Chapter Three

13.8K 450 6
                                    

CHAPTER 3

ISANG LINGGO na ang lumipas mula ng mailibing si Henry Mendoza. Nakauwi ng Pilipinas ang ilan sa mga barkada nila Carlos at Sebastian para makiramay. Kasalukuyang nasa penthouse suit ni Ian sila ngayon habang nag bibilliard.

"Okay ka na ba talaga, pare?" Puna ni Claud kay Carlos na kasalukuyang naka upo at nanunuod lang sa kanila.

"Yeah," sumimsim ito ng alak mula sa kopita. "I'll get along."

Tinapik ito ni Khain. " So anong plano mo ngayon?"

"Alam niyo namang si Papa ang namamahala ng lahat ng kabuhayan namin. I still don't know."

"You are still going to get the world title for the the GP series, Pare, in time. Mas importante ngayon ang negosyo niyo," sabad naman ni Rio.

Lahat sila ay pawang nagtapos sa prestihiyosong Unibersidad sa UK sa Englatera. Ang Hybrid University. Isang Unibersidad kung saan ang mga mayayaman at may sinabi sa lipunan lamang ang nakakapag-aral. Isa ito sa pinakamagandang Unibersidad sa Europa. Halos humigit kumulang sampung daang ektarya ang laki niyon, at merong maliit na circuit sa loob ng campus, may mga condo na pambabae at panglalaki na para sa mga pumapasok doon na kasing garbo ng palasyo. May mga recreational site at sports site. Maraming restaurant at mayroon ding sariling airport.

Nagkalilala sila ng kanyang mga kaibigan ng minsan silang sumali sa isang fraternity na kung tawagin ay Anglo-Saxon Stark Verein Internationale'. Nagsimula pa umano ang naturang brotherhood noong 5th Century, hanggang sa nagpasalin-salin na iyon sa mga sumunod na siglo. Kilala rin ang naturang fraternity hindi lang sa Europa kundi sa buong mundo. Kabilang sa fraternity ang ilang mga royal blood, mga politicians at ilang celebrities.

Kakaiba ang initiation ng naturang fraternity dahil hindi hazing o pagpapalo sa mga sumasali ang ginagawa kundi ay ang paglampas sa ilang mga physical at mental agility test ng mga ito na pawang pang buwis buhay. Sa training pa mismo ay para na silang sumali sa sandatakang lakas ng Pilipinas.

Nagkapalagayan sila ng loob dahil pawang may mga dugong Pinoy silang lahat. Galing rin sa pinakamayayamang angkan sa Pilipinas at ibang bansa ang mga magulang ng mga ito. Some of them are currently based in Europe and some part of Asia dahil sa kani-kaniyang negosyo ng pamilya. Sila lang ni Carlos ang kasalukuyang bumukod at napunta ang propesyon sa race track. Graduate siya ng kursong Manufacturing Engineering. Well, hindi naman iyon masyadong malayo sa propesyon niyang pangangarera. Ang ama niyang si Gustavo Andretti na isang Italyano, ay may sariling automobile manufacturing company sa Milano.

"I don't know, Pare, kailangan ako ng pamilya ko ngayon. Hindi ko pwedeng pabayaan nalang si Mama at ang kapatid ko," si Carlos.

"It's too early to retire, dude," si Claud.

"Pwede ka namang mag lie low muna tapos balik ka ulit sa karera. Unahin mo muna ang mga negosyo ninyo," ani Khain. Isa ito sa pinaka matagumpay sa larangan ni Electronics. Ito ang pinaka tuso sa kanilang lahat pagdating sa negosyo.

"Tama si Khain," pagsang-ayon ni Rio, habang nilalagyan nito ang cue stick ng chalk. Pumasok ang bolang tinira nito. Eight ball, panalo ang grupo ni Rio at Claud. Ang kasabay naman ni Ian ay si Khain.

"Damn you Rio!" Napapalatak na bulalas ni Ian. Hindi na siya nag komento sa suliranin ni Carlos. Either way he would support his friend's decision. Pero kung siya ang tatanungin, ay masmakabubuting unahin muna nito ang pangangalaga sa negosyo. Hindi pa masyadong maka-usap ang ina nito dahil sa nangyari, kahit na si Inna.

Nababahala rin siya sa kapakanan ni Inalna. Kailangan nitong masubaybayan lalo ng ngayong nagdadalaga na ito. Ilang taon nalang at marami ng pipilang manliligaw dito. The thought horrified him. Parang nakababatang kapatid niya narin si Inna. Hindi niya maaatim na makitang may mga lalaking manloloko dito o samantalahin ang kainosentihan nito. He would kill them if he had too. Protectiveness rose over him.

Lucas Sebastian Andretti (Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon