng ito sa loob ng dalawang taon?

"Patawarin mo ako Vienna, pero sa simula ay wala naman tayong relasyong matatawag. Yes, we engage in the pleasure of the flesh pero hanggang doon lang iyon."

Umiiyak na lumapit na ito sa kanya. "Ano bang gusto mo, Ian, darling? Committed naman ako sa relasyon natin, seryoso ako. Ano bang gusto mo?"

"You are not Vienna," ginawa niyang flat ang tono ng boses.

Bumalasik ang mukha nito. "Is it because of that kid?! Is it because of Inna?"

"This is between you and me Vienna! Walang kinalaman dito si Inna."

Dinuro siya nito."You! Akala mo ba hindi ko kayo nakita sa party? You were dancing with her! Binigyan mo pa siya ng necklace!"

"It was her birthday, natural na bigyan ko siya ng regalo. Ayaw kong umabot pa tayo sa puntong nagsasakitan Vienna. I'm sorry."

Tinalikuran na niya ito.

"You can't leave me just like this Sebastian!"





MAIGING nag insayo ang banda nila Inna para sa gig nila ngayong gabi. Regular silang nagi-guest sa isang Resto Bar. Passion na ng grupo nila ang tumugtog ng libre. Layunin nilang tumugtog para magbigay ng kasiyahan sa mga tao. Tutugtugin nila ngayon ang isa sa mga kantang ginawa niya. Secretly dedicated iyon sa ultimate love of her life-- si Ian.

Nagsimulang pumaibabaw ang malamyos na tunog ng violin na siya mismo ang tumutugtog. Alam niyang lilipad ng Europe si Ian ngayon para maghanda sa GT Series nito sa Silverstone.

Kumaway si Nelson sa kanya na isa sa mga tahimik na nanood sa ilalim ng stage. Nagustuhan niya si Nelson dahil sa likas itong magalang at gentleman. Pero wala naman talaga siyang planong sagutin ang alinman sa mga nanliligaw sa kanya. Ang totoo ay nagpapapansin lang siya kay Ian. Sana man lang ay makita rin siya nito, medyo nawawalan na siya ng pag-asa, kahit anong effort niyang magpaganda ay mukha namang walang epekto dito.

Ilang minuto niyang hinagod ang bow sa instrumento, habang dinama ang musikang hatid nito, nang bigla ay dumako ang mata niya sa dalawang pares ng maiitim at pamilyar na mga mata. Matang buong pagmamahal at buong paghanga siyang tinitigan. Naroon si Ian at pinapanood siya!

Ginalingan niya pa lalo ang paghagod sa bow, sumabay sa tunog habang sumayaw sayaw ang kanyang katawan. Gusto niyang maluha sa tuwa. He was watching her with adoring, and loving eyes! Pakiramdam niyang proud na proud ito sa kanya.

Ilang minuto ring nakatayo si Ian sa likurang bahagi ng resto bar bago nito tahimik na nilisan ang gusali. He had a flight to catch pero dinaanan parin siya nito!

Pumatak ang kanyang mga luha ng matapos ang kanyang piece. Hinding hindi niya malilimutan ang sandaling iyon. Mas lalo niyang napagtibay ang pagmamahal sa lalaking matagal na niyang tinatangi at inalagaan sa kaibuturan ng kanyang puso.

I love you so much Ian. Balang araw ay magiging akin karin, mamahalin kita at aalagaan ng higit pa sa buhay ko.

Lucas Sebastian Andretti (Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon